"Hey, kumain ka..." suway sa akin ni Keizer.
Bahagya lang akong tumango sa kanya pero ganuon pa din ang ginawa ko, pinaglaruan ko pa din ang pagkaing nasa aking pinggan. Nawalan ako ng gana, hindi ko alam pero nababahala ako sa ipinakita ni Denise kanina although I'm sure that I can defend myself. Nasa kanya na lang iyon kung paniniwalaan niya ako or hindi.
"Let's go" yaya sa akin ni Keizer. Napatingin na lamang ako sa kanya habang nagaayos siya ng sarili para tumayo.
"Ha? Saan..." wala sa sariling tanong ko.
"Ihahatid na kita sa suite niyo" diretsahang sagot niya sa akin at tsaka naglahad ng kamay.
Mabilis akong umiling sa kanya. "Ayoko pa...ayoko pa bumalik dun" pagtanggi ko.
Hindi na ito nagsalita, bagkus ay tinitigan niya na lamang ako dahil alam naman niyang hindi niya ako mapipilit.
"Then, saan mo gustong pumunta?" Tanong niya.
Nagkibit balikat ako habang nakanguso. Wala naman akong alam na iba pang magandang puntahan dito.
"Wag ka ngang ngumuso, hindi mo ikinakaganda yan" pangaasar niya sa akin.
Nagpahila na lamang ako sa kanya, nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi ang daan pabalik sa suite ang tinahak naming dalawa. Malayo pa lamang ay kita ko na ang may kalakihang pavilion. Pinalilibutan ito ng tubig at may hangging bridge pa.
"Pwede bang matulog dito?" Tanong ko.
Ang ganda kasi at relaxing, para tuloy gusto ko na lang tumambay dito buong magdamag.
"Hindi pwede noh...papangit ang view" nakangising sabi niya.
Napasimangot ako pero mas lalo lang siyang ngumisi. Alam niyang nagtagumpay nanaman siya na inisin ako.
"Upo ka na diyan, kakantahan kita" pagmamayabang niya at nakita ko ang hawak niyang gitara na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Anduon na siguro iyon bago pa kami dumating.
"Naku po naman, baka maabutan tayo ng ulan dito ah!" Pangaasar ko sa kanya.
"Baka ngumanga ka, pag narinig mo ang boses ko" pagmamayabang pa nito. Umupo siya sa harapan ko, at nagsimulang magstrum ng gitara.
And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't wanna go home right now
And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
When sooner or later it's over
I just don't wanna miss you tonight
Naramdaman ko ang pagpungay ng aking mga mata dahil sa lamig ng boses ni Keizer. Para ding nanlalambot ang buong katawan ko dahil sa titig niya sa akin habang kumakanta.
"Keizer..." medyo paos na tawag ko sa pangalan niya dahil bumibigat na din ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko na ata matatapos pa ang kanta.
"Sleep now, Princess" malambing na sabi niya bago ko naramdaman ang paghalik niya sa aking noo. Hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos nuon dahil dinalaw na ako ng antok.
Nagising ako dahil sa nararamdaman kong paghaplos sa aking ulo at ang mahinang pag kanta na para bang mas lalo pa akong pinapatulog nito.
"Keizer..." tawag ko sa kanya.
Mula sa pagkakapikit ay dumilat ito. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kanyang hita.
"Anong oras na?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomansaOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.