"Bakit?" naiiyak na tanong ko.
Marahan niya akong pinaharap sa kanya. Mas lalo akong napaiyak ng makita kong umiiyak na din siya.
"Kailangan pa ba talaga?" I know, I may sound desperate but para akong mawawalan ng hangin sa katawan ng isipin pa lang na aalis siya. Iiwan niya ako...magkakalayo kami.
Mahigpit niya ikinulong ang magkabilang pisngi ko gamit ang maiinit niyang mga palad, Dahil duon ay pinagdikit din niya ang noo naming dalawa.
"Hindi kailangan, Baby. Pero ito yung tamang gawin" paos na sagot niya sa akin. Hindi na din siya makapagsalita ng maayos dahil sa pagiyak.
"Dahil ba kay Tita Pia?" tanong ko. Dahil kung dahil nga talaga sa kanya, handa akong lumuhod sa harap niya at magmakaawa.
Marahan siyang umiling.. "Para ito sa atin"
Mas lalo akong napaiyak, hindi ko maintindihan kung saang parteng makakabuti ito para sa amin. "Paanong para sa atin?" umiiyak na tanong ko.
"Kasi Elaine, ayokong nahihirapan ka. Alam kong nasasaktan ka na" mariing paliwanag niya.
"No!" sigaw ko.
"Hindi ako nahihirapan Kuya Axus, Ayos lang sa akin masaktan. Hindi ba kasi sabi mo lalaban tayong magkasama? Diba kuya Axus...Kaya ok lang sa akin kung masaktan ako. Ayos lang sa akin ang mahirapan kasi kasama naman kita diba?" pangungumbinsi ko sa kanya.
Pero kagaya ng kanina, mariin lamang itong umiling sa akin. "Ayoko ng ganun baby. Ayokong nasasaktan ka. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon. Aayusin ko ito, Aayusin ko lang to. Pagbalik ko sisigiraduhin kong pwede na tayo" pagaalo niya.
"Wag ka ng umalis, Please..." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Baby mahirap din sa akin ito..." nahihirapang sagot niya.
"Kaya nga wag ka ng umalis!" sigaw ko. Dahil di ko na talaga kaya.
"Give me 2 years, Baby. 2 years lang."
"Bakit ang tagal? Bibigyan kita ng time pero pwede bang ilang linggo lang? Please..." pagmamakaawa ko. Hindi ko kaya ang ganuon katagal.
Mapait itong ngumiti sa akin. "That's not enough...But I promise, it's all worth the wait." paniniguro niya sa akin.
Umiling ako sa kanya. "Ayoko nun, ang tagal tagal non!" pagmamaktol ko.
Napasinghap siya, alam kong nasasaktan at nahihirapan din siya. "Baby, sandali lang yon" giit niya. "Sandali lang yon. Promise...tatawagan kita kung gusto mo araw araw, sige..." desididong sabi pa niya.
"Makakalimutan mo ako, makakahanap ka na duon ng iba. Yung hindi mo pinsan, yung mas maganda kesa sa akin!" panunumbat ko.
Tumawa ito kahit alam kong nasasaktan din siya. "Wala ng mas gaganda pa sayo. Ikaw lang, Ikaw lang Elaine." mariing sabi niya.
Muli akong napayakap ng mahigpit sa kanya. Dahil yakap ko siya ngayon, mas lalo ko siyang ayaw na umalis. Pero ayoko namang maging dahilan ng pagkaudlot ng mga plano niya. May plano siya para sa aming dalawa, ang kailangan ko lang gawin ay ang magtiwala sa kanya. At maghintay...ng matagal.
"Mami-miss kita Kuya Axus..." malungkot na sabi ko.
Halos mapipi ako sa yakap niya sa akin. "I'll miss you more. Mahal kita, Elaine. Lagi mong tatandaan"
Kumalas ako ng yakap para harapin siya. "Sayo lang din ako Kuya Axus" paninigurado ko sa kanya dahilan para muli niyang akinin ang aking mga labi.
Parang may mga isip ang paa naming dalawa na kusang nagdala sa amin papasok sa kanyang kwarto duon habang hindi pa rin matigil ang paghahalikan naming dalawa.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomanceOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.