Season 2- Chapter 55

50.3K 878 73
                                        

"Grabe Elaine, umagang umaga nakakapanghalay yung boyfrirnd mo" kinikilig na sabi ni Afrit sa aking tabi habang nakatingin sa kay Kuya Axus.

"Tumigil ka nga diyan" suway ko sa kanya.

Nagpapalit kasi siya ng pangitaas na damit sa labas ng kanyang sasakyan dahilan kung bakit halos lahat ay gising na gising na nakatingin sa kanya. Doon din kasi siya natulog sa loob ng kanyang sasakyan. Gusto ko man sanang maawa sa kanya pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Hindi ko naman kasi siya pinilit na gawin iyon. Mayroon siyang buong magdamag para bumyahe pabalik ng manila.

"Akala ko ba ay pinapatawag siya ng Tatay mo para makapagalmusal na..." pagpapaalala sa akin ni Afrit dahil iyon naman talaga ang tunay ko sanang pakay. Pero dahil umagang umaga ay ibinalandra niya ang kanyang katawan sa paligid namin ay medyo nainis nanaman ako.

"Naku hayaan mo na nga siya..." padabog na sabi ko at pipihit na sana papasok muli sa bahay ng narinig ko ang papalapit na boses nito.

"Good morning, Baby..." medyo paos na pagbati niya sa akin.

Hindi ko siya nagawang lingunin, si Afrit naman ay hindi magkamayaw sa pagkalabit sa akin.

"Hoy Elaine...Elaine" mahina at medyo pabebeng tawag nito sa akin.

"Ah eh...magandang umaga sayo pogi" sambit nito na ikinagulat ko dahilan para lingunin ko siya pero nakita kong namumula mula ito habang nakatingin kay Kuya Axus.

"Magandang umaga din sayo" balik na bati naman ni Kuya Axus dito.

"Ako nga pala si Afrit, kaibigan ako ni Elaine" pagpapakilala pa nito na tinaasan ko lamang ng kilay.

"Ah ganun ba, ako naman si Axus...ako yung boyfrie..." hindi ko na siya pinatapos.

"Ex boyfriend for your information...hindi na tayo bati!" Masungit na sabi ko sa kanya.

Napakagat labi lang ito habang nakatingin sa akin. "Edi, Future boyfriend, o kaya naman ay wag ng boyfriend. Future husband na lang..." nakangiting banat nito na ikinairap ko.

"Future husband your face! Pumasok ka daw sabi ni Tatay at magaagahan!" Mabilis na sabi ko dito at mabilis ding nagmartsa papasok sa bahay.

Hindi ko na inintindi pa kung susumunod ba siya sa akin o hindi, basta tinawag ko na siya, bahala na siya sa buhay niya.

"Magandang umaga po" agad na bati nito pagkapasok niya sa loob ng bahay namin.

Nakaupo na kami nila Tatay at Kuya Darren sa hapag. Tiningnan siya ng dalawa pero hindi ko siya nilingon.

"Sumabay ka nang kumain sa amin" seryosong paganyaya sa kanya ni Tatay.

Kunot noo akong napatingala dito ng tinangka niyang umupo sa aking tabi, pero kaagad din naman naming narinig ang pagtikhim ni Tatay.

"Duon ka maupo sa tabi ni Darren" turo nito sa bakanteng upuan sa tabi ni Kuya.

Napakamot sa batok si Kuya Axus at kaagad na tumango at lumipat duon sa katabing upuan ni Kuya.

"Kumain ka ba nitong tuyo?" Tanong ni Tatay sabay taas ng hawak niyang tuyo.

Napatitig duon si Kuya Axus at tsaka tumango pero halata kong napilitan lamang ito.

"Opo..." sagot niya.

"Sige na kumain na tayo" anunsyo ni Tatay.

Nakita ko ang bahagyang paggalaw ni KuyaAxus at naramdaman kong gusto nitong lagyan ng kanin ang pinggan ko pero kaagad na kumilos si Tatay at siya na ang gumawa nuon.

"Kumain na tayo" sabi nito at medyo pinanlakihan si Kuya Axus ng mata.

Sa gitna ng pagkain ay kita ko ang paggala ng mata nito sa loob ng buong bahay namin.

A Sweet Mistake (HFS #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon