POSSESSION XXVIII

2.7K 53 0
                                    

POSSESSION XXVIII

Maga ang mata nang makipagharap ako Kay Luke Montillan. Naka cross arm siya at nakasandal sa likuran ng upuan habang hinihintay akong magsalita. Halatang gusto niyang magtanong pero pinipigilan ang sarili lalo na nang makita ako na hatalang gaing sa pag iyak

"Gusto kong makausap si Isaac" Biglang saad ko. Napatitig siya sakin at natigilan

"Mariel..." Nag iwas siya ng tingin sakin

"Magmamakaawa ka na naman ba na bumalik siya sayo gaya ng dati mong ginagawa? Mariel maawa ka naman sa sarili mo---

Natigilan at natahimik siya nang pabagsak kong nilagay sa harapan niya ang litrato ng anak ko. Dahan dahan niya iyong kinuha at tinitigan. Tumingin siya sakin ulit na para bang nag tatanong kung sino ang nasa picture

"A-anak namin iyan..." Napalunok ako pagkatapos kong sabihin iyon. Gulat siyang tumingin ulit sa litrato habang ang mukha ay hindi makapaniwala

"A-anong sabi mo? A-anak niyo?" Gulat parin niyang tanong at napatingin ulit sa litrato saka parang maiiyak akong tiningnan

"Ito ba yung... Yung pinagbubuntis mo noon?" Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sakanya. Hindi ako nagpakawala ng kahit Isang salita. Nakita ko ang panginginig niya habang nakatingin sa litrato ng anak ko.

"M-mariel sorry..." Mahina niyang saad. Kita ko ang pagsisisi sa mukha niya.

"Sorry kung hindi kita natulungan nun... Sorry kung maging ako iniwan ka" Kita ko na nakokonsensya siya pero hindi ako nagsalita at napalunok nalang

"K-kailangan ng dugo ng anak ko Luke. P-pakisabi naman kay Isaac na kung pwede tulungan niya kami. Kahit ngayon lang. Nakikiusap na ako sayo" Tumulo ang luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinigilan. Napahikbi ako nang pumasok sa isip ko ang anak na naghihingalo ngayon sa ospital.

"Wag kang mag alala Mariel. Tutulungan ka ni Isaac. Sisiguraduhin ko sayong hindi ka matatanggihan ng g*gong iyon" Pangako niya sakin na ikinangiti ko ng tipid. Napatingin ulit siya sa litrato ng anak ko at nakita ko ang dahan dahang pagpaskil ng ngiti sa labi niya

Pagkatapos nang pag uusap namin ay hindi paman nakaabot ng isang oras ay nandito na si Isaac. Natigilan ako nang mapatingin sakanya na ngayon ay naiinis ang mukha. Hindi niya pa ako nakikita dahil nakikipagbangayan pa siya kay Luke na ngayon ay hinihila siya at sinesermonan. Nasa labas sila nag uusap

"What the f*ck Luke? Dinidistorbo mo ang bakasyon ko!" Rinig kong asik niya. Napatingin ako sa kabuuan niya at natigilan nang makita ang damit na suot niya. Iyon ang regalo ko sakanya nung second anniversary namin

"Tarantado makinig ka muna kase. May humihingi ng tulong sayo!" Nangagalaiting saad ni Luke. Naiinis ang mukha at halatang gusto nang batukan ang pinsan

"Tsk! Bakit hindi mo kaagad sinabi sakin--

"Eh malamang, hindi ka naman pupunta. Kase nga, ayaw mo ng tumulong sa kahit sino. Kapag tulong pass ka sa ganyan kaya ngayon, siguradong hindi ka makakatanggi" Saad nito at hinila ang pinsan papasok.

"You're disturbing my vacation! I'm with my girlfriend Luke! Naiwanan ko pa dun mag isa!" Hindi ko alam kung bakit may kirot sa dibdib nang marinig ko iyon mula sakanya. Hindi ko alam kung bakit pa ako nasaktan. Huli kong naalala na nakaramdam ako ng ganito ay yung Iwan niya ko ng malamang buntis ako sa anak niya

"Maiwanan mo na ang lahat wag lang ang anak mo!" Nang makapasok sila ay pabalya siyang binitawan ni Luke at napaharap sakin.

"Anak? What the f*ck did you say?" Tanong niya. Natigilan siya ng mapatingin sakin at lahat ng inis sa mukha niya ay nawala. Napalunok siya habang nakatitig sakin. May halong pagtataka sa mukha

"What are you doing here Mariel?" Seryoso niyang tanong kalaunan. Hindi ako umimik at napatitig nalang sakanya at ganun din siya sakin

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon