Season 2 - Chapter 42

55.2K 822 37
                                        

After one year

"Kuya Danny!" Sigaw ni Afrit habang tumatakbong pumasok sa aming bakuran.

Sa kanyang likuran ay ang kalmado at naglalakad lang na si Kuya Darren. Nasa loob pa nga ng magkabilang bulsa niya ang kanyang mga kamay.

"Hoy, Afrit anong problema mo?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Humalukipkip pa ito sa aking harapan. "Asaan na si Kuya Danny?" Tanong niya.

"Nasa bayan si Kuya, kasama si Tatay..." sagot ko habang abala din ako sa paghihiwa ng mga gulay para sa aming hapunan.

Halos isang taon na simula ng tumira ako dito sa Bulacan. Masaya dito at tahimik. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga naiwan ko sa Manila. Sila Mommy at Daddy, pati na din si Kuya Luke at ang balita kong nawawalang si Samantha na nagdadalang tao. Pati na din ang mga pinsan ko. Kamusta na kaya sila Kuya Clark, Nathan, Alec at Marcus? Pati na din sina Kuya Sebastian at Carol. At si Yvonne, nagdadalang tao na kaya siya?

Nagaalala din ako para kay Lola. Pati na din sa kay Tita Pia. Nasa hospital pa kasi siya nung umalis ako. Miss ko na silang lahat, miss na miss ko na sila. Lalong lalo na siya...lalong lalo na si Kuya Axus.

Napabalikwas ako ng pumitik si Afrit sa aking harapan. "Hoy, tulala ka nanaman diyan. Sabi ko asaan ang Kuya Danny mo at magpapakasal na kami ni Darren" sabi niya na ikinagulat ko.

Pero imbes na sumigaw ay nagdalawang isip pa din ako. "Weh!?" tanong ko.

Kaagad siyang sumimangot at hinampas ako sa braso. "Nakakainis to..." pagmamaktol niya na ikinatawa ko.

"Ano bang nangyari at bigla bigla naman ata yang desisyon niyo" tanong ko at halos matawa dahil sa pagsakay ko sa kanyang kalokohan.

Nilingon niya si Kuya kaya naman ganuon din ang aking ginawa. Matalim ang tingin ni Afrti dito pero tamad lang siyang tiningnan pabalik ni Kuya.

"Eh kasi..." hindi maituloy ni Afrit ang sasabihin niya habang nakatingin kay Kuya Darren na wala pa ding kaemo-emosyong ang tingin sa kanya.

"Eh kasi..." sabi niyang muli na ikinainis ko kaya naman sasabat na sana ako ng napangisi si Kuya Darren.

"Maniniwala ka ba na hinalikan ko siya? Elaine" Natatawang tanong ni Kuya Darren sa akin.

Napatameme ako dito na lalo namang ikinatawa ni Kuya. "Tingnan mo nga Afrit, ni si Elaine nga ay hindi naniniwalang hinalikan kita. ang Kuya at ang Tatay ko pa kaya?" Pangaasar sa kanya ni Kuya.

Lalong nagmaktol si Afrit kaya naman nilapitan ko na siya. "Ano ba talaga ang nangyayari?" Tanong ko. Pero ang Kuya Darren na ang sumagot para dito.

"Nagdedelusyon nanaman yang kaibigan mo, ang kulit kulit. Sabi nang ayaw ko sa kanya eh" naiinis na sabat ni Kuya with matching marahas na kamot pa sa batok.

"Eh gusto nga kasi kita..." mahina pero matapang na saad ng nakayukong si Afrit.

"Eh hindi nga kasi kita gusto!" Hiyaw ni Kuya na halatang iritado na.

Nang dahil duon ay namumula ang mata ni Afrit ng nagangat ito ng tingin."Eh bakit naninigaw ka? Kailangan talagang sumigaw!?" naluluhang tanong ni Afrit dito.

"Hay ewan!" Buntong hininga na lamang ni Kuya at tsaka tumuloy sa loob ng bahay.

Dinamayan ko ang mangiyak ngiyak na si Afrit. "Bwiset talaga yang Kuya mo, pa-hard to get" nanggigigil na sambit niya na ikinatawa ko.

"Hintayin mo lang kasi, alam mo siguro mas maganda kung dumistansya ka muna, magpa-miss ka..." nakangiting suwestyon ko with matching pagtaas ng kilay pa.

A Sweet Mistake (HFS #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon