Season 2- Chapter 47

44.4K 977 94
                                        

Axus Herrer

Halos mapatay ko na sa isip ko ang lalaking kasama ni Elaine. Kanina pa nakakuyom ang aking kamao. I'm not jealous. Damn it, I'm not...No, I'm not.

Napatigil ako sa pagiisip ng kalabitin ako ni Bernadette.

"Anong iniiling iling mo diyan?" Tanong niya.

Imbes na sagutin ay inakbayan ko na lamang siya dahilan para mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Napatingin ako kay Elaine, pero agad nanlaki ang mata niya ng makita niyang nilingon ko siya kaya naman kaagad itong napayuko.

She deserves it.

Nawala ako sa pagiisip ng kurutin ako ni Bernadette sa tagiliran. "Inakbayan mo nanaman ako, pag mayroon nanamang nakakilala sa akin dito at isumbong kay Xander, malalagot ka talaga sa akin!" banta niya.

She's not my girlfriend, for fucking sake! sinong tao ang makakayanang pumasok sa isang relationship kung hanggang ngayon ay nakakulong pa din ito sa past. Bernadette became my bestfriend. Nagkasundo kami nung panahong nilabanan niya ang parents namin tungkol sa arrange marriage dahil may boyfriend siya.

Hindi ko inalis ang pagkakaakbay ko sa kanya. Kumuha ako ng isang pirasong ubas at tsaka iyon isunubo sa kanya. We are all in the same table, lumipat kami ng table para makasama sina Elaine at yung Keizer na iyon. They are so fond by their presence.

Muli akong tumingin kay Elaine at duon ko nakita ang sakit sa mga mata niya. Go on baby, magselos ka.

"Grabe nakakalula!" Sarcastic na bulong sa akin ni Bernadette.

Kumunot ang noo ko tsaka bumaling sa kanya. "What are you talking about?" Tanong ko.

"Alam mo kasi Axus, napakataas ng pride mo! Tinalo mo pa yung taas ng Eiffel tower. Bakit ba kasi ayaw mong makipagusap kay Elaine ng maayos?" Pangaral pa niya.

"For what? Para sabihin nanaman niya na kaya siya umalis dahil sa kay Mommy? Para sa pamilyang to?" May bahid na ng inis na tanong ko.

Napabitiw ito at kaagad na itinaas ang magkabilang kamay na para bang sumusuko siya. "Chill, pero sana naman pagaralan mong magpreno, lalo na yang bunganga mo... kung ano ano na yatang masasakit na salita ang lumabas diyan. Kawawa naman si Elaine" concern na sabi pa niya.

"Kung ayaw niyang makarinig ng masasamang salita, Matuto siyang dumistansya sa akin, dahil pasencyahan kami wala talaga akong control dito sa bunganga ko lalo na't galit ako" diretsahang sabi ko pa.

Nakita ko ang mapangasar na ngiti ni Bernadette at nagkibit balikat. "Gusto mo ba talagang dumistansya siya? Totoo ba yan?" Pangaasar pa niya.

Nanahimik na lamang ako at hindi na siya kinubo. I don't know, hindi ko alam kung ano na ba itong nararamdaman ko. I think I'm going to be fucking insane.

Elaine Jimenez

"Sige na, yakapin mo na din kasi ako" pangungulit ni Keizer.

"Ayoko..." matamlay na sagot ko.

Gusto niyang yakapin ko din siya para daw may panlaban kami kila Kuya Axus, batid kasi niya ang pagkailang ko lalo na't nasa harap namin sila. Nakaakbay ito kay Bernadette, at wag ka! Nagsusubuan pa sila.

"Sabihin mo lang pag hindi mo na kaya, uuwi na tayo" may bahid ng pagaalalang sabi ni Keizer.

Pinahiran ko muna ang isang butil ng luha na mabilis na pumatak sa aking mata pababa sa pisngi.

"Kaya ko pa..." matapang na sagot ko.

"Minsan yung akala mong kaya mo pa eh yung mismong bagay din na pumapatay sayo ng paunti unti. Pwedeng magpahinga Elaine. Pwedeng magpahinga." Seryosong pangaral niya na tinanguan ko.

A Sweet Mistake (HFS #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon