Season 2- Chapter 54

41.3K 823 98
                                    

Axus Herrer

Mabilis akong nagtungo at sumunod kay Denise. I was catching my breath, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I was shocked sa ginawang iyon ni Elaine. Ipinapakita lang naman sa akin ni Denise yung video ng kanyang anak.

"Denise..." pigil ko sa kanya.

Basa ang mukha nito sa luha ng harapin niya ako. "Look, I'm sorry, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Elaine at nagawa niya iyon sa iyo..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magulat ako dahil sa pagyakap nito.

"Sinasabi ko na nga ba...mahal mo pa din ako. Mahal mo pa din ako diba Axus?" Saad niya na ikinagulat ko.

Marahan kong tinanggal ang kamay niyang nakakapit sa aking leeg. She got it all wrong.

"What are you talking about Denise? Hindi ba napagusapan na nating magkaibigan lang tayo" paalala ko sa kanya.

Nakita ko ang panlulumo ng kanyang mga mata. "Axus mahal pa din kita, hanggang ngayon mahal pa din kita..." madiin at umiiyak na sabi niya.

Hini pa ito nakuntento at hinawakan pa ako sa may braso. "Please Axus...nagmamakaawa ako sayo. Ako na lang ulit, tayo na lang ulit Axus...please mahal na mahal pa din kita, patawarin mo na ako sa nagawa ko noon" pagmamakaawa niya.

"Denise, I love Elaine. Mahal ko si Elaine" mariin kong pagpapaintindi sa kanya.

Kagad itong umiling na para bang hindi siya naniniwala sa aking sinabi. " Hindi Axus, magpinsan kayo...magpinsan kayo. Hindi kayo pwede, please Axus ako na lang ulit!" Patuloy na pagpupumilit niya.

Hindi ko na natiis at kaagad ko ng tinggal ang kamay niyang nakahawak sa akin at humakbang ng palayo sa kanya.

"I'm sorry Denise, pero si Elaine na ang mahal ko ngayon. Siya lang..." pagpapaunawa ko sa kanya.

Kaagad tumigas ang ekspresyon nito na para bang may bala pa siyang pwedeng ibato para ipilit sa akin ang kanyang gusto.

"Kung ganuon bakit mas pinili mong sundan ako kesa ang tulungan siya duon?" tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot duon, may punto siya.

"Bakit Axus? Kasi diba mahal mo pa ako...kaya mas concern ka sa akin. Diba?" Desperadang tanong pa niya.

Mariin akong umiling. "I just want her to learn, na mali ang ginawa niya. Pero kahit ganuon mahal ko siya Denise. Mahal ko si Elaine" paulit ulit na sabi ko at hindi ako magsasawang sabihin iyon.

Mas lalo itong naiyak. "Axus...hindi ka niya mahal. Ako mahal kita. Maniwala ka naman"

"No Denise, I'm sorry..." .

Nakaramdam ako ng guilt. Marahil tama nga si Elaine, na may dapat siya ikagalit sa paglapit ni Denise sa akin.

Padabog niyang kinuha ang kanyang cellphone at marahas na iniharap iyon sa akin.

"Yan tingnan mo, niloloko ka lang din niya!" Mariing sabi nito na hindi ko na nagawang mapansin dahil sa pagkagulat ko duon sa video na ipinakita niya.

Naikuyom ko ang aking kamao. Batid kong nakita ni Denise ang namuong galit sa akin,dahilan para mapangisi siya.

"I told you Axus, Ako na lang ulit" pahayag niya at ganuon na lamang ang gulat ko ng bahagya siyang tumalon sa aking harapan at tsaka ako hinalikan.

Buong lakas ko siyang itinulak palayo dahilan para muntik na itong mawalan ng balanse.

"Axus..." naguguluhang sambit nito na tila ba naguguluhan siya sa tumatakbo sa aking utak.

"Damn that man, pinwersa niyang halikan yung girlfriend ko. Papatayin ko siya" galit at nanggigigil na saad ko habang iniisip ang walanghiyang Keizer na yon.

A Sweet Mistake (HFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon