Epilogue

75.4K 1K 174
                                    

Axus Herrer

They we're all crying na para bang mamamatay na ako at hindi na babalik. Ibang iba ito sa mga naging pagalis ko nuon, dati lahat sila ay nakangiting habang nagsasabi ng mga good luck message sa akin.

"Hey ayos ka lang ba?" Tanong ko sa nakabusangot na si Marcus.

Sa kanilang lahat ay ito lang ang napilit nila na maghatid sa akin. Medyo nagtampo pa nga ako dahil nagtuturuan sila kung sino ba ang dapat maghatid sa akin. Halata ngang labag sa loob ni Marcus.

"Baka naman hindi na ako makaabot sa airport niyan at madisgrasya tayo" biro ko dito pero nakabusangot lamang ito at nakatuon ang buong atensyon sa kalsada.

"Edi mabuti..." tamad na sabi nito.

Pabiro ko siyang sinuntok sa braso "Ikaw talaga!" Hiyaw ko sa kanya.

Medyo traffic kaya medyo nataranta ako dahil baka malate ako sa flight, ang buong team ko ay susunod na lamang sa isang buwan para makapagstart na kami sa training at practice. Sa ngayon bibisita muna ako sa mga relatives namin bago ako tuluyang maging busy para sa competition.

"Balitaan niyo ako pag nanganak na si Elaine ha" paalala ko dito.

"Bakit pa? Ano bang pakialam mo dun?" Naiiritang sabi ni Marcus na para bang ayaw din ako nitong kausap.

"Gusto ko lang namang malaman!" Sagot ko sa kanya.

"Wag na! Mag focus ka na lang diyan sa competition mo, nakakahiya naman kasi sayo diba? Yung asawa at anak mo pa ang magaajust" sabi nito na medyo pabulong na yung bandang huli.

"Ano?" Tanong ko pero di na nito ulit inulit.

Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Gio iyon kaya naman kaagad ko siyang sinagot.

"Napatawag ka?" Tanong ko sa kanya.

"Tuloy ba talaga ang flight mo ngayon?" Tanong niya na ikinanuot ng noo ko.

"Oo naman papunta na nga ako ng airport ngayon" sagot ko sa kanya.

Medyo matagal ito bago nagsalita muli kaya naman kaagad na bumalot ang katahimikan sa kabilang linya.

"Gio..." pagtawag ko sa kanya.

"Pare paano na si Elaine?" Tanong niya na lalong ipinagtaka ko.

"Anong meron sa pinsan ko?" Tanong ko.

Narinig ko ang pagngisi nito sa kabilang linya. "Sa mahabang panahon na magkaibigan tayo ni minsan dito mo itinuring na pinsan si Elaine" kwento niya.

Bahagya naman akong napatawa dahil duon. "I'm just kidding you know, inaasar ko lang siya nun kasi palagi kaming nagaaway" paalala ko sa kanya.

But I dont know, may bigla akong naramdaman na kakaiba. Suddenly I feel uneasy.

"Not that bro, you love her more than anything else" malamunay na saad pa niya.

"Gio..." pagtawag ko sa kanya.

"Sige bro, ingat ka sa byahe susunod kami sayo next month" pinal na sabi nito at agad na ibinabaang tawag.

"Bakit parang may mali sa mga tao ngayon?" Wala sa sariling tanong ko kay Marcus.

"Baka naman ikaw ang may mali" pabalang na sagot niya.

Kaagad ko siyang hinarap. "Alam mo kanina pa kita napapansin ha! Bakit ba parang labag sa loob mo itong paghahatid sa akin? Ano bang problema mo? Anong problema niyo?" Frustrated na tanong ko dito.

"Ikaw ang problema Axus! Kung hindi lang ako pinakiusapan ni Elaine, hindi ako mapipilitang ihatid ka dito" pag burst out din niya.

"Bakit ba si Elaine na lang ang puro bukambibig niyo?" Tanong ko. But I was not against Elaine, I love her too...and damn I care for her a lot lalo na ngayon sa kalagayan niya.

A Sweet Mistake (HFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon