POSSESSION II
"Dae, anong mukha yan? Bakit mukhang problemado?" Nabalik ako sa wisyo nang magsalita si Dalia. Ang katrabaho ko na kaibigan ko na rin.
Napahilamos ako sa sariling mukha at biglang nangamba
"Pera na naman yan?" Mahinahon niyang tanong na inilingan ko.
"M-may nakabunggo saking kotse kanina dae" Saad ko habang nakatulala sa labas. Nagtatrabaho ako dito sa cafe at Wala masyadong customer
"Oh eh bakit problemado ka? Wag mong sabihing tinakasan ka nung driver nung kotse? May galos ka ba o sugat? Aba'y dapat ireport natin iyan sa mga police" Umiling ako at agad na nilapag ang card na binigay sakin ng lalaki kanina
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Para akong dinumbol ng pinaghalong kaba at pangamba para sa buhay ko nang mabasa ang pangalang nakasulat
Kinuha iyon ni Dalia at binasa. Napanganga siya at napatayo sa gulat
"Salvo Montillan?!" Hindi siya makapaniwalang napatingin sakin saka doon sa card na hawak niya.
"Dae ano ba tong pinasok mo? Bakit ba palaging mayayaman ang nababangga mo?" Bigla siyang nag alala.
"Alam mo naman di ba na wala tayong laban sa mga iyan? Sa school pa nga hindi na tayo makalaban ito pa kaya na mas mayaman pa sa mga nambubully sayo sa school. Sus jusmiyo! Kung nagpaplano kang mag pademanda nako wag nalang... Talo ka parin" Saad niya.
Napahilamos ako sa sariling mukha
"Dalia anong gagawin ko? Nasigawan ko siya kanina kase nga nasagi ako ng kotse niya tsaka hinampas ko pa yung bintana" Kita ko ang takot sa mga mata niya
"Jusko naman dae... Pano pag balikan ka non? Eh baka nga bukas huhulihin ka na. O di kaya ipapakausap ka sa abogado para sampahan ng kaso. Nako talaga... Wag naman sana. Pano nalang si Jaze kung ganun" Para akong maiiyak habang nagsasalita siya lalo na nang mabanggit ang pangalan ng anak ko.
"Hindi ako pwedeng makulong... H-hindi pwede... Dalia pano si Jaze? Si Nanay? Ako na nga lang inaasahan ng mga iyon..." Tumayo siya saka kinuha ulit ang card Saka may binasa doon
"Montillan's Group of Company..." Pagkaraan ay tumingin siya sakin
"Malayo tong kompanyang toh pero sasamahan kita pumunta sa company na toh. Mariel kung kailangang lumuhod ka sa harapan nila gawin mo para sa anak mo. Alam kong wala kang kasalanan pero kase iba na ang pinag uusapan pagdating dito. Alam mo naman siguro ang mga mayayaman" Tumango ako at tumayo
"Malapit na mag alas tres. Halika na may pasok pa tayo" Saad ko at matamlay na kinuha ang mga gamit ko
Tulala ako hanggang sa makarating kami sa university na pinapasukan ko. Scholar ako sa school na toh at buti nalang ay tinatanggap nila ang mga estudyanteng katulad ko na single mother. Isa akong 4th year student... Konting konti nalang at aalis na din ako sa eskuwelahang toh
Malayo palang ako ay tanaw ko na ang napalaking ground sa loob ng eskuwelahan. Kagaya ng mga nangyayari sa mga pelikula at mga nababasa sa libro ay biktima rin ako ng bullying dahil sa kadahilanang isa akong single mother.
"Hi single mother. Ganda natin ngayon ah..." Napatigil kami ni Dalia sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Niro. Napapikit ako dahil bigla akong tinubuan ng inis
"Wag ngayon pwede ba?" Tumawa siya ng malakas dahilan para mapatingin samin ang ibang estudyanteng nandito. Isa siya sa mga bully ko. Siya si Niro Valdez. Anak siya ng isang senador. Isang private school ang paaralan na pinapasukan ko at siyempre normal lang na may mga anak mayaman na nandito. Isa sa investor ng paaralan ang mga pamilya nila.
"Wow... So marunong ka nang lumaban? Tsk! Anong pinagmamalaki mo eh scholar ka lang naman dito" Hindi ko siya pinansin at agad na naglakad nang mabilis pero may nabunggo na naman ako
Napaupo ako at nagkalat ang mga gamit ko sa lupa. Narinig ko ang tawanan nila
"Oh look who's here... You deserve it. Hindi kase tumitingin sa dinadaanan" Maarteng saad ni Sanya. Siya naman si Sanya Perez. Anak siya ng gobernador at kagaya ni Niro ay maimpluwensya din ang pamilya nila at talaga namang may Kaya sa buhay
"Dae okay ka lang? Halika ka" Mahinang bulong ni Dalia at pinatayo ako
"Ano ba naman kayo... Wag niyo na ngang inaapi ang kaibigan ko!" Saway ni Dalia pero tinawanan lang siya ng mga kagrupo ni Sanya na para bang Isang malaking biro ang sinabi niya
"Oops... Sorry, ang sarap kaseng apihin ng kaibigan mo... She looks t*nga right girls? Whenever we bully her hindi siya lumalaban. I like it" Napakuyom ang kamao ko ng palihim
"Ano bang ginawa ko sa inyo? Pwede ba--
"Shut up single mother! Wala kang pake kung ibully ka namen... You deserve it. Kayong mga h*mp*slupa bakit pa ba kayo pinayagang makapasok sa school na toh? Don't you know it's private school. Means, pangmayaman toh gosh. Masisikmura ko pa sana kung hindi ka single mom kaso you're one of them! Yuck! Mas mabuting magtrabaho nalang kayo para diyan sa anak niyong pabigat. Maaga kaseng nag paanak. Nagpabuntis ng maaga, wala namang mga ambag sa lipunan---
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang bigyan ko siya ng isang malakas na sampal. Hindi ko alam pero bigla akong napuno dahil sa sinabi niya. Biglang umusbong ang galit sa dibdib ko nang marinig ang mga katagang iyon.
Napatili ang mga kaibigan ni Sanya. Maging ang ibang nandito ay nagulat sa ginawa ko. Hinawakan ni Dalia ang balikat ko pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagtitig ng matalim kay Sanya na ngayon ay mangiyak ngiyak na hinawakan ang pisngi niya
"Y-you! How dare you slap me--
"Kulang pa Yan Sanya!" Matigas kong Saad at dinuro siya.
"Isa pang pang iinsulto mo sakin. Hindi ko na alam kung anong magagawa ko sayo. Ang kapal ng mukha mong magsalita ng ganun sakin. Lahat ng pambubully niyo tiniis ko pero punong puno na ko. Hindi mo alam ang pinagdaraanan ko kaya Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganun ang mga katulad ko" Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Dalia sakin. Inilayo niya ko kina Sanya
Doon ko lang namalayan na umiiyak na pala ako. Pinahiran ko ang luhang pumatak sa pisngi ko
"You dare to slap me? Why are you so affected to what I say? Eh di ba totoo naman! Hindi ka ba na fully educated ng parents mo---
"Hoy Sanya tama na! Ikaw ah nakakainsulto ka na! Nakakasakit ka ng damdamin! Ang sama mo! Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan ko hoy! H*pokrita ka!" Rinig Kong suway ni Sanya
"What did you say?" Nanatili lang akong nakikinig sa sagutan nina Sanya at Dalia. Nakaramdam ako ng hiya dahil ramdam ko ang titig ng ibang eatudyante na nakatuon sakin
"What did you say? Mayaman at maganda nga bingi naman" Napapikit ako at agad na hinawakan sa braso si Dalia
"Dae Tara na malelate na tayo" Mahina kong Saad at tinapunan ng walang emosyong tingin si Sanya na ikinatigil niya.
Akmang kukunin ko na ang bag at nahulog kong mga libro nang may magsalita sa likuran
"What's this commotion?" Biglang tumigil ang mundo ko at bigla akong siklaban ng takot nang marinig ang boses na kanina lang ay narinig ko
Nang lumingon ako ay hindi ako nagkamali. Si Salvo Montillan... Nakasuot siya ng kulay blue na polo habang nakapamulsa at walang emosyong nakatingin sa gawi nina Sanya
Nabaling ang tingin niya sakin at natigilan nang makita ako. Napalunok ako at hindi alam kubg bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatitig rin sakanya
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest