Dalawang linggo na ang lumipas pagkatapos naming lumabas sa hospital. Duon muna kami dumiretso sa bahay nila Mommy, pero araw araw naman na naduon si Tita Pia at Tito Austin. Maging si Kuya Alec nga ay ganuon na din ang routine, pagkatapos sa opisina ay didiretso siya sa amin para dalawin ang kambal tsaka uuwi.
Next week pa ang balik ni Axus sa opisina. Feeling ko nga ayaw na niyang magtrabaho dahil walang ginawa ito kundi samahan kaming magkulong sa kwarto ng kambal. Tuwing umaga ay nilalabas namin sila sa garden para kahit papaano ay mainitan.
"Axus, may time ka pa para makapaghanda sa tournament" basag ko sa katahimikan habang nasa veranda kami ng kwarto ko kung saan kami tumutuloy ngayon.
"Sa tingin mo ba makakaalis pa ako ng ganito baby?" Tanong niya habang karga karga si Eroz.
"Pero pangarap mo yun...matagal mo ng hinintay yon" sagot ko sa kanya.
Matagal ito bago nakasagot kaya naman itinuon ko na lamang ang pansin ko sa kay Xalaine na karga ko naman.
"Pero mas pangarap ko ito Elaine. Lahat ng ito pangarap ko, kaya wala ng dahilan para sumali pa ako duon sa tournament dahil naabot ko na yung matagal ko ng pangarap" sagot niya habang diretsong nakatingin sa akin.
Ngumiti ako ng mapangasar. "Matagal mo ng pangarap ito? Na buntusin ako?" Natatawang pangaasar ko sa kanya kaya naman nagpoker face na ito.
Lalo akong natawa dahil sa nakabusangot niyang mukha. Pero ako naman ang natameme sa sinagot niya sa akin.
"Matagal ko ng pangarap to, ang magkaanak sayo. Ikaw lang naman ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Tsaka sayo ko lang naman gustong magpaangkin..." sabi niya at ngayon ay nakangisi niya.
Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. "Wow ha! Ang kapal ng mukha mo" suway ko sa kanya.
"Totoo baby... Soy todo tuyo" nakangising sabi pa niya.
Agad ko siyang inirapan. "Siguraduhin mo lang Herrer..." mataray na sabi sabah irap sa kanya.
Narinig ko ang mahinang paghalakhak nito. "Kung hindi ka lang bagong panganak baby, paparusahan kita sa kama" mapangasar na sabi pa niya sabay tawa.
Kaagad kong hinampas ang lamesa sa harapan namin. "Ang bastos mo talaga!" Hiyaw ko sa kanya pero tinawanan lang ako nito.
Bumaling siya sa walang kamuang muang na si Eroz. "Si Mommy namumula..."pagkausap niya dito.
Napatigil ito sa aking pagtayo. "Ikaw Xalaine wag kang pipili ng kagaya ng Daddy mo ha, bastos ang bunganga" ganting pagpaparinig ko din sa kanya at tsaka ako nagmartsa papasok sa kwarto pero hindi pa din ito nagpagalo.
"Masarap naman..." sagot niya sabay halakhak.
Naging busy si Mommy at Tita Pia sa pagaasikaso ng binyag ng kambal. Nahihiya na nga ako dahil wala man lang akong matulong. Ayos lang naman daw iyon dahil nageenjoy daw sila sa ginagawa nila. Maging si Axus nga ay dumadaing din dahil lahat ng gastos ay sinagot na ni Daddy at Tito Austin.
"Wow Elaine, kamukhang kamukha mo itong si Xalaine" puna ni Keizer habang karga ang anak kong babae.
Inimbita namin siya sa binyag. Ganuon din si Afrit na nasa mesa nila Tatay at nila Kuya. Kita ko naman na mukhang magaan na ang loob nila sa isa't isa dahil kita kong nagtatawanan ang mga ito habang naguusap.
"Ganda noh..." natatawang pagbibida ko. Akala ko ay kokontra ito pero kaagad din namang tumango.
"Oo, kaya nga hihintayin ko na lang tong paglaki ng anak mo" balik na pangaasar niya na ikinanuot ng noo ko. Pero bago pa man din ako makapagreact ay agad ng umaksyon si Daddy Axus.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomansaOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.
