Chapter 2

115K 2.5K 117
                                        

After 2 years

Tahimik kaming lahat sa byahe papuntang airport. Kahit si kuya Luke nga ay hindi nakakausap. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na ikakasal na yung bestfriend ko kay Kuya dahil mahal na mahal niya talaga ito. Pero parang wrong timming kasi eh, tsaka mukhang mali ang paraan. Pero hindi na lang ako nagsalita dahil hindi ko naman alam ang buong pangyayari.

Naging tahimik ang buong byahe namin pauwi ng Pilipinas. Kahit nga sa eroplano ay walang may gustong magsalita sa aming lahat. Sinundo lang kami ng mga driver pagkalapag namin sa Pilipinas, diretso agad kami sa bahay.

"Na-Miss ko dito" mahinang hiyaw ko. Dalawang taon din iyon. Nang tumingin ako kina Mommy at Daddy ay tipid na ngiti lang ang ibinigay nila sa akin. Marahil ay dahil sa pagod? O talagang ayaw ko lang intindihin na may tension sa pagitan nila at ni Kuya dahil sa nangyari sa America.

"Rest now elaine..." malambing na payo sa akin ni daddy.

Tumango ako, ramdam ko din naman ang pagod. "Aryt dad..." masiglang sagot ko pa din dito at niyakap siya.

Sabay sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. At ganuon na lamang ang gulat namin ng biglang may nagsigawan sa loob.

"Welcome home!" hiyaw ng mga pinsan at mga Tito at Tita ko.

Andito silang lahat at may nakahanda na mga pagkain. "Elaine! Namiss kita!" sigaw ng mga pinsan kong lalaki at niyakap ako.

"Mas lalo kang gumanda!" nakangiting puri sa akin ng pinsan kong si Yvonne.

"Ikaw din! balita ko engaged ka na!" pangaasar ko sa kanya. Agad naman itong tumango at itinaas ang kanang kamay kung nasaan ang daliring may engagement ring.

"Congratulations!" masayang bati ko at niyakap ulit siya.

"Oh...ito na pala ang aming little baby girl!" natatawang pangaasar ni Marcus pinsan ko din. Ako kasi ang pinakabunso sa magpipinsan kaya naman todo todo talaga ang pagba-baby nila sa akin.

"Tse! masyado to!"

Nagtaas siya ng kilay sa akin, tanda ng pagprotesta. "Hindi ka na pala baby girl! Baby damulag na!" dugtong na pangaasar niya kaya naman agad ko siyang hinampas sa braso.

Wala lang kaming ginawa kundi magkwentuhan ng mga bagong chismis. Nanduon din si Carol at si Kuya Sebastian. "Basta! gago eh!" dinig kong singhal ni Kuya Sebastian habang nakikipagusap kina Marcus at iba ko pang pinsan.

"Siguro dahil lang yun sa pinagdadaanan niya, Syempre ikaw ba naman maloko, mahal na mahal mo pare. niloko ka!" suwestyon ni Kuya Clark kuya ni Yvonne na para bang may pinanghuhugutan din.

"Eh gago nga kasi, Sinabihan na siya eh! Masyadong gago!" di mapigilang outburst ni Kuya Sebastian.

Agad kumunot ang noo ko dahil sa pinaguusapan nila, Ang hirap talaga pag nahuhuli ka sa chikka, Out of place ka. Kaya naman bumaling ako kay Carol na busy sa pagkalikot sa cellphone niya.

"Ano bang pinaguusapan ng mga to?" nagtatakang tanong ko.

Agad itong napatitig sa akin, "You don't need to know" umiiling na sabi niya at tsaka ibinalik ang atensyon sa cellphone. Kumunot ang noo ko at magsasalita n asana ulit para magtanong ng lumapit si Kuya Sebastian sa amin. Nakabusangot ang mukha nito habang nakatingin sa awasa.

"Baby enough of that. Nagseselos na ako ha!" suway ni Kuya sebastian dito at tinabig ang cellphone na hawak ni Carol.

"Fuck! ang possessive!" kantyaw ng mga pinsan ko tsaka siya pinagtawanan.

Nakisali ako sa tawanan, pero hindi pa din maalis sa aking isip ang tungkol sa kanina pa nilang pinaguusapan. Kaya naman hinrap ko ang nagiisang pinsan kong babae.

A Sweet Mistake (HFS #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon