Naging mailap ang tingin sa akin ng mga pinsan ko. Kung titingin man sila ay ako naman ang kaagad na nagiiwas ng tingin. May laman ang mga tingin nila sa akin na para bang pinagaaralan nila ang mga reaksyon ko lalo na't nasa harapan ko si Kuya Axus at Bernadette.
"Mas lalo kang gumanda nung naging morena ka" nakangiting puri ni Kuya Alec, nakatingin siya sa aking balat na halatang bilad sa araw.
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Palagi po kasi kamang nasa galaan ng Kuya Darren ko, tsaka minsa ay tumutulong ako sa bukid pag nagtatanim sila ng palay" kwento ko sa kanya.
Kita ko ang gulat at pagkamangha sa kanilang mga mukha. "Hindi ka ba nahirapan?" tanong ni Kuya Clark sa akin na kaagad kong inilingan.
"Masaya po duon. At sariwa ang hangin, maraming pwedeng pasyalan, walang bayad" pagbibida ko. Simula ng tumira ako sa Bulacan ay mas natuto akong magtipid at pahalagahan ang pera.
Nasa akin ang kanilang buong atensyon na para bang interisado sila sa aking kwento. Gusto nilang malaman kung ano ang mga nangyari sa akin duon. Sa nagdaang isang taon na hindi kami nagkita.
"Marami bang magandang babae duon?" nakangising tanong ni Kuya Nathan.
Kaagad siyang nakatanggap ng kantyaw sa aming mga pinsan. Natawa ako lalo na at hindi nahusto si Kuya Clark at binato pa siya ng throw pillow.
"Shut up Nathan! Alam kong tinamaan ka duon sa Ate ni Samantha!" kantyaw sa kanya ni Kuya Clark.
Nanlaki ang aking mga mata. Kilala ko ang Ate ni Samantha. "Kayo ni Ate Sabrina, Kuya?" tanong ko sa kanya.
Mabilis siyang umaling "Ofcourse not! Siya itong sunod ng sunod sa akin?" iritado pang kwento niya sa amin. Napanguso na lang ako.
"Motherfucker! Liar, gago!' nakangising mura sa kanya ni Kuya Clark.
Nagulat na lang ako ng biglang may nagtakip ng aking magkabilang tenga. Nang tingalain ko ito ay kaagad kong nakita ang nakangiting si Kuya Alec. Tumabi siya sa akin at kaagad akong inakbayan. Marahan niya akong hinalikan sa ulo. "Dalaga ka na talaga, balik ka na sa dati" natatawang sabi pa niya sa akin kaya naman napangisi ako. Hindi ko alam kung bakit takot na takot silang magdalaga ako nuon, hanggang ngayon din naman.
Nawala ang atensyon ko kay Kuya Alec ng makita ko ang paglapit ng isang kasambahay kay Kuya Axus, may binulong ito dito na kaagad niyang tinanguan.
"Ready na ang dinning, kumain na tayo" anunsyo niya sa amin.
Masakit para sa akin na makitang magkatabi sila ni Bernadette, ang kamay nitong malayang nakaakbay sa kanyang balikat. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatagal sa lugar na ito.
Napabalik ang tingin ko kay Kuya Alec ng maramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay. "I'm sorry"
Hindi ko alam kung para saan iyon. Napatango na lamang ako, para ipakitang tinatanggap ko iyon. Kung para saan man iyon ay hindi na mahalaga. Hindi naman ako nagtanim ng galit sa kanila. Isa isa silang tumayo para magtungo sa dinning. Nahuli ako, hindi kaagad ako nakatayo dahil sa panghihina.
Nagulat na lang ako ng makarinig ako ng pagtakhim. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong maging si Kuya Axus ay hindi pa din umaalis. Umamba akong magsasalit ng tamad niyta akong tiningnan.
"Don't talk to me" mariing banta niya sa akin. Naramdaman niya sigurong gusto ko siyang kausapin.
Nanlabo ang aking mga mata dahil sa luha. I want to talk to him. I miss him so damn much. Bakit hindi pwede?
"Kuya Axus..." tawag ko sa kanya, ang aking boses ay garalgal na. Imbes na hayaan ako ay tumayo na siya at iniwan akong magisa duon. Galit nga talaga siya sa akin.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomantikOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.
