"Diosmio! Axus Hector! Naririnig mo ba yang sarili mo?" galit na sigaw nito na gumulantang sa buong bahay.
"Mahal ko po si Elaine, Mom...Mahal niya din ako bakit ba hindi niyo matanggap iyon?" Mariing pagpapaliwanag ni Kuya Axus sa ina.
"Damn it Axus, magpinsan pa din kayo..." frustrated na singhal ni Tita sa amin.
"Kakasabi mo lang kanina Mommy, ampon lang si Elaine. Then pwede kami. Pwedeng pwede." Madiing sagot nito.
Bumilis ang paghinga ni Tita Pia at mariin din itong napapikit hindi din nakaligtas sa aking paningin ang pagtulo ng kanyang mga luha. Bumigat ang dibdib ko dahil sa nakikita. Ni minsan ay hindi ko hinangad na may masaktan dahil sa kaligayahan ko. Hindi ko kailan man ginusto na makita si Tita Pia na ganito kahit pa nagawa niya akong saktan.
"Bakit ikaw pa anak? Bakit ikaw pa...pwede namang iba na lang." Humahagulgol na sabi nito.
Nakita ko ang panlulumo ni Kuya Axus. Kahit ako naman, kung makita si Mommy ng ganyan ay hindi ko din kakayanin. Nilapitan niya ang ina at kaagad itong niyakap.
"Shh...Mom, I'm so sorry" malungkot na sabi nito. Kaagad ginantihan ni Tita ang yakap nito,
"Please Axus, tama na ito. Tama na, anak." Pakiusap niya.
"Mom..."
Marahang umiling si Tita Pia sa pagtawag ni Kuya Axus sa kanya. "Wag na ikaw, Axus. Yung iba na lang. Bakit ba kasi ikaw pa? Pwede namang si Nathan na lang, Si Clark o kahit si Marcus wag lang ikaw, Axus" frustrated na sabi nito. Hindi ko inakala na itutulak niya din ako sa iba pa naming pinsan.
Nakita ko ang pagprotesta ni Kuya Axus dahil duon. "No Mom. Akin lang si Elaine, hindi pwedeng sa iba." giit nito.
Nanghihinang napabitiw si Tita Pia ng yakap sa kanyang anak. Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lang nitong sinampal ang kanyang anak.
"Saan ako nagkamali sa pagpapalaki sayo?" sumbat niya.
Hindi nakasagot si Kuya Axus, bagkus ay nanatili siyang nakayuko. "Ginawa ko naman ang lahat! Bakit nagkaganito?!" hindi makapaniwalang tanong niya sa anak.
Hindi ko na napigilang lumapit sa kanila ng sunod sunod na sampal ang ibinigay ni Tita dito.
"Tita Pia, Tama na po." Pakiusap ko sa kanya.
Marahas niyang tinabig ang aking kamay na nakahawak sa kanya. "Wag kang makialam dito! Kasalanan mong lahat ito!" paninisi niya sa akin.
Hinawakan niya ang kanyang Mommy sa takot na saktan nanaman ako nito. "Mommy, Calm down..." pagaalo niya.
"I can't! Lalo na pagnakikita ko yang babaeng yan" turo niya sa akin.
Napatingin si Kuya Axus sa akin. Alam ko na, kailangan ko ng umalis dahil siguradong hindi kakalma si Tita hangga't nakikita niya ako. Hahayaan ko muna siya dito, para makapagusap silang dalawa. She needs to calm down, hindi makakabuti para sa kanya ang sobrang stress.
Marahan akong tumango at yumuko. Uminit ang gilid ng aking mga mata. Kailangan ko pang umalis para maging maayos ang lahat. Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin sa takot na makita niya ang aking pagiyak. Mabilis akong pumihit at patakbong lumabas duon.
"Axus!" sigaw ni Tita. Bahagya akong napahinto ng makita kong nakasunod ito sa akin.
"Kung aalis si Elaine, aalis na din ako" matapang na sabi niya na ikinagulat ko. Hindi siya pwedeng sumama sa akin ngayon!
"I can't. Let her go alone, Mom" pahabol pa nito.
Emosyonal na lumapit ito sa anak at kumapit. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata, ayaw niyang umalis ang kanyang anak. Naiintindihan ko, Ina siya. "Please, Don't leave me Axus..." pagmamakaawa niya.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomanceOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.