Napayuko ako. Nasaktan din ako sa aking mga nalaman tungkol sa kanya. Alam kong hindi din naging madali sa kanya ang pagalis ko nuon.
"Sorry" mahinang sabi ko dahil sa panghihina.
Hindi siya umimik. Nang muli ko siyang tiningala ay nakita kong nakatitig lang siya sa akin. Walang kahit anong emosyon ang nasa kanyang mga mata. Masyadong blanko.
"Para sa atin kung bakit kita iniwan nuon, Kuya Axus..." pagpapaintindi ko sa kanya. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi siya nagsalita kaya naman nagpatuloy ako.
"Ayokong makihati sa oras mo para kay Tita Pia, gusto kong ibigay mo sa kanya ang lahat ng oras mo sa panahong iyon." Muling sabi ko pa habang hindi ako magkamayaw sa pagpahid ng luhang patuloy na tumutulo.
"Ako pa nga ang dapat magalit sayo!" May pagtatampong sabi ko.
Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin at nakikinig. "Sinigawan mo ako, gusto kitang tulungan nung mga panahong nasa hospital si Tita Pia, pero ipinaparamdam mo sa akin na ayaw mo ng presencya ko duon. Akala mo ba ayos lang yun sa akin? Ang sakit sakit kaya nun! Pero inintindi kita kasi mahal kita...mahal mo naman ako diba kuya axus?"
Hindi siya sumagot kaya naman mas lalo akong nasaktan. Dati ay mabilis ang sagot niya sa akin, may kasama pa ngang halik at yakap kung minsan.
"Kung mahal mo ako dapat intindihin mo din ang rason ko, kung bakit kita nagawang iwan nuon..." sumbat ko sa kanya.
Napatigl ako ng ngumisi siya at marahang umiling. Para bang hindi niya tinatanggap ang lahat ng sinabi ko. Hindi siya makaniwala.
"Itigil na natin itong walang kwentang paguusap na to" seryosong sabi niya at tsaka tinangkang iwan ako duon pero agad kong hinawakan ang braso niya.
Kumunot ang kanyang noo, alam kong kanina pa siya naiisni dahil sa pagpupumilit ko. Kahit nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa luha ay nagawa ko pa ding makipaglaban ng titig sa kanya. "Sabi mo sayo lang ako, at akin ka lang. Akala ko ba promise iyon? Hindi mo alam kung gaano kahirap na lumayo sayo Kuya Axus. May mga oras na parang gusto ko ng sumigaw dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko pero kinaya ko yun...kasi nga diba sabi mo, Kaya natin to." paalala ko sa kanya.
Mas lalong tumigas at dumilim ang kanyang ekspresyon. Naglaglag ang panga ko ng maramdaman ko ang dahan dahan niyang pagtanggal ng kamay kong nakahawak sa kanyang braso. Para bang nandidiri siya dito.
"Ang pagkakaalam ko...Sabi mo, kung hindi ko na kaya ay bitawan na kita, Well then, Elaine mukhang ikaw ata ang nakalimot sa ating dalawa" balik na paalala niya sa akin.
"Kaya kayo na ni Bernadette ngayon!?" matapang na tanong ko.
Mariin itong napapikit. "Ang mabuti pa umuwi ka na" walang kaemo-emosyong utos niya sa akin.
Duon ay tuluyan na nga niya akong iniwan, akala ko nuon sa relasyon namin ay ako itong mahina at mababaw. Pero hindi ko inaasahan na siya pala ang unang bibitaw sa amin. Marahil oo, nga't may dahilan, nagkamali ako. Pero hindi naman siguro sapat iyon para tratuhin niya ako ng ganito gayong ginawa ko naman iyon para sa amin.
"Umiyak ka ba?" nagaalalang tanong ni Yvonne sa akin pagkabalik ko sa aming lamesa.
Marahan akong umiling. Pero kagaya nga ng sinasabi nila nuon sa akin, masyado akong transparent kaya naman hindi ko magagawang maloko sila sa tunay kong nararamdaman.
"Wag mo akong lokohin, Elaine. Kilala kita alam ko pagumiyak ka" akusa niya sa akin.
Nanatili akong nakayuko. "Tama na yan, wala akong kinakampihan sa inyong dalawa pero siguro mas makakabuti kung kalimutan na lang natin ang mga nangyari nuon. Isang taon kang nawala Elaine. We never know, baka sa mga panahong iyon ay nabaling sa iba ang pagtingin ni kuya Axus. Hindi ko sinasabi ito sayo para saktan ka. Pero nagaalala lang ako sayo, baka mamaya niyan ay ikaw na lang itong nagpupursigeng lumaban" damang dama ko ang pagaalala sa tono ng pananalita ni Yvonne kaya naman napatango na lamang ako.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomanceOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.
