Chapter 35

34K 752 78
                                    

"Ibinili na din kita ng damit kahapon. Mas presko ang mga iyan, hindi ka mahihirapan sa pagkilos mo, karamihan sa mga dalaga dito ay ganyan ang mga suot" paliwanag ni Kuya, habang tinataga niya ang mga buko na kakakuha lamang ni Kuya Darrel sa puno.

"Salamat po, Kuya" nakangiting sagot ko bago ako mabilis na pumasok sa loob ng bahay para makita at masukat ang biniling damit ni Kuya Danny para sa akin.

Napakagat labi ako ng makita ko kung ano ang mga iyon. Ang iba ay bistida at ang iba naman ay palda. Alam kong kaya ganito ang reaksyon ko dahil naninibago pa lamang ako pero siguro naman masasanay din ako sa mga gawain nila dito.

"Tatay..." tawag ko dito ng makita ko siya paglabas ko ng kwarto. Mabilis akong lumapit sa kanya at tsaka nagmano. Batid ko ang tingin niya sa akin, marahil ay gulat dahil sa suot kong palda at puting tshirt na hindi naman kalakihan sa akin.

"Anak kung hindi ka pa naman sanay, ayos lang naman iyon marahil ay masyado lamang nagiingat ang mga Kuya mo para saiyo. Nga naman hindi natin hawak ang mga pagiisip ng mga tao dito, pero hindi mo naman kailangang biglain ang sarili mo." paliwanag ni Tatay.

Nakangiti akong umiling sa kanya. "Ayos lang po ako Tay. Tama nga po si Kuya dahil mas naging komportable ako dito" sagot ko.

Tipid lang itong ngumiti sa akin. "Oh sige, maliligo muna ako bago bumalik sa bukid." Paalam nito at tinahak ang daan patungo sa likod bahay kung nasaan ang poso.

Pagkalabas ko ng bahay ay agad kong nakitang dumaan si Afrit sa harapan ng aming gate.

"Afrit!" tawag ko sa kanya na kaagad naman niya akong nilingon. Lakad takbo akong lumabas ng gate para lamang mabilis na makalapit sa kanya.

"Oh bakit?" salubong na tanong niya.

"Ano yang dala mo?" Tukoy ko duon sa bilaong hawak niya na nasa may gilid niya.

"Ah ito ba? maglalako ako ng turon..." sagot niya sabay pakita sa akin ng mga paninda niya.

Natakam ako sa itsura ng kanyang turon, kumakain naman kami ng turon ng mga pinsan ko sa Manila, Pero parang iba kasi itong turon nila.

"Pwede bang pabili? Magkano ba ang isa?" Tanong ko.

"Sampu nalang para sayo..." nakangiting sagot niya.

"Bakit magkano ba?" Natatawang tanong ko.

"Sampu." Maikling sagot niya na siya mismo ang natawa.

Napanguso. "Kung makapagsalita ito, akala mo naman binigyan niya ako ng discount" parinig ko sa kanya.

"Teka nga at kukunin ko muna ang wallet ko sa loob" patuloy na sabi ko at akmang papasok ako ulit sa bahay ng pigilan niya ako.

"Wag na, libre ko na sayo ito..." sabi niya at kumuha ng plastik at naglagay ng isa. "Oh ito sayo na" abot niya sa akin ng turon.

"Pero gusto kong bayaran ito..."

Umiling siya. "Wag na, magiging sister in law mo naman na ako in the future" natatawang paliwanag niya.

Natawa naman ako sa kanyang sinabi, gusto niya talaga ang Kuya Darren, ko pero sa ngayon wala pa akong alam tungkol sa mga ito. Ilang araw pa lang naman ako nandito, marahil kahit si Tatay ay hindi pa din alam kung paano kami dapat magusap tungkol sa mga bagay bagay.

"Salamat dito,ang sarap..." puri ko sa masarap na turong kinakain ko.

"Wala iyon, sige na at aalis na ako" paalam nito na pinigilan ko.

"Pwede ba kitang samahang maglako?" Tanong ko.

Matagal ito bago nakasagot pero tumango din. Mabili ang tinda ni Afrit lalo na sa mga taong nagkukumpulan sa daan marahil ay nagchichismisan. Sabi nito ay meron daw talaga siyang nakatabing turon para sa mga suki na niya.

A Sweet Mistake (HFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon