POSSESSION VII
"Aba'y mabuti naman at nakahanap ka na ng bagong trabaho. Hindi naman kita pinipilit na Kunin iyan. Anak, kahit pa malaki ang sweldo niyan kung hindi mo gusto eh wag mong pilitin. Baka magkasakit ka niyan at hindi na maging maayos ang pag aaral mo" Saad ni mama.
"Ayos lang po ma. Malaki laki din po kase ang suswelduhin ko doon kaysa sa cafe. Nagpaalam na ako sa amo ko doon. Ayos lang daw sakanya" Tila naman nakahinga ng maluwag si mama.
Kinuha ko si Jaze at kinandong ito para patulugin. Pasado alas otso na nga gabi at kakatapos ko lang gawin ang mga assignments ko kaya naman si Jaze naman ang pinagtuunan ko ng pansin ngayon
Biglang bumukas ang mga mata ng bata at gumalaw. "Jaze? Tulog ka na anak... Tutulog na rin si mama pagkatapos" Saad ko. Tumayo ang bata at umayos ng upo
"Mama asan si Papa Salvo mama?" Natigilan ako sa naging tanong niya sakin. Hindi ako makapagsalita agad dahil sa naging tanong niya.
"P-papa Salvo? Bakit mo naman siya hinahanap?" Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang pangalan ni Sir Salvo. Hindi ko rin alam kung bakit papa ang tawag niya kay sir Salvo
"Sabi niya sakin bisita niya si Jaze ngayon. Mama ayaw ko muna tulog" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Kailan pa nagpunta dito si Mr. Salvo?
"G-ganun ba? Kailan niya sinabi anak?" Hinihintay ko ang sagot niya nang biglang pumasok si mama
"Apo nasa baba na si Papa Salvo mo. Anak, ang amo mo nasa baba" Hindi ko alam pero para akong tinamaan ng kidlat dahil kaagad kong ibinigay si Jaze kay mama at kaagad naghanap ng maayos na susuotin. Nakapantulog na ko
"Halika na Mariel... Naghihintay ang bisita mo" Saad ni mama. Kinuha ko nalang ang twalya at nilagay sa magkabilang balikat ko saka lumabas. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla.
Nang makababa ako ay nakita ko si Jaze na tumatawa ng malakas habang nakikipagtawanan kay sir Salvo. Hindi niya pa ako nakikita dahil abala siya kay Jaze. Sandali akong natigilan at napatitig sakanya. Iniisip kung bakit siya nandito
Nakita kong kinandong niya si Jaze habang ang bata ay tuwang tuwa na yumayakap sakanya. Biglang kumirot ang dibdib ko sa nakita. Akala niya siguro papa niya si Sir Salvo. Napahinga ako ng malalim, nasasaktan ako para sa anak ko
"Mama andito na si papa!" Napaigtad ako dahil sa sigaw ni Jaze. Napatingin si sir Salvo sa gawi ko. Bigla akong nakaramdam ng ilang dahil sa naging tawag ng anak ko sakanya. Ramdam ko ang titig niya sakin
Nakita ko kung paano bumaba si Jaze sakanya at tumakbo papunta sakin saka ako hinila papunta sakanilang dalawa. Gusto ko sanang komontra pero nang makita ko ang masayang mukha ng anak ko ay parang nabahala ako
"Mama upo ka mama" Saad niya at tinuro ang tabi ni Sir Salvo. Ramdam ko parin ang titig niya at hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya nagsalita
"A-anak kase--
"It's okay Mariel. You can sit here" Naestatwa ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinaupo ako sa tabi niya
Nakaramdam ako ng ilang dahil doon. "Yeyy! Kompleto na tayo! May papa na ko" Napakamot ako sa sarili kong kilay at biglang nakaramdam ng sobrang ilang
"Palaging pupunta si papa dito gusto mo ba iyon?" Napatingin ako kay Sir Salvo nang marinig ang sinabi niya. Gusto ko sanang magsalita kaso nandito si Jaze at baka kung ano pa ang isipin ng bata
"Opo papa! Uwi ka po samin ni mama ah? Miss po kita! Sabi ni mama kase nagwowork ka lang kaya Wala ka dito" Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa narinig mula kay Jaze.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest