Chapter 12

51.3K 988 42
                                        

Pagkatapos ng bangayan namin sa van hanggang sa pagdating namin sa resort ay hindi ko na siya pinansin. NakakaInis siya, Bwiset! Napaka bastos ng bunganga niya, parang siya.

"Bakit nakasimangot ang magandang dalaga?"

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Kuya Sebastian. Nauna sila ni Carol dito sa resort. Tumakbo ako papunta sa kanya at tsaka mabilis na yumakap.

"Wala ka kasi kanina kaya..." nakangising sabi ko sa kanya. Natawa siya at ginulo ang aking buhok. Mabilis akong bumitiw sa kanya ng makita ko si Carol, ang kanyang asawa.

"Finally" nakangising sabi nito sa akin at tsaka ako niyakap.

"Mukhang may kaaway ka nanaman ah, hulaan ko kung sino" natatawang sabi niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Magkwento ka!" asik niya sa akin. Hinila pa niya ako papunta sa may open cottage.

Hindi niya ako tinigila hanggang hindi ako magkwekwento. Panay naman ang tawa niya ng malaman niya ang dahilan ng away namin.

"Wala daw akong boobs" inis na sabi ko. Halos sabunutan ko siya ng makita kong bumaba din ang tingin niya sa aking dibdib.

Hinampas ko siya sa braso. "Sorry" natatawang sabi niya sa akin. Guilty!

Napahalukipkip ako at sinamaa ng tingin ang walang kamuang muang na dagat. "Sabi ko naman, wala siyang bayag" nakabusangot na kwento ko.

Mas lalong lumakas ang tawa niya. "Saan mo nakuha yan?"

Inirapan ko siya at nagkibit balikat. "Wala na akong masabi eh"

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Naku, baka mamaya niyan..." pangaasar pa niya kaya naman muli ko siyang hinampas sa braso. Nakanguso niyang hinimas ang kanyang braso.

"Wag ka ngang bastos" suway ko sa kanya. Malakas ang pakiramdam ko na puro kabastusan ang nasa isip ng isang ito. Ito ata ang epekto ni Kuya Sebastian sa kanya.

"Bakit? nagtatanong lang ako" dipensa niya.

Tumayo ako. "Hey wait! saan ka pupunta?"

"Sa villa!" sagot ko at hindi na hintay pang makapagprotesta siya. Maging ang mga pinsan ko ay nilagpasan ko.

Ako lang magisa sa aking villa. Kasama kasi ni Yvonne si Cyrus. Dumiretso ako sa banyo para makaligo at makapagpalit na ng damit. Wala pa naman akong balak na maligo sa dagat ngayong araw.

Nagtagal ako sa bath tub. Nasa kalagitnaan ako ng pagaayos ng may kumatok. "Elaine, kakain na"

Napairap ako sa kawalan. Kahit hindi na magpakilala ay alam ko na kung sino iyon.

"Ok" tamad na sigaw ko pabalik.

Imbes na bilisan ay mas lalo akong tinamad. "Hihintayin kita, Dalian mo" utos niya. Sumama ang tingin ko sa nakasaradong pintuan.

"Susunod na lang ako! Chupi!"

"Hindo pwede, pagagalitan ako pag hindi kita kasamang bumalik duon" pagdadahilan niya sa akin.

Napairap ako sa kawalan, manigas ka diyan. Lalabas ako dito kung kailan ko gusto! hindi ako susunod sa utos mo.

"Please, Elaine. Nagugutom na ako" pagmamakaawa niya sa may pintuan at walang ginawa kundi ang kumatok.

Kahit sobrang inis ay binilisan ko ang ginagawa ko. Padabog kong binuksan ang pintuan at agad sumalubong sa akin ang nakakunot nitong noo.

"What took you so long? I'm hungry..." pagiinarte niya at nakahawak pa sa kanyang tiyan.

A Sweet Mistake (HFS #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon