Season 2- Chapter 49

43.8K 945 85
                                        

This past few days, I realized na kailangan ko na nga muna talaga atang dumistansya sa kanya. I feel so hurt. Parang isang sugat na hindi pa nga naghihilom ay magiging sariwa nanaman. Alam kong inamin niya sa akin na, he cannot control his self. Naiintindihan ko iyon, pero masyado na kasing masakit lalo na't alam ko sa sarili kong ginagawa ko naman ang lahat para mapatawad niya ako. He's rejecting my efforts at medyo nakakapagod na.

"You sure, kaya mo lahat yan?" Nagaalalang tanong sa akin ni Genivive.

Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. Pinagaayos kasi ako ni Kuya Axus ng sandamakmak na documents. I should arrange it alphabetically at kung minamalas ka nga naman may dates pa!

"Ms. Jimenez, Lunch break na..." puna sa akin ni Mrs. Perafin.

"Ok po ma'm, thank you po"

Hindi ko na namalayan ang oras. I think, I need a destrution kaya siguro masyado akong nagfocus sa trabaho. Buti na nga lang din at hindi ko pa nakikita si Kuya Axus ngayong buong araw. Dinala niya kasi dito si Anthony na secretary niya at ito lang ang labas masok sa kanyang opisina. I don't know kung bakit ayaw niya ng babaeng secretary, kaya naman tuloy natatawa akong isipin na paano na lamang pag nalaman niya na si Anthony ay si Antoniette sa gabi.

"Isa pong caldereta, tsaka itong gulay" turo ko ng napili kong ulam. Matapos magbayad ay naghanap na kaagad ako ng mauupuan. Ang ibang empleyado ay paalis na dahil late na akong bumaba para kumain.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng marinig ko ang bulungan ng mga babae sa kabilang upuan. Sinundan ko ng tingin ang pinaguusapan nila at hindi na ako nagulat ng makita ko si Kuya Axus duon, nakapila at umuorder din ng pagkain. Nuong isang araw ko pa narinig sa iba ang pagkain ni Kuya Axus dito sa canteen dahilan para mas lalo siyang hangaan ng iba pang empleyado.

"Ayan na, naghahanap siya ng upuan." Parang kinikiliting bulong pa ng isa.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong naghahanap nga siya ng mauupuan. Halos mabilaukan ako ng magtama ang aming mga mata. Two seaters lang lamesang inuupuan ko at I swear ayokong makasabay siyang kumain.

"Damn it, Elaine. Bilisan mo" bulong ko sa aking sarili. Kung pwede ko lang isubo ito lahat para lang matapos at makaalis na.

Mga tatlong subo na lang siguro to, pagkokondisyon ko sa sarili ko kahit na halos mabilaukan na ako sa sobrang dami ng nasa bibig ko. Napatingin ulit ako dito at nakita kong diretso siyang nakatingin sa akin, at halos lumaki ang mata ko ng nagsimula na siyang lumakad patungo sa aking direksyon.

Walang nguya nguyang nilunok ko na lang ang aking nasa bibig at sunod sunod na subo na ang aking ginawa. Halos hindi ako makahinga dahil sa aking ginawa pero mas hindi ako makahinga ng makita ko na ang bulto nito sa harap mismo ng aking lamesa.

Hindi ko siyang nilingon. Ayoko...hindi ko siya bati. Bahala siya sa buhay niya diyan.

"Can I sit here?" tanong niya sa akin.

"Yes, Sir" mahinang sabi ko. At tsaka sinubo ang huling pagkain.

Kasabay ng pagupo niya ay ang pagtayo ko. "Elaine..." tawag niya sa akin.

"Tapos na po ako, Enjoy your meal" sabi ko at walang lingon lingong iniwan siya duon.

We need space, siguro kailangan muna talaga naming makapagisip isip.Hindi naman kasi kami magkakaintindihan kung isa sa amin ay wala namang balak makinig.

Bumalik kaagad ako sa aking trabaho pagkatapos, kaunti na lamang at tapos na ito, saktong sakto sa oras ng uwian namin.

"Umiinom ka ba Elaine?" Tanong sa akin ni Genevive.

A Sweet Mistake (HFS #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon