23: Boyfriend
Pagkatapos ng morning classes namin ay dumiretcho na ako sa Guidance office para magtrabaho habang ginagawa ang reportings namin. Himala nga dahil hindi nila ako inuutusan ngayon, naninibago ako.
"Ay yong batang 'yon ang mga magulang non ay may-ari ng mga hotels dito sa Alvarez, Jones apelyido non." Napalingon ako kay Madam Ching.
Sino ba pinag-uusapan nila at naiingayan ako sa boses nila!
"Iba talaga kapag mayayaman 'no?"
"Sino ba?"
"Ay yong apo ni Mr. Miller!"
Natigilan ako sandali nang marinig ang apelyido ng crush ko at apelyido rin ng president ng University namin.
"Yong maputi?"
"Lahat naman sila mapuputi!"
"Yong ano matangkad, maputi...maganda."
"Eh alin ba don ang boyfriend?"
"Napunta 'yon dito minsan, si Steven anak ng mga Jones."
Pumikit nalang ako ng mariin. Ano naman kung mayaman ang lalaking 'yon? Hindi pa nga sigurado kung boyfriend ba talaga. Ako kaya ang niligawan! Ako kaya! Ako lang dapat! Itinaas ko bigla ang aking kamay at napalingon sila sa akin.
"Yes, miss?" Agad akong nilingon ni ma'am Ching.
"Pwede po bang lumabas?" tanong ko. "Bili po sana ako ng snacks," sabi ko.
"Ah sige! 30 minutes lang ah!"
Lumabas ako agad dahil ayoko na kasing marinig ang pinag-uusapan nila. Hindi naman panaginip ang nangyari kagabi. Totoo naman lahat ng 'yon diba? Naging tanga lang naman ako pero hindi ako nagfeeling kagabi. Totoo talagang nanligaw siya sa akin.
Bakit kasi sumabay pa 'to?
Bumaba ako at sumakay ng bus para pumunta sa canteen. Bibili lang ako ng makakain. May malapit naman na mga food stall kaso gusto ko yong malayo. Malayo sa lahat.
Pagkarating ko ng canteen ay agad kong nakita si Casey. Magtatago sana ako kaso saan naman at alam ko namang hindi niya ako makikita. She's busy with the Steven guy and they laugh while eating.
Ang cute pa ng smile niya.
I looked away when I felt that she's about to look in my way. Pero asa pa ako 'no. Kunwari nalang hindi ko sila napansin. Bumili lang ako ng fruit bread tapos dali-dali akong lumabas dahil ayoko ng masaksihan pa ang sweetness nilang dalawa.
Kaya pala masasabi nilang baka boyfriend niya.
Bakit ngayon ko lang 'to nalaman? Dahil lang ba sa ginawa ko kagabi kaya agad niya akong pinalitan? Tapos sa lalaki pa? Anong laban ko don?
Nang matapos ang trabaho at klase ko ay agad akong nakigala sa mga kaibigan ko. Ngayon lang naman ako gagastos.
"Libre na kita girl," sabi ni Scarlett. We visited a boutique to buy dresses. We're preparing for an acquaintance. Dahil sa kakaisip ko kay Casey at itinuon ko ang buong atensyon ko sa kanya mag-iisang buwan palang pala. It felt like years already when I'm with her.
"Wag na," sagot ko. "Kaya ko naman tsaka nagpaalam naman ako kay tita na may bibilhin tayo."
Inuna ko pang isipin ang awit sayaw namin kasi alam kong kakanta siya. I'm so excited to see her perform but I don't know what to feel right now. I'm invisible again.
"Okay."
"Guys how about this?" We both looked at Elodia."Ang ganda," sagot ko.
"Ano ba 'yan parang walang gana," sabi niya.
We're actually finding a vintage dress that would fit the theme.
"Let's try another clothing store?" tanong ni Scarlett at tumango naman ako bilang sagot.
"Nga pala, may kukunin muna ako sa dormitory tapos sakay nalang ako ng taxi papunta sainyo," sabi ko.
"Fine with me," sagot ni Scarlett.
Pakiramdam ko kasi hindi ko makakausap si Casey ngayon. Her presence is cold.
Natapos kami at hindi lang para sa party ang mga nabili namin. Kaya marami akong bitbit na shopping bags. Nauna ako sa kanilang sumakay ng bus pabalik ng dormitory. Pagkarating ko ay agad akong umakyat.
Natulala pa ako sandali dahil may mga lalaking lumabas sa room namin at may mga dalang gamit. Iba bag ang bitbit at ang iba naman mga boxes. May bakante pa namang isa may bago ba kaming roommate? Pero hindi eh dahil palabas silang lahat. May lilipat ba?
Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko si Max at Casey nag-uusap.
Napalingon sila parehas sa akin pero agad ring umiwas ng tingin si Casey.
"Oh! Ba't ngayon ka lang Princess?" Nakangiting tanong ni Max. "Mabuti naabutan mo pa si Casey, she'll be living in an apartment now."
I halted at what I heard.
–