Chapter 34

37.2K 810 72
                                    

Axus Herrer

"Gumalaw ka nga diyan, baka naman ma-stroke ka niyan" kalabit sa akin ni Alec.

Tiningnan ko lang siya ng masama bago sumimsim sa aking kape ko. Maraming tao ngayon dito sa may Gothic Quarter.

"Sandali lang naman ang dalawang taon, Axus. Pagbutihan mo ang pagmamanage ng bussiness natin dito. Malay mo naman mapaaga pa..." muling sabi pa niya.

"Can you just shut up?" inis na bulyaw ko sa kanya. Marami akong iniisip ngayon at wala akong panahon para pakinggan ang mga hinaing at drama niya.

Nagtaas ito ng dalawang kamay na tila mo'y suko na siya. Pero hindi pa din maalis ang pilyong ngiti sa kanyang labi.

Inirapan ko siya. "Nasasabi mo lang yan dahil kahit anong oras pwede kang bumalik duon" sumbat ko.

"I told you Bro. Hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama." paniniguro niya.

Nginisian ko lang siya. "Hindi mo ako maloloko, Gago." bato ko.

"Look. Alam kong sa lahat ng nangyayari ngayon. Nasa side ako ni Mommy. Pero Axus, pagkakataon mo na ito patunayan mo sa kanila na kaya mo na. Hindi ba nga sabi ni Mommy, if makaya mong palaguin at imanage ang bussiness natin dito ay hahayaan ka na niya..." pagpapaliwanag niya.

"Do, I look stupid Alec? sa tingin mo ba maniniwala ako na pagkatapos ng dalawang taon ay pababayaan na nila kami ni Elaine? " laban ko sa kanya.

Mariin itong napapikit, "I know, Alam kong hindi pa rin magiging madali iyon. Pero Axus ang mahalaga ano mangmangyari after two years may ipanglalaban ka kina Mommy, may ipagmamalaki ka na, nakaya mo yung mga bagay na akala nila hindi mo kaya" madiing pangangatwiran niya.

Hindi ko alam kung bakit ba sa aming dalawa siya na lang palagi ang umaaktong parang siya ang Kuya ko. Lumuwag na ba ang turnilyo ng utak nito at nakalimutan niyang kambal kami.

"Anong problema mo't nagiba at ang ihip ng hangin?" kunot noo kong tanong sa kanya.

Nagtaas lamang ito ng kilay at nagkibit balikat.

"Dati kung tumutol ka sa amin ni Elaine. Ngayon naman kinukumbinsi mo ako na pagkatapos ng lahat ng ito ay may pagasa na" matalim na tinging saad ko sa kanya.

"Ewan..." tamad na sagot niya lang.

"Anong ewan? Baka naman may iba kang pinaplano?" matapang na tanong ko.

"Basta ewan, bakit ba ang dami mong tanong?" naiirita pang sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin na gustong lalong pilitin siya. May nararamdaman akong kakaiba at sigurado akong mayroon siyang pinanghuhugutan. Kilala ko si Alec, alam kong pag nagdesisyon siya hindi basta basta nagbabago iyon lalo na kung walang mabigat na dahilan.

"Kasi sa tingin ko may plano kayo ni Mommy kaya ganyan" patuloy kong pangungulit.

Lalong tumigas ang ekspresyon nito, halata namang sobra na ang pagpipigil."Ano bang trip mo ngayon Axus at ganyan ka kakulit? Manahimik ka na nga lang!" galit na suway niya sa akin.

Napangisi ako dahil duon.Kaunti na lang at magsasalita na itong gagong to. "Kahit ano pa yang pinaplano niyo, sisigiraduhin kong pagkatapos ng dalawang taon kong paghahandle ng negosyo natin dito, uuwi ako ng pilipinas at walang makakapigil sa akin." madiing sabi ko pa.

"Wala nga sabi! Wala naman talagang pipigil sayo pagkatapos ng dalawang taon, ano bang pinuputok ng butsi mo?" inis na tanong niya.

"Eh bakit ba kasi ayaw mong sabihin kung anong pinaplano niyo?" pagpupumilit ko.

A Sweet Mistake (HFS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon