"Don't worry Dan. Yes, I can take care of it. Ako na ang bahala sa lahat" pagkausap ni Kuya Axus sa cellphone niya.
Tahimik na lamang akong tumanaw sa labas ng bintana, ngayon na kasi ang punta namin sa Batangas para sa conference. sa totoo lang ay wala naman talaga akong alam tungkol dito. Pero mas pinili ko na lang ding sumama para naman kahit papaano ay makabawi kami ni Kuya Axus sa halos isang taon naming hindi pagkikita.
Napalingon akong muli sa kanya pagkababa niya ng tawag. Bayolente itong napabuntong hininga.
"Are you alright?" Naunahan niya akong magtanong, ako pa sana ang magtatanong niyan dahil halatang may mabigat itong problema.
Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. Hindi rin ako nakatagal sa byahe dahil maya maya lang ay kaagad na din akong dinalaw ng antok. Nagising na lamang ako ng sabihin ni Kuya Axus na malapit na kami.
Napanganga ako ng sumalubong sa amin ang kulay kalawang na engrandeng gate. Sa labas pa lamang ay kita mo na ang buong tema ng lugar. Para kasi siyang spanish era sa gitna ng digmaan. Hindi pintado ang mga pader ng gusali pero kita mong kakaibang bato ang ginamit.
Sa mga dinaanan namin ay may mga nakasabit na pulang flags. Dumaan kami sa napakalaking parking lot nila at puno iyon ng magagarang sasakyan. Sa bawat paligid ay may makikita kang mga nakasabit na Spanish moss, sobrang ganda duon na akala mo ay nasa Spain ka na din.
CAMPO DE BATALLA
Yun ang nakaukit sa taas ng arco ng napakalaki at napakagandang gusali. Kung hindi mo alam ay hindi mo malalamang isa itong napakalaking hotel na kumpleto na sa lahat ng okasyong gusto mo.
Halos umikot ang aking leeg dahilan para mapakangi si Kuya Axus sa akin. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Kawawa naman ang baby ko...ngayon lang nakalabas ng bahay nila" natatawang pangaasar niya na ikinanguso ko.
"Next month na ang Blancpain Edurance Series sa Europe. Every 3 years lang siya nagaganap, halos dalawang series ang hindi ko nasalihan. But now, itutuloy ko na" masayang kwento niya.
Nanlaki ang aking mga dahil sa excitement para sa kanya. Excited ako para sa kanya. "Sasali ka na ulit sa racing!?"
Tumango ito kaya naman mahigpit ko siyang niyakap. "Wow grabe! Akala ko tatalikuran mo na yung passion mo"
"It's 2 years baby..."sambit niya na nagpatigil sa akin.
"2 years kang mawawala?" Hindi ko na natago ang kalungkutan sa aking boses.
"I need a long preparation for that. Bilang isang racer ay iyon ang itinuturing naming pinakamalaking racing competition. 2 years, because mahaba habang laban iyon. But you don't need to worry..." pagaalo niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya. "Isasama naman kita, hindi ako aalis kung hindi ka kasama..." paninigurado niya sa akin.
"I...isasama mo ako sa Europe?" Medyo nautal oang tanong ko.
Marahan siyang umiling. "Hindi lang sa Europe baby, Pati sa Spain..."
Halos walang mapadsidlan ang tuwa na aking nararamdaman. Kaya naman wala sa sarili na lamang akong inakay ni Kuya Axus patungo sa reception area. Lumilipad kasi ang aking isip. Mukhang nauna na yata sa Europe at sa Spain.
"Axus Hector Herrer for the Jimenez group of company" pagpapakilala nito sa receptionist para sa nakareserve ng kwarto.
"Isang kwarto lang tayo?" Mahinang tanong ko, busy pa kasi yung babae.
Sumibol ang pilyong ngiti sa kanyang labi. "Bakit, gusto mo na bang gumawa tayo ng baby?" Pangaasar niya kaya naman nahampas ko siya sa kanyang braso dahilan para mapahalakhak siya.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomanceOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.
