"Baby..." pagsusumamo ni Kuya Axus.
Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagsasampay. Bahala siya sa buhay niya, nakakainis na talaga siya.
"Ginawa ko lang naman yon para sa atin, sasabihin ko naman talaga dapat sayo ang kayo nga lang ay naghahanap ako ng tamang tiempo, Baby naman..." pagpapaliwanag niya.
Nalaman ko kasing siya ang nagpaasikaso kay Kuya Danny tungkol duon sa pagpapalit ko ng apelyido. Sobrang nagulat talaga ako dahil una, hindi ko inaasahang totoo pala talaga ang ikinakagalit nila Mommy at Daddy, pangalawa sobrang nakakabigla na dahil iyon sa kanya.
"You should have told me! Hindi yung ikaw lang magisa yung nagdedesisyon!" Sumbat ko sa kanya.
Mas lalong nanlambot ang ekspresyon ng mukha nito.
"Yes baby inaamin ko, I'm so sorry...I'm so sorry please patawarin mo na ako" pakiusap pa niya.
"Dahil diyan nagalit sa akin si Mommy at Daddy, apelyido ko yun! Pangalan ko! Wala kang karapatang pakialaman iyon!" Mariing sumbat ko pa.
"Nakakainis ka! Bwiset!" Huling hiyaw ko pa at aalis na sana ako sa harapan niya dahil naiiyak na ako sa sobrang inis.
"Damn it baby..." frustrated na sabi nito at hinila ang aking braso. Agad ako nitong pinaharap sa kanya at hinawakan ang aking magkabilang balikat.
"Shh...Don't cry, Elaine. Ofcourse may pakialam ako dun. Gusto kong ibigay sayo yung apelyido ko, gusto ko ikaw ang magiging Mrs. Herrer ko, pero paano mangayayari iyon kung Jimenez pa din ang surname mo..." pagpapaintindi niya sa akin.
"Sino ba nagsabi sayong papakasal ako sayo!?" Inis na sigaw ko sa kanya.
"Ako. Wala akong pakialam kung ayaw mo basta ako, papakasalan kita" walang kagatol gatol na sagot niya.
"Gago ka..." mumunting bulong ko.
"Gago na kung gago...basta papakasalan kita" paninigurado niya pa.
Sinunod naman nito ang aking gusto, hindi niya ako nilalapitan pero palagi ko naman siyang nahuhuling nakatingin sa akin lalo na pag nasa bukid at pinapanuod ko silang tatlo nila Kuya Darren at Tatay.
"Wow...moreno na si pogi" pangaasar ni Afrit habang pareho kaming nakatanaw sa may palayan. Hindi ko siya pinansin at nanatili ang aking atensyon duon.
"Mamaya niyan ka kulay na ni Axus yung kalabaw niyo, hindi mo pa rin siya patawarin" pangungunsensya nito sa akin.
Agad akong napabaling sa kanya. "Ayaan mo nga siya" masungit na sabi ko dito.
"Halos magiisang buwan na siya dito, magkasundo na din sila ng Tatay at Kuya Darren mo, ikaw na lang talaga ang kulang" pagpapaalala niya.
Kaagad akong napaisip. Oo nga pala at halos magiisang buwan na ng nanatili dito si Kuya Axus sa amin. Hindi ko akalain na kaya niya ang mga gawaing bukid. Nakasanayan na din niya ang mga ito kasama sina Tatay at Kuya. Nagaalala tuloy ako sa kay Tita Pia, alam kaya niyang andito si Kuya Axus? Yung companya sino ang na ang tumutulong duon kay Kuya Alec?
Ako naman ay, ilang beses ko ng sinubukang umuwi at kausapin sila Mommy pero hindi ko kaya, pinangungunahan kasi ako ng takot na baka maulit lang uli yung dati. Hindi ko pa yata talaga kayang harapin ang galit nila sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ng pamilya namin.
"Tatay..." nagaalalang tawag ko ng mapansin kong medyo nahihirapan ito.
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila, akay akay kasi siya nila Kuya Axus at Kuya Darren.
"Tatay naman magpahinga na po kasi kayo sa bahay..." suway ko dito.
T"Oo nga po tay, masyadong tirik ang araw delikado para sa inyo" sabat naman ni Kuya Axus at napatingin din sa akin pero umiwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomansaOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.
