Chapter 27

25.4K 558 14
                                    

Sobrang sakit sa dibdib habang tinatanaw ko ang tuluyang pagalis ng sasakyan niya. I'm doing this for us. Totoong may gusto akong patunayan sa kanya pero ayokong madamay siya. For now, I want to fight for us, alone. Ako naman ngayon, kasi sobra na ang nagawa niya para sa amin.

Tahimik akong umiiyak ng lapitan ako ni Mommy. "Tell me, Elaine. Ano ba talaga ang nangyayari?" naguguluhang tanong niya.

Dahan dahan ko siyang nilingon. "Mommy, mahal ko po si Kuya Axus" matapang na sabi ko.

"I know baby, kung nagkatampuhan man kayo ay magkakabati din kayo. Kayo pa, bata pa lang eh mukha na kayong aso't pusa" nakangiting pagaalo niya sa akin.

Marahan akong umiling. "Mahal ko po siya Mommy. Mahal ko po siya higit pa sa pagiging pinsan." diretsahang sagot ko.

Ang kaninang ngiti sa labi niya ay unti unting nawala."Hindi ko maintindihan Elaine" parang natatarantang sabi pa niya.

Mariin akong napapikit. Inipon ko lahat ng lakas na meron ako at pinatatag ang aking sarili. Kaya ko ito. "Mommy, boyfriend ko po si Kuya Axus" paos na sabi ko dahil sa nagbabadyang paghagulgol.

Nanlaki at agad nagtubig ang mata nito. Napatakip pa siya sa kanyang bibig. "Anong sabi mo Lynne Elaine?" Daddy iyon. Nagulat ako at takot na tinangap ang nanlilisik niyang mga tingin sa akin. Ngunit hindi ako nagpakain sa takot, hindi na ulit.

"Daddy, Mahal ko po si Kuya Ax..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang pagdapo ng kanyang palad sa aking pisngi.

"Lance!" sigaw ni Mommy.

Napahawak ako sa aking pisngi na namamanhid na ngayon. Iyon ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ni Daddy. Mas lalo akong napaiyak dahil duon.

"Bawiin mo yun Elaine. Sabihin mong nagkakamali lang ako ng dinig. Sabihin mong nagbibiro ka lang" Matigas na utos niya kahit halata sa boses niya ang panghihina.

Umiling ako. "Mahal ko po siya, Daddy" paninindigan ko. Napasinghap siya at napamura.

"Anong naging mali sa pagpapalaki ko sayo Elaine?" matigas na tanong niya.

Umiling ako, sinubukan kong hawakan siya. Hindi siya lumayo kaya naman niyakap ko na siya.

"Wala pong mali Daddy. Wala po kayong kasalanan. Pero Daddy, mahal ko po talaga siya" umiiyak na sabi ko.

"Eli, call Axus..." matigas na utos ni Daddy kay Mommy.

Kumalas ako ng yakap sa kanya. "No Dad, Please...Sa akin na lang po kayo magalit wag na sa kanya" pagmamakaawa ko.

"What!?" galit na sigaw nito.

"Wag lang siya, Daddy..." pagmamakaawa ko.

Sa gitna ng pagmamakaawa ko ay bumaliktad ang sikmura ko kasabay pa ng pagkahilo, Dahil sa mga nangyari ay ngayon ko lang naramdaman muli ang kalasingan.

"Naririnig mo ba yang sInasabi mo? And look at you!? Kailan ka pa natutung Umino..." hindi ko na natapos ang sasabihin niya ng tuluyan na akong nawalan ng malay.

Simula nung gabing iyon ay hindi ko na nakausap si Daddy. Maging si Mommy ay tikom ang bibig pag pumupunta sa aking kwarto.

"Ma'm Elaine, Ito na po ang tanghalian niyo" bungad sa akin ni Nana Lorna.

"Thank you po, Nana Lorna. Paiwan na lang po diyan sa lamesa" sabi ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa labas ng bintana.

"Ma'm Elaine, hindi niyo naman po nagalaw itong breakfast niyo" puna niya.

"Wala po akong ganang kumain." tipid na lang na sagot ko.

Hindi na lamang siya nagsalita hanggang sa marinig ko ang pagsara at pintuan. Wala akong gana sa pagkain, wala ding kahit anong gadgets na pwedeng gawing communication sa labas. Buong araw akong nasa loob ng kwarto. Para akong isang preso.

A Sweet Mistake (HFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon