Season 2- Chapter 59

57.1K 945 105
                                        

"1.2 million in cash"

"Tangina, demanding ka naman masyado pare!" Hirit ni Keizer.

"Wag mo akong ma-pare pare hindi tayo close. Ilang beses ko lang nagamit yang sasakyan ko" sagot naman ni Axus dito.

"Babaan mo naman..." hirit pa ni Keizer.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Axus. "Bakit? Wala kang 1.2 million in cash? Wala ka naman pala eh!" Pangaasar niya dito.

Agad napailing si Keizer. "Gusto mo bayaran pa kita ng doble niyan eh!" Pagmamayabang nito.

"Gawin mo" panghahamon sa kanya ni Axus.

Kaagad napahalakhak si Keizer. "Ano ka siniswerte!? Sige na sige na, ako na bibili diyan" natatawang sabi nito sabay turo sa Genesis 380 gt na ibinibenta nito.

Kaagad bumaling si Axus sa akin at halos mapunit ang labi nito sa laki ng kanyang ngiti habang papalapit ito sa akin.

"Pwede ka ng manganak baby, may pera na tayo..." nakangiting sabi nito sa akin dahilan para sikuhin ko siya.

"7 months pa lang tong tiyan ko, tapos gusto mong ilabas ko na tong mga anak mo?" Masungit na tanong ko sa kanya.

Kaagad itong napakagat labi. "Anak natin Elaine. Sorry baby excited lang talaga ako..." kwento niya.

Yumakap ito sa akin at tsaka hinimas ang pitong buwan ko ng tiyan. Sobra nga kaming natuwa nung sinabing kambal ang magiging baby namin. Parang dati lang nangangarap lang ako na sana magkaroon ako ng sariling version ko nina Suzy at Lucas ngayon matutupad ko na.

"Makaalis na nga dito, medyo nakakairita na sa mata ang view" pagpaparinig ni Keizer na nakalimutan naming nandito pa pala.

"Humanap ka na kasi ng sarili mong love life para hindi ka na bitter" asar ko sa kanya.

Sinimangutan ako nito. "Hindi ako bitter noh! Excuse me, sa gwapo kong toh?" Pagmamalaki niya.

Inirapan ko siya. "Axus palayasin mo na nga yung panget diyan at baka mamaya eh maging kamukha pa yan ng mga baby natin" pangaasar na pagpaparinig ko din dito. Tumawa lang si Axus habang nakatingin kay Keizer. Sa lumipas na mga buwan ay naging magkasundo na din silang dalawa pero may oras pa din talaga na nagaasaran ang mga ito.

"Pasalamat ka at buntis ka...kung hindi papatulan kita diyan"pananakot niya pa.

Hindi ko na siya sinagot pagkatapos nuon, bagkus ay tumayo ako at tsaka siya niyakap. Naging isang mabuting kaibigan si Keizer sa akin, para na din siyang parte ng pamilya namin. Lalong naging masaya nung nagkabati na sila ni Axus. Isa nga siya sa magiging ninong ng mga baby namin.

"Kailan ang alis mo Axus?" Tanong ni Tatay habang nananaghalian kami.

Kaagad napakunot ang aking noo at tsaka ako napahinto sa aking pagkain. "May pupuntahan ka?" Tanong ko sa kanya.

Sandali itong napatitig sa akin na para bang nagiisip pa siya ng magandang sagot para sabihin sa akin.

"Baby..." medyo mahinang tawag niya sa akin.

"Aalis ka? Ni hindi mo man lang sasabihin sa akin?" Sumbat ko sa kanya.

"Elaine anak..." tawag sa akin ni Tatay.

Hindi ko na napigilan ako sarili ko kaya naman nagpaalam na ako sa kanila sa hapag. "Tapos na po akong kumain" sabi ko sabay tayo.

Dumiretso ako palabas ng ng bahay, ayokong pumunta sa bahay namin dahil makikita ko lamang siya duon. Nakahawak ako sa malaki kong tiyan dahil na din dalawang sanggol ang nasa loob nito. Tinahak ko ang daan patungong bukid at tsaka ako duon umupo sa upuang kawayan sa ilalim ng puno kung saan malilim.

A Sweet Mistake (HFS #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon