Season 2- Chapter 43

37.3K 722 58
                                    

"Hindi mo kailangang gawin iyon, anak" nagaalalang sabi sa akin ni Tatay.

"Pero Tay, gusto ko na po kasing magtrabaho, gusto ko ng kumita ng pera na pinagpaguran ko, tsaka pamilya tayo dito kailangan nagtutulungan tayo, kaya gusto kong tumulong para makuha natin ang pagkakasanla ng titulo ng lupa natin kina Keizer" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Wala naman akong magagawa anak kung iyan ang gusto mo, ang inaalala ko lang naman ay baka lamang napipilitan ka dahil sitwasyon ng pamilya natin ngayon" pagpapaliwanag din niya. Mas lalong pumungay ang kanyang mga mata kaya naman mas lalo akong nahabag sa kanya. Mahal ko ang pamilyang ito.

Marahan akong umiling at niyakap si Tatay. "Hindi po ako napipilitan Tay, sariling desisyon ko po ito..." paninigurado ko sa kanya para hindi na din siya gaanong magalala.

"Eh kailan ka naman uuwi dito para bisitahin kami?" May halong pagtatampo ang boses ni Kuya Darren.

"Kung pwede nga lang ay uwian ako dito eh..." pangaasar ko sa kanya. Kung hindi lang hassle maguuwian ako dito para sa kanila.

Napanguso siya at kaagad na naglahad ng kamay. "Mami-miss kita" malungkot na sabi niya na mabilis kong nginisian. Mahigpit kong niyakap si Kuya pabalik.

"Mami-miss din kita Kuya, tsaka once a week uuwi ako dito. Promise!" Pagpapagaan ko ng loob niya.

"Promise?" Paniniguro niya.

"Promise!"

Kahit ako ay nalulungkot dahil kailangan kong umalis. Masaya kasi talaga dito sa Bulacan. Bukod sa presko ang hangin ay araw araw pa kaming namamasyal nila Kuya Darren sa kung saan, palagi pang may program sa may plaza.

"Elaine anak, andyan na sila..." tawag sa akin ni Tatay.

Mabilis akong lumabas ng kwarto dala ang aking mga maleta. Ngayon din kasi ang uwi nila Lyndi at Justine sa Manila dahil tapos na ang bakasyon nila dito. Si Keizer naman ang maghahatid sa amin patungo duon. Hindi ko lang alam kung magtatagal siya o uuwi kaagad.

"Magiingat ka duon Elaine" paalala sa akin ni Kuya Darren.

"Opo Kuya, pakisabi na lang kay Kuya Danny na magpagaling siya kaagad..." paalala ko din.

Niyakap ko muna ito bago ko binalingan si Tatay. Alam kong malungkot siya. Kaya naman nginitian ko siya at mahigpit ding niyakap.

"Tatay, wag po kayong magalala...babalik ako dito" paninigurado ko sa kanya.

"Nababahala lang naman ako anak, na baka pagnakatikim ka na ulit ng maginhawang buhay duon sa Manila ay kalimutan mo na kami dito..." malungkot na sabi niya. Alam kong walang masamang intensyon si Tatay duon, natatakot lang siya.

"Hindi po mangyayari iyon Tatay, pangako..."

Sakay kami ng itim na Hiace van nila Keizer patungong Manila, sa Bocaue lang sumikip ang daloy ng traffic pero pagkalabas namin ng Nlex ay tuloy tuloy na ang byahe namin.

Pagmulat ng aking mga mata ay agad sumalubong sa akin ang naglalakihang building tanda na nasa syudad na ako. Dahil mas una naming madadaanan ang condominium na tinutuluyan nila Lyndi at Justine ay sila na muna ang una naming hinatid. Hindi na nga ito nagpahatid sa itaas dahil may mga body guard naman sila na tumulong sa kanila para sa mga maleta nila.

"Excited ka na bang umuwi sa inyo?" Tanong ni Keizer ng kaming dalawa na lamang ang nasa loob ng van at ang driver kasama ang isang bodyguard na sa passenger seat nakaupo.

"Oo...pero namiss ko na agad sila Tatay." Malungkot na sagot ko.

"Tsaka hindi pa nga pala ako nagpapaalam ng maayos kay Afrit" dugtong ko pa.

A Sweet Mistake (HFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon