POSSESSION I

7.1K 95 1
                                    

POSSESSION I

"Mama aalis ka po?" Napatingin ako kay Jaze na inosenteng nakatingin sakin. Napangiti ako at pinisil ang matambok na pisngi ng 3 year old kong anak.

"Mama sama ako" Lumuhod ako at pinantayan siya Saka hinawakan sa pisngi

"Anak hindi pwede. Maghahanap ng work si mama... Dito ka lang muna kay Lola ha? Promise pag uwi ko dadalhan kita pasalubong" Nagliwanag naman ang mukha nito at nagtalon talon pa sa tuwa. Napangiti ako at nawala lahat ng pangamba na namayani sa dibdib

Isa akong single mom at ako ang bumubuhay sa nanay ko maging sa nag iisa kong anak. Wala akong katuwang sa buhay dahil pagkatapos akong iwanan ng boyfriend ko at nang mamatay ang tatay ay ako na ang kumayod para sa pamilya ko.

Masaya na ako at kontento sa buhay ko. Para sa karamihan, kamalian para sa kanila kung ituring ang pagkakaroon ko ng anak sa maagang edad pero nagkakamali Sila dahil para sakin, biyaya si Jaze

"Ma, alis na po ako, kayo na po muna ang bahala kay Jaze" Magalang kong Saad at nagmano kay Nanay na ngayon ay abala sa paghahain ng baon ko

"Ganun ba? O siya sige mag iingat ka at umuwi ka ng maaga... Tawagan mo ko kapag nakalabas ka na sa trabaho at kapag nakahanap ka na ng ibang sideline" Bilin niya at binigay sakin ang lunchbox na may lamang pagkain. Plano ko Rin sanang maghanap pa ng ibang pagkakakitaan dahil habang lumalaki si Jaze ay lumalaki na rin ang gastusin namin isama mo pa ang mga pangangailangan naming tatlo

"Kumain ka sa tamang oras. Wag magpapalipas ng gutom may klase ka pa" Tumango at ngumiti ako saka humalik sa pisngi

"Kayo na po muna ang bahala sa bata" Tumango si mama at kinarga si Jaze na ngayon ay inosenteng nakatitig sakin.

Ngumiti ako sa anak ko at hinalikan ito sa pisngi dahilan para ngumiti ito ng matamis. Kung pwede lang wag na maghanap ng trabaho at manatili dito gagawin ko. Mabuti nalang at hindi iyakin si Jaze at hindi ako nahihirapang iwanan siya. Para na siyang matanda dahil parang naiintindihan niya ang sitwasyon ko

"Pakabait kay lola" Niyakap ko ito at kaagad nang tumalikod para umalis.

Napabuga ako ng hangin at nagsimula nang ayusin ang sarili ko dahil aalis na ko papunta sa trabaho. Sa cafe ako malapit dito sa amin. Wala pa akong makitang magandang trabaho dahil nag aaral pa ko, mabuti nalang at tinanggap pa ko dito

Nagsimula na akong maglakad para pumunta sa sakayan nang maabutan ko ang mga kapit bahay namin na nag kukumpulan sa labas at tila may mga pinagchichismisan. Natigilan sila at napatingin sakin ng sabay sabay

"Mariel saan ka na naman gagala? Ayos na ayos ka ah?" Ngumiti lang ako ng tipid saka nagsalita.

"Papasok na po ako sa trabaho at mag aaply pa po ng iba pang trabaho ngayon, eh lumalaki na ho yong gastusin namin sa bahay at lumalaki na rin po si Jaze"  Magalang kong Sagot. Kahit papaano ay may galang parin ako kahit na minsan ay hindi ko gusto ang mga ugali nilang mapanghusga

"Ay ganun ba? Hay naku Mariel... Kung hindi ka sana nag anak ng maaga hindi sana mangyayari iyan. Tingnan mo, ang laki na tuloy ng problema mo. Kung hindi dahil sa Kal*ndian mo hindi mo mararanasan iyan" Hindi ako nakapagsalita at napakurap nalang saka nanahimik

Nakita ko ang pag sang ayun ng iba niyang mga kasama at nagbibigay pa ng mga salitang mas lalong hindi ko nagustuhan

"Kung ipinalaglag mo lang sana ang anak mo, edi sana hindi ka naghihirap ng ganyan" Tumalikod ako at dire diretsong umalis. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi parin ako masanay sanay na batuhin ng mga ganung klaseng salita. Tao rin ako at nasasaktan dahil sa mga sinasabi nila. Gusto ko silang patulan pero naisip ko na wag nalang dahil una sa lahat, walang mangyayari kapag nagpaliwanag pa ako sa mga taong makitid at may saradong utak, pangalawa, hindi ko naman kailangan ipaliwanag sakanila ang lahat dahil alam kong hindi parin Sila maniniwala kaya ano pang saysay? At isa pa, wala akong dapat ipaliwanag dahil wala naman silang karapatang pakialam ang buhay ko

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon