I was shocked ofcourse! Kahit lasing at wala ako sa wisyo ay kaagad nanlaki ang aking mga mata. But still, nakapikit pa din siya sa aking harapan at patuloy na nakalapat ang labi niya sa aking labi. Pumungay ang aking mga mata ng maramdaman ko ang isang kamay niyang humahagod sa aking likuran pababa sa bewang at ang isa naman ay nasa aking batok.
Nagsimulang gumalaw ang labi niya kaya naman yun na ang naging hudyat ko para pumikit din at namnamin ang halik niya sa akin. I was drunk, because of the alcohol at sobrang nadagdagan iyon dahil sa paghalik niya sa akin. I want more...yan ang isinisigaw ng aking utak. Kaya naman itinaas ko na din ang aking kamay at tsaka kaagad na ipinulupot ang aking dalawang braso sa kanyang leeg.
"Ughh..." na dinig ko ang aking sariling ungol dahil sa pagkawala ng hangin.
Sa kalagitnaan ng aming paghahalikan ay naramdaman ko ang bahagyang paglakad namin, parang biglang nanlambot ang aking mga tuhod. Gusto ko ng ipikit ang aking mga mata dahil na din sa kalasingan, But, hindi ko magawang magcollapsed dahil na din sa presensya niya at sa aming ginagawa.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa may back seat. Ganuon na lamang ang gulat ko ng dahan dahan niya akong iginaya papasok duon without breaking our kiss. Halos mawala ako sa sarili ng lumapat na ang likod ko sa may upuan, nakahiga na ako ngayon habang siya ay nakapatong sa akin. Pero nagprotesta ang buong pagkatao ko ng kaagad niyang pinutol ang halik.
Naningkit ang aking mga mata ng tingnan ko siya. Mabigat na ang talukap ng aking mga mata, gusto ko na talagang matulog pero nagawa ko pang pagmasadan ang mukha ni Kuya Axus. Kumunot pa lalo ang noo ko ng maingat itong umalis sa aking ibabaw at lumabas ng kanyang sasakyan, inayos niya muna ang aking higa at tsaka ako sandaling tiningnan.
"Ang daldal mo..." nakangising sabi nito bago isara ang pintuan ng back seat. Hindi na ako nakaimik pa sa kanyang sinabi dahil kaagad ng naging madilim ang aking paligid. I already passed out.
"Shit..." nakapikit na daing ko kinabukasan.
Kanina pa gising ang diwa ko pero ayokong imulat ang aking mga mata. Pag ginagawa ko kasi iyon ay mas lalong dumadagdag ang sakit ng aking ulo. Ang baho din ng paligid kaya naman para tuloy akong masusuka.
Ilang minuto pa ay nakaramdam na ako ng pagkalam ng sikmura. Gutom na ako at sa aking palagay ay makakatulong ang paginom ko ng kape at pagkain para naman kahit papaano ay maibsan ang sakit ng ulo ko.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at halos mapamura ako dahil duon. Hindi pamilyar ang lugar na ito. The room was a combination of black and cream. It was so manly, at parang ang lakas ng dating. Napatingin ako sa aking sarili at nanlaki ang aking mga mata ng makitang nakasuot ako ng isang white tshirt, malaki iyon sa akin. Napakapa ako sa aking ilalim at nakahinga ako ng maluwag ng madiskubre kong nakasuot pa ako ng underwear. But, I'm not with my bra anymore.
"Si...si Kuya Axus..." natatarantang sambit ko at napayakap sa aking sarili. Damn it!
Dahil sa mga bagay na aking iniisip ay kaagad akong tumayo para sana makaalis na duon. I can't stay here any longer. Although hindi ko naman alam kung nasaan kami, but hindi naman ako nagkaamnesia para makalimutang siya ang huling kasama ko kagabi.
Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kinaya, ang bigat ng ulo ko. Damn hangover. Dahil duon ay hindi sinasadyang nahulog ang isang tasa sa may side table na naglikha ng malakas na tunog. Napaupo na lamang akong muli sa higaan at hinilot ang aking sintido.
"Ano yun, Elaine?" Nagaalalang tanong ng kararating lamang na si Kuya Axus.
Hindi na ako nagulat sa agarang pagresponde niya. Daig pa ang ambulansya kung kumaripas. Hindi ko siya nagawang tingnan, nanatiling nakapikit habang hinihilot ang aking sintido.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomansaOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.
