"Shh...anak tahan na, sige na at sumama ka na sa pinsan mo. Hihintayin lamang namin ang Kuya Danny mo at susunod kami kaagad sa inyo duon sa manila" pagaalo sa akin ni Tatay dahil sa hindi ako magkamayaw sa pagiyak.
Ni ang mga gamit nga na dadalhin ko ay si Kuya Darren ang nagayos. Tumango ako at yumakap kay Tatay para magpaalam.
"Aalis na po kami" magalang na paalam ni Kuya Alec.
"Magiingat kayo" bilin pa ni tatay.
Tahimik akong umiyak habang nasa byahe kami. Hindi pa din kasi malinaw sa akin ang lahat ng nangyayari ngayon. Parang hindi pa gaanong naaabsorb ng buong pagkatao ko ang sitwasyon. Naaksidente siya at hindi na umuwi sa amin dahil hinddi niya na ako maalala? Anong dapat kong gawin?
"Wag ka ng umiyak baby, magiging ayos lang ang lahat. Ginagawa na namin ang lahat wala kang dapat ipagalala." Pagaalo sa akin ni Kuya Alec.
Hindi ako sumagot nanatiling tahimik lang. Tanging si Kuya alec lamang ang nagsasalita sa aming dalawa, ramdam ko na gusto lamang nitong pagaanin ang sitwasyon at ang kalooban ko.
"Mukhang malaki ang pamangkin ko ah" pilit na pinasigla nito ang boses tukoy sa sinapupunan ko.
"Ka...kambal po" maiksing sagot ko pero narinig ko ang pagtawa ni Kuya alec.
"Wow, sharp shooter pala ang kapatid ko" biro nito pero damang dama ko ang lungkot sa kanyang boses.
"Mas lalo pala nating dapat iuntog ang ulo ng Kuya Axus mo" dugtong na biro pa niya.
Mas lalong lumakas ang pagtatambol sa dibdib ko ng makarating na kami sa hospital. Mukha yatang alam na ng lahat ang pagdating ko dahil lahat sila ay nanduon sa labas ng mismong kwarto ng aking asawa. Ang mga Tito at Tita ko ay nagkukumpulan ganuon din ang aking mga pinsan. Lahat sila ay hindi pa napapansin ang aming presensya.
Mas lalo kong naramdaman ang paghigpit ng hawak ni Kuya Alec sa aking kamay at tsaka ako tiningnan na para bang humihingi ito ng permiso. Ilang lunok muna ang nagawa ko bago ako tumango sa kanya.
"We're here" anunsyo nito sapat lang para marinig nilang lahat.
Hindi ko kinaya ang tingin nilang lahat sa akin kaya naman napayuko na lamang ako at tsaka tumitig sa sinapupunan ko. Wag kayong magalala mga anak, kaya to ni Mommy para kay Daddy.
Rinig ko ang pagsinghapan nila marahil ng mas makita nila ng malinaw ang aking kalagayan. Naluha na ako sa hindi malamang dahilan. Wala pa mang masasakit na salita at malutong na sampal ay naiyak na ako.
"Elaine...baby ko" nabigla ako ng mabilis na naglakad si Mommy patungo sa akin habang umiiyak, kaagad ako nitong niyakap.
"Ang anak ko, diyos ko" umiiyak na sambit niya.
"Mommy sorry po...sorry po sa lahat ng ginawa ko" paghingi ko ng paumanhin at hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking emosyon.
"Shh...Hindi na importante iyon ngayon, Elaine. Ang mahalaga ay nandito ka na ulit" pagaalo sa akin ni Mommy.
Ikinulong ng mga palad niya ang aking pisngi at pinunasan ang aking mga luha. Duon ko lang nakita ang presensya ni Daddy na nasa likod na pala ni Mommy at lumuluha na din.
"Magiging Mommy na yung princess ko" sabi niya at pumiyok pa bago ako nito mahigpit na niyakap.
"Daddy..." umiiyak na tawag ko sa kanya. Pero hinalikan lamang ako nito sa ulo.
"Shh...tahan na Elaine. Makakasama yan sa dinadala mo" pagsingit ni Mommy. Na kaagad namang sinangayunan ni Daddy.
Napabaling ako sa mga natitira pa sa likuran. Duon ko nakita ang mga pinsan ko, si Kuya Clark ay napamura pa pero kita ko ang pagdaloy ng luha sa kanyang mata, nanatiling nakayuko si Kuya Nathan at Marcus. Si Yvonne naman ay hindi maalis ang pagkakatakip ng kanyang palad sa kanyang bunganga.
BINABASA MO ANG
A Sweet Mistake (HFS #1)
RomanceOngoing "Mahal Ko Siya, Mahal Niya Ako" Walang Mali Pero... Mag-Pinsan Kami.
