"Kailangan kong magpaliwanag sa kanya"
"Not now, Elaine. Alam mo naman kung gaano nila kamahal ang Mommy nila. For sure, lahat ng sasabihin ni Tita Pia paniniwalaan niya" giit ni Marcus sa akin.
"Anong gagawin ko?" nanlulumong tanong ko sa kanya.
Napaangat ako ng tingin sa kanya ng hawakan niya ang aking kamay. "Alam ko na, itutulak na lang din kita sa hagdan!" natatawang sabi pa niya.
Hinampas ko siya sa braso. "Hindi ka naman nakakatulong eh!" hiyaw ko.
Tinawanan niya lang ako. Hindi ko alam kung bakit ganito itong si Marcus, may sapak ata sa utak. Kung may iba lang na makakatulong sa akin ay hindi ko isasama ang isang ito.
"Tara na nga, gamutin na natin yang sugat mo sa leeg, para kang may mahabang chikinini..." natatawang sabi pa niya.
"Nakakainis ka talaga!"
"Sige na nga. Para ka lang may pulang dog collar" tawa pa niya sabay turo duon sa sugat ko.
"Grabe ka makatawa, Ang sakit sakit na nga" suway ko sa kanya. Dahan dahan siyang napahinto sa pagtawa, naawa pa ata.
"Ikaw naman kasi, bakit ba ayaw mo pang ibigay yan kay Tita Pia?" tanong niya habang hinihila niya na ako pasakay sa kanyang sasakyan.
Hinawakan ko ang pendant ng kwintas. "Galing ito kay Kuya Axus"
"Alam ko, pero kasi naman Elaine. Makakabili ka pa naman niyan. Gusto mo ibili pa kita ng sampu niyan ngayon eh. Oh, kaya naman ibili kita ng marami hanggang sa hindi na makita yang leeg mo!" asar pa niya sa akin. Kung makatawa siya parang walang nangyari kanina. Abnormal talaga!
"Mahal ko kasi si Kuya Axus kaya napakaimportante sa akin nito" sabi ko pa. "At kung pwede lang, ihatid mo na ako sa bahay namin dahil naiinis na ako sayo" utos ko.
"Demanding. Paglakarin kita diyan eh!" pananakot niya sa akin. .
Tiningnan ko lang siya ng masama. Tahimik pa din ako buong byahe. May nabanggit si Tita Pia kanina na kasunduan daw, ano kaya yun? at bakit napapayag niya si Kuya Axus?
"Mukhang may bisita kayo" pahayag ni Marcus.
Nakita ko ang hindi pamilyar na itim na sasakyan. Simple ang mukhang lumang modelo. Ngunit sa patuloy kong pagiisip ay agad akong mayroong naalala.
"Alam ko kung sino yan. Yan yung abogado na naabutan ko ding kausap nila Mommy dati...nakakatakot pa nga at iba ang tingin sa akin" kwento ko kay Marcus.
"Ganuon? Hindi kaya nakapatay ka, at nakalimutan mo lang?" seryoso pero kalaunan ay napangisi ding sabi niya.
Gigil na gigil ko siyang binalingan. "Alam mo ikaw! Ang gago mo!" asik ko sa kanya.
"Alam kong gago ako, pero pustahan tayo...mas gago si Kuya Axus diba?" hamon niya.
Hindi ko siya sinagot. Padabog akong bumaba sa kanyang sasakyan. Narinig ko din ang pagsara ng pintuan sa gawi niya, nang nilingon ko ay nakita kong nakasunod na siya sa akin.
"Sasamahan na kita, gusto kong makitang posasan ka" nakangising sabi niya.
"Hindi ka pwedeng pumasok sa bahay namin!"
Nagmadali akong nagmartsa papasok at hindi na nilingon pa si Marcus. Nagsisisi tuloy akong hindi ako nagalaga ng aso. Edi sana, pinalapa ko na siya ngayon.
"Umalis ka na" dinig kong pakiusap ni Mommy.
Kumunot ang aking noo, dahan dahan ang naging paglakad ko para hindi ako makagawa ng kahit anong ingay. Muntik na akong mapahiyaw ng iniharang ni Marcus ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomanceOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.