Simula ng makita ko ang ibig sabihin nuon ay di na ako nagAttempt na magbukas ng Facebook. Hanggang sa dumating na yung araw ng pagdating niya.
"Basta, act normal baby...yung parang wala lang" natatawang sabi sa akin ni Kuya Nathan. Nakangusong akong tumango, hindi ko kailanman naimagine na ang tigasin at gwapong kagaya niya ay may amor sa mga ganitong kaganapan.
Sandali pa niyang ginulo ang buhok ko bago niya ako pinagbuksan ng pintuan. Ready na ang driver at ako na lang ang hinihintay. Napangisi ako, marahan kong sinuklay ang aking buhok na nagulo dahil sa pag tap niya sa aking ulo.
"Ako na lang kaya ang susundo kuya..." pagpupumilit ni Marcus na lumabas pa talaga para lang pigilan kami.
Napatingin ako sa kanya, nakakita ko naman ang blankong ekspresyon niya kaya naman nagiwas ako ng tingin. Kahit hindi sabihin ni Marcus ay pakiramdam ko may alam siya? Nararamdaman niya? Pero wala naman siyang magagawa, nararamdaman ko ito at ilang taon kong itinago. Wala siyang dapat ikabahala dahil hindi naman ako gusto ni Kuya Axus at alam ko ang mga limitations nito.
Tumango na lamang ako bilang pag sangayon. "Kung gusto po ni Marcus, siya na lang" sabi ko pa kay Kuya Nathan, para ipakita sa kanila na hindi naman talaga ako interisado sa pagsundo kay Kuya Axus. Mas gusto ko ngang dito na lang at tumulong sa preparations.
"Hindi Marcus, Kailangan ka namin dito..." pinal na sabi ni Kuya Nathan at tsaka ako halos itulak papasok sa sasakyan.
"I'll update you" sabi pa niya bago niya tuluyang sinara ang pintuan.
"Nathan!" tawag sa kanya ni Kuya Clark sa may pintuan kaya naman si Marcus na lang ang naiwang nakatayo at hinihintay ang pagalis ko.
"Sungit, Panget mo!" sigaw ko sa kanya ng umaandar na kami.
Nanlaki ang mata nito. "Humanda ka sa akin mamaya!" sigaw na habol niya.
Nailing na lamang ako. "Baliw"
Medyo naipit kami sa traffic kaya naman nagkakagulo na sila Kuya Nathan sa bahay dahil dumating na daw ang sinasakyang eroplano ni Kuya Axus.
"Wala na po bang ibang shortcut kuya?" tanong ko sa driver.
"Naku ma'm...Wala po eh, ginagawa po kasi yung daan diyan sa may unahan" sagot nito.
Napasalampak na lang ako sa pagkakasandal, ano ba yan kung kailan malapit na ay tsaka pa kami natraffic. Napabalikwas naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at agad sinagot iyon ng makita kong si Kuya Nathan ang caller.
"Hello Elaine..." bungad niya.
"Kuya sorry, na traffic kami eh, pero malapit na kami sa airport" kanakabahang sabi ko.
"Ok lang baby. Wala na si Axus sa airport, napilit namin siyang mag hotel muna, I'll text you kung saan. Kasama pa niya ang buong team niya"
Sinabi ko kaagad sa driver ang bagong location. Magisa akong pumasok sa nasabing hotel, sa elevator pa lang ay parang lalabas na ang puso ko mula sa aking dibdib. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin matapos ang mga palitan namin ng messages, ang tapang tapang ko duon, pero ngayon. Wala na.
Pagkadating ko sa tamang floor ay may nakita pa akong grupo ng mga lalaking galing sa isang kwarto. Nalaman kong duon ang kwarto ni Kuya Axus dahil ang mga lalaking iyon ay nakasuot ng itim na tshirt na may nakasulat na Axus Hector Herrer sa may harap at may malaking number 46 sa likod. Sila yung sinasabi ni Kuya Nathan na team nito.
Hindi ko na kinailangan pang kumatok dahil bukas naman ang pintuan. Napahinto ako sa tuluyang pagpasok ng makita ko kung sino ang nakatalikod sa akin ngayon. Wala itong suot na pangitaas. Mababa din ang pagkakakapit ng kanyang pantalon sa kanyang bewang. Nakataas ang kanyang kamay dahil may kausap siya sa kanyang cellphone, kitang kita ko ang pagflex ng kanyang muscle.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomantikOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.
