Chapter 25

38K 699 21
                                        

Hndi ako nakagalaw sa kanyang sinabi sa akin. Hindi ko magawang iproseso iyon sa aking isipan. Ang solusyong naisip niya ay ang magtanan kami? Ang umalis at iwanan ang lahat? Hindi ko ata kaya.

"Sasama ka diba? Baby..." desperadong tanong niya sa akin. Ramdam ko iyon sa mahigpit niyang hawak sa aking braso. Napatango na lamang ako. Kaya ba namin iyon? Gusto ko mang tumanggi ay hindi ko magawa, nanghihina ako sa mapupungay niyang tingin sa akin, ayoko siyang biguin ngayon.

"I want to hear it from you" pilit niya na hindi nakuntento sa aking simpleng pagtango.

"Oo, Kuya Axus sasama ako" sagot ko.

"Thank you Baby, Thank you" para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa aking sinabi. Muli niya akong niyakap ng mahigpit bago hinalikan.

"Hey Guys, Tama na yan, siguradong nagtataka na yung mga iyon" katok ni Carol mula sa labas.

"This is my new number. That fucking Alec, throw my fucking phone. I'll text you the address ok?" nagmamadali at natatarantang sabi nito ng iabot niya sa akin ang kapirasong papel. Wala akong nagawa kundi ang tumango.

"Take care ok, I love you" muling hirit pa niya tsaka ako sandaling hinalikan. Tahimik lang kami ni Carol na bumalik duon sa may garden. Sinalubong kaagad kami ng tanong ni Kuya Clark.

"Syempre nagretouch pa kami. Ikaw naman Clark masyado kang atat" natatawang palusot ni Carol dito. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa kanya. Sana ay kagaya niya, matanggap din kami ng mga ito, ngunit alam kong sobra na iyon kung hihilingin ko pa.

Ilang minuto pa ang lumipas ng nagyaya ni si Kuya Clark na ihatid ako pauwi. May pupuntahan pa siyang iba kaya naman bago iyon ay ihahatid na muna niya ako. Nagtaka pa si Yvonne kung bakit kailangang maaga akong umalis gayong marami namang pwedeng maghatid sa akin pauwi.

"Nagpromise ako kay Tita Eli na sandali lang si Elaine" sagot niya dito.Nagpaubaya na lamang ako sa kanilang plano. Ganito ang kanilang solusyon sa lahat ng ito, pero hindi nila mapipigilan ang tunay naming nararamdaman.

Patuloy pa din si Mommy na aluin ako ng sumunod na araw. Pansin na niya ang pagiging malungkot ko at ang palaging pagkulong ng aking sarili sa kwarto. "Why don't you, Hang out with your friends Hija, tutal andyan naman na lahat ng cards mo" suggest niya.

"I'm tired, Mom." palusot ko, ngunit ang aking buong atensyon ay nasa aking cellphone. Naghihintay ng maaaring text mula kay Kuya Axus.

"Tired? Hindi ka nga lumalabas dito sa kwarto mo, Elaine. It's not healthy, kailangan mo ding libangin ang sarili mo sa labas"

"I'll see mom" maiksing sagot ko at tipid pa siyang nginitian.

Lumipas nanaman ang ilang araw at wala ni isang text akong natanggap mula kay Kuya Axus. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdam pero lagi ko lang iniisip na kaya matagal dahil pinagiisipan niya itong mabuti.

"Ma'm Elaine, may tawag po kayo" tawag ng isa sa mga kasambahay namin. Kaagad akong tumayo at nagpasalamat sa kanya.

"Hello." pagbati ko

"Elaine apo, can you meet me?" si Lola.

Hindi na ako nagdalawang isip pang makipagkita kay Lola. She text me the address kaya naman kaagad akong nagtungo duon. Kagaya ni Carol ay suportado din niya kaming dalawa. Gusto kong ipaalam sa kanya ang plano namin. Sigurado akong matutulungan niya kami.

"Lola..." yakap ko sa kanya ng magkita kami. Nakita ko ang pagaalala sa kanyang mukha ng pagmasdan niya akong ng mabuti.

"You look so pale, Hija. Anong nangyari sayo?"

A Sweet Mistake (HFS #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon