Chapter 48
Hindi siya sumagot kaya naman padabog akong lumabas sa opisina na iyon. Pasencya siya dahil bad mood talaga ako ngayon at wala akong tulog.
"May kailangan daw ba si Sir Axus, Elaine?" Salubong na tanong sa akin ni Mrs. Perafin.
"Wala daw po Ma'm" magalang na sagot ko dito.
Hindi masyadong busy ngayong hapon kaya naman ng kaagad akong makaramdam ng gutom ay nagtungo ako sa may pantry para makahanap ng pwede kong makain. Hassel naman kasi kung baba pa ako sa canteen tsaka gastos din iyon.
Nakakita ako ng cup noodles kaya iyon ang kinuha ko tsaka nilagyan ng mainit na tubig sa may water dispenser. Nakaupo ako sa may lamesa habang hinihintay na maluto iyon. Buti na lamang at naisipan kong magbaon ng sandwich kaninang umaga kaya naman iyon muna ang kinain ko habang naghihintay.
Sarap na sarap ako sa pagkagat ng ham sandwich na binaon ko ng mapalunok at mapatigil ako ng dahil sa isang bulto na nasa harapan ko na ngayon.
"Ano yan, maagang miryenda?" May panunuya ang tono ng kanyang pananalita.
Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang aking pagkain. Bahala siya, bitch mode ako ngayon.
"Ay hindi...maagang hapunan" sarcastic kong sabi.
Dagdag pangasar pa ay binuksan ko na ang noodles ko, kaya naman kaagad na umusok ito kasama ng mabango amoy ng sabaw. Kumuha ako ng tinidor at tsaka nagumpisa ng kumain. Walang akong pakialam kung mainit iyon o kahit may maitim na aura ang nasa harapan ko ngayon.
Pero nagulat ako sa pagiging tahimik nito kaya naman tiningala ko siya, at ganuon na lamang ang gulat ko ng napapalunok itong tumingin sa akin. Bigla tuloy akong may naalala, yung ganitong combination ng pagkain, yung ham sandwich at yung noodles. Ah Oo, nung nasa car wash station kami.
"Ma...may kailangan ka pa ba?" Naiilang na tanong ko. Kasi naman eh! Kung makatingin ang isang ito ay akala mo gutom din siya.
"Gusto ko din niyan" seryosong sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Edi gumawa ka ng sayo, Ayun oh!" Turo ko dun sa kabinet kung saan nakalagay ang mga cup noodles.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Yang sayo ang gusto ko" sabi niya at tsaka mabilis na kinuha yung kinakain ko.
Sa sobrang gulat ay hindi ko na namalayang pati ang sandwich ko ay nakuha na niya. Mabilis siyang umupo sa aking harapan at kinain iyon. Mabilis na uminit ang magkabilang gilid ng aking mata.
"Bastos ka!" Sigaw ko sa pagmumukha niya na ikinagulat niya pero patuloy pa din siya sa pagkain.
Napahawak ako sa aking tiyan, kumakalam pa din ito. Nagugutom na talaga ako.
Matalim ko siyang binalingan, dahilan para mabato siya. "Malandi ka!" hiyaw ko pa tsaka padabog na umalis duon. Walang connect iyon sa pangaagaw niya ng pagkain ko, pero totoo naman. Malandi talaga siya!
Dumiretso na lamang ako sa aking lamesa at duon parang batang yumuko. Nagugutom na ako pero bigla akong nawalan ng gana, ewan ko ba, nakakainis kasi si Kuya Axus!
Napa angat ako ng ulo ng marinig kong nagsinghapan ang ibang mga katrabaho ko kaya naman tiningnan ko kung saan sila nakatingin. Ganuon na lamang ang pagkunot ng noo ko ng makitang sa gawi ko sila nakatingin. Kaya naman napatingin din ako sa likuran ko at duon sumalubong sa akin ang malanding si Kuya Axus.
"I need you in my office now" seryosong saad niya at mabilis na umalis duon.
Tamad na tamad akong tumayo at nagtungo duon. Hindi na ako kumatok dahil inaasahan naman niya ang pagpunta ko.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomanceOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.
