"Daddy..." magkasabay na iyak nila Lucas at Suzy.
Napaiyak na din ako at kaagad silang niyakap ng mahigpit. Nagkagulo sa reunion kanina ng ibinalita ni Kuya Nathan na naaksidente ang minamanehong sasakyan ni Kuya Luke.
"Shh...baby magiging ok lang si Daddy niyo" pagaalo ko sa mga ito. Si Mommy at Samantha naman ay magkatabi at tahimik na umiiyak. Si Daddy ay nakatayo duon sa tapat ng emergency room at matiyagang naghihintay.
"Tita Elaine, bakit po madaming blood sa mukha si Daddy?" Nahihirapang tanong ni Suzy sa akin dahil sa pagiyak.
Hindi ko siya magawang sagutin, kahit ako ay nanghihina din. "Stop crying na baby, mamaya ay ok na din ang Daddy niyo" agad na singit ni Kuya Axus. Kinuha si Suzy sa aking kandungan at tumabi sa amin.
Mabilis na yumakap si Suzy dito at umiyak. Si Lucas naman ay nakayuko habang tahimik na umiiyak, gusto niyang ipakita sa amin na matapang siya kahit ang totoo ay takot na takot. Hindi ko na napigilan ang paghikbi dahil sa aking nasasaksihan ngayon, kaya naman napasubsob na lang ako sa aking kamay. Mahal na mahal ko ang Kuya Luke ko. Bata pa lang, ay siya na ang super hero ko. Ang uan kong naging prince charming, ang bestfriend ko, ang number one kong kaaway, ang tagapagtanggol ko.
Ayoko ding isiping ganito ang kalagayan niya ngayon. Pero agad ako napakalma ng may humaplos sa aking likuran.
"Shh...magiging ok lang ang lahat" pagaalo ni Kuya Axus sa akin. Marahan akong tumango sa kanya. Tama siya, magiging ayos lang si Kuya.
Nang lumalim ang gabi ay nailipat na si Kuya Luke sa isang private room. Ang kambal ay sumama na kay Lola pauwi. Naiwan si Mommy at Samantha sa hospital para bantayan si Kuya.
"Axus, be careful sa pagdridrive gabing gabi na" paalala ni Daddy dito.
Kinakausap man niya ito ay hindi pa rin maiaalis ang pagkailang ng dalawa sa isa't isa. Sigurado naman akong kung may ibang choice si Daddy ay hindi siya papayag na si Kuya Axus ang makakasama ko pauwi. Pero isinangtabi niya ang issues namin dati dahil mas importante si Kuya Luke ngayon.
"Bye, Daddy" paos na paalam ko dito bago siya humalik sa akin.
Nakayuko lamang akong sumunod kay kuya Axus habang naglalakad kami sa hallway ng hospital. Yakap yakap ko na din ang aking sarili dahil malalim na ang gabi at medyo may kalamigan na talaga.
"Come here" agad akong nagulat ng akbayan ako ni Kuya Axus at mabilis na idiniin ako sa kanyang katawan.
Aangal pa sana ako pero naunahan ako nito, halos manuyo ang lalamunan ko ng maramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. "Hindi ka nakakain ng mabuti kanina, gusto mo bang kumain muna tayo?" Nagaalalang tanong niya.
Nang binanggit niya iyon ay duon ko lang na realize na tama nga siya, nakaramdam na ako ngayon ng gutom. Tinignan ko siya at marahang tumango.
Tipid siyang ngumiti sa akin. Kaya naman imbes na umuwi na ay dumaan pa muna kami sa town center para bumili ng makakain. Hindi na niya ako sinama pang lumabas, naiwan akong magisa sa loob ng kanyang sasakyan. Habang tahimik na naghihintay sa kanyang pagbalik ay muli nanaman akong kinain ng kalungkutan. Inisip ko si Kuya, hanggang ngayon ay naririnig ko pa din ang iyak ng aking mga pamangkin. Naawa ako sa kanila, maging kay Samantha. Kung kailan naman nagkasama sama silang muli, tsaka pa nangyari ito.
Mapait akong napangiti. I loved how Kuya Luke change for Sam. Ngayon, they have a perfect family that everyone will ask for. They have adorable twins, and they love each other. They we're destined to each other. Who's destined for me then? How I wish it's Axus Hector Herrer. "Hey umiiyak ka nanaman" napapunas ako ng luha ng kaagad na sumakay ito sa sasakyan dala ang isang paper bag ng pagkain.

BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomanceOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.