"Kuya Darren naman eh..." daing ko dito.
Kanina pa nila akong pinagtatawanan na tatlo, naghatid kasi ako ng mirienda dahil busy sila sa ginagawa sa likod bahay.
"Ayos na ang ganito kalaki, pansamantala lang naman habang nandito pa kayo sa Bulacan..." sabi ni Tatay habang nagsusukat.
Napakagat labi ako at napayuko. Nakaupo ako sa may papag sa ilalim ng punong mangga. Maya maya lamang ay naramdaman ko na ang presensya ni Kuya Axus sa aking tabi. Kaagad na parang mas lalong uminit ang palagid dahil sa presencya niya na malapit sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya at hinawakan ang baba ko para paharapin ako sa kanya.
"Hindi ka ba masaya?" Dugtong na tanong niya.
"Masaya" Mabilis na tugon ko.
Ngumiti ito sa akin at inakbayan ako. "Lalong ayoko na tuloy na umalis dito, alam mo bang ang sarap sa feeling na ikaw mismo yung pinagpapawisan habang ginagawa yung magiging bahay niyo" Nakangiting kwento niya habang nakatanaw sa malapit ng matapos na kubo na ginagawa nila ni Tatay.
"Ang sarap sa pakiramdam habang iniisip kong ginagawa ko iyan dahil tayo ang titira diyan" dugtong pa niya.
Kinaumagahan nung gabing nagkasakit siya ay alam kong may sinat pa siya nuon pero pilit niyang pinakita sa aking ayos na siya at magaan na ang kanyang pakiramdam. Wala na din siyang sinayang na oras at kaagad na ibinalita kina Tatay at Kuya Darren. Ang sabi kong pagpapakasal sa kanya.
Kaya naman tuloy agad akong tinanong ni Tatay tungkol duon at kaagad ko din namang sinagot na sumangayon nga ako. Kaya ito ngaun, sa totoo nga ay biglaan din ang planong ito ni Tatay na patayuan kami ng kahit maliit na kubo lang sa likod bahay, pansamantala lang naman daw kasi pero sobra kong nagustuhan ang plano nila tungkol duon sa kubo.
"Tatay kaninong kama yan?" Natatawang tanong ni Kuya Darren dito dahil may binubuo siyang maliit na kama.
Kaagad din naman tuloy na kumunot ang noo ko. "Isa itong kuna, para ito sa magiging unang apo ko"diretsahang sabi ni Tatay na naging dahilan para maibuga ni Kuya Axus ang iniinom niyang juice.
Tinawanan naman siya ni Kuya Darren pero sinamaan lang siya ng tingin ni Tatay. Ako naman ay naestatwa at hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala.
"Tay..." kagat labing suway ko sa kanya.
"Natural lamang na aasa kami na magkakaroon na ako ng apo at pamangkin naman para sa Kuya Darren at Danny mo, kasama ng pagpapakasal ang pagbuo ng pamilya at magsisimula iyon pag nagkaanak na kayo" paliwanag at pangaral ni Tatay.
Ramdam ko ang paginit ng aking pisngi kaya naman lalo kong itinago ang aking mukha sa kanilang tatlo. Akala ko ay dadamayan ako ni Kuya Axus sa pagkagulat pero ito at narinig ko na ang paghalakhak niya.
"Makakaasa po kayo kaagad Tatay" natatawang sabi nito kaya naman sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya ako pinansin.
"Buti naman kung ganuon Axus, tumatanda na ako gusto ko naman kahit papaano ay maabutan ko ang mga magiging apo ko, pero Hijo kung hindi pa handa ang anak ko ikaw na sana ang umunawa..." sabi ni Tatay na kalaunan ay naging seryosong usapan na din.
"Makakaasa po kayo Tay...maghihintay po ako" paninigurado ni Kuya Axus.
Kaagad tumango si Tatay pero bumalik nanaman ang kaninang seryosong mukha nito.
"Pero hindi porket makakasal ka na sa anak ko ay hindi na kita susubukan Hijo, marami pang naghihintay para sayo" pagbabanta nito na sabay sabay naming ikinatawa.
Dahil busy silang tatlo ay ako na ang namalengke, hindi ko na lang pinaalam kay Kuya Axus dahil paniguradong sasama nanaman iyon. Pumunta ako sa bahay nila Afrit dala ang basket ko pag namamalengke, minsan kasi ay sumasama iyon sa akin sa palengke para puntahan ang nanay niya na may pwesto duon.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomanceOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.
