End of Season 1

49.3K 877 118
                                    

Nagising ako na wala na si Kuya Axus sa aking tabi. Naramadaman ko ang pagkalam ng aking sikmura ng maamoy ko ang tocino mula sa kanyang mini kitchen. Rinig ko ang tunog ng mga kasangkapan sa kusina, sa himbing ng tulog ko at siya na tuloy ang nagluto ng breakfast namin. Tumayo na ako at inayos ang pinaghigaan namin.

Napangiti ako ng makita ko ang kanyang hubad na likod. Hindi niya naramdaman ang paggising ko dahil abala siya sa ginagawa. Bukod sa maong pants ay nakaapron din siya, ang kanyang biceps ay sumasabay sa bawat galaw ng kanyang hawak na spatula. Mabilis akong lumapit sa kanya at kaagad siyang niyakap mula sa likuran.

"Geez...baby" natatawa tawang suway niya. Nagulat pa siya dahil sa aking ginawa.

"Good morning..." malambing na sabi ko.

Tinanggal niya ang pagkapulupot ng kamay ko at tsaka niya ako hinarap. Hinapit niya ang aking bewang habang ang isang kamay niya ay may hawak pa ding spatula.

"Good morning, baby..." malambing na bati niya pabalik. Ramdam ko ang ilang ulit niyang paghalik sa aking ulo.

"Anong niluluto mo?" Tanong ko at sinilip ang ginagawa niya.

"Tocino and scrambled egg, may fried rice din, alam ko namang paborito mo yan..." pagyayabang pa niya.

Sinadya kong ipinakitang napangiwi ako. "Minsan lang ako kumakain ng rice sa umaga" pangaasar ko sa kanya.

Kumunot ang kanyang. "Damn baby, you need to eat a lot. Anong sustansya na lang ang makukuha ng anak natin sayo niyan, buto't balat ka na" pangaral niya sa akin at talagang seryoso siya duon.

Sinimangutan ko siya at hinampas sa braso. "Anak ka diyan" asik ko.

Imbes na sumagot at makipagtalo ay nginitian na lamang ako nito bago niya dahan dahang inangkin ang aking mga labi. Sa sobrang rahan nuon ay ramdam ko ang init at lambot. Iba ang pakiramdam pag ang halik ay mabilis at mapusok. Iba din ang ngayon. Para akong kinikiliti sa bawat pag dampi nuon. Itinaas ko ang isang kamay ko para humawak sana sa kanyang batok ngunit dahil sa nakapanghihina niyang halik ay nanlambot ang kamay ko at bumaba na lang sa kanyang dibdib, diretso sa kanyang 6 packed abs.

Narinig ko ang kanyang mahinang pagungol ngunit napahinto kaming dalawa ng maamoy naming nasusunog na ang kanyang niluluto. Panay ang tawa ko sa kanya habang inaayos niya iyon.

"Hala, sinunog mo yung kakainin natin" pangaasar ko sa kanya.

Sinimangutan niya ako. " I'll eat your lips then" banta niya.

Pabiro kong tinakpan ang aking labi. "Hindi na pwede! Nakakarami ka na!" suway ko sa kanya. Nginisian niya ako at nagtaas ng kilay. Sa huli ay hinayaan na niya akong maupo sa maliit niyang dinning table habang siya ang nagaayos ng aming pagkain.

"Dito ka na lang at baka hindi tayo makakain ng breakfast" nakangising sabi niya sa akin. Baka daw maghalikan na lang kami buong umaga pag hindi pa ako lumayo sa kanya.

"Sabihin mo kung ayaw mo ako duon, kunwari ka pa eh..." pagiinarte ko.

Imbes na umalis ay lumihig pa siya sa akin. Mas lalong bumalandra ang hubad niyang katawan sa aking harapan. "Elaine, hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko kagabi" sabi niya sa akin na ikinanguso ko. Anong mahirap na pinagdaanan? Natulog lang naman kami kagabi.

Nabatid niya ang pagkalito ko kaya naman tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Hindi mo alam kung gaano kahirap magpigil, lalo na at nasa tabi kita at gustong gusto na kitang buntisin"

Halos malaglag ang aking panga. Hindi na bago iyon sa aking pandinig. Pero iba pa din pala ang epekto kung seryoso niya iyong sinabi na para bang sigurado siyang gusto nga niyang mangyari ang bagay na iyon.

A Sweet Mistake (HFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon