POSSESSION VI

3.4K 76 1
                                    

POSSESSION VI

"Stay here... I'll just buy something" Saad niya at iniwan ako sa loob ng sasakyan. Tumango lang ako at ngumiti ng tipid sakanya.

Ilang minuto lang akong nag antay at pumasok din siya kaagad na may Dala dalang isang bouquet ng mga bulaklak. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita at kalaunan ay naintindihan nang iabot niya sakin ang mga iyon.

"P-para sakin?" Hindi siya umimik at inabot parin sakin ang bouquet ng bulaklak habang matamang nakatitig sakin. Naiilang kong tinanggap iyon at inabala nalang ang sarili na tingnan iyon.

"Give this to Jaze. I hope he'll going to be happy if he sees that" Tiningnan ko iyon at nakita ang Isang box ng Choco chips na paborito ni Jaze. Napangiti ako dahil hindi ko na kailangang pumunta ng bakery para bumili "Salamat po" Hindi siya umimik at tumango lang. Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil don. Dahil alam kong ngingiti siya sakin pero hindi pala.

Naramdaman ko ang pagtakbo ng kotse. Bigla akong nakaramdam ng ilang at napalunok nalang bigla. Hindi ako komportable.

"Can you ask me what's your favorite color Mariel?" Tanong niya habang ang mga mata ay nasa harapan. Napatikhim naman ako

"C-color yellow po. Bakit?" Hindi ulit siya umimik. Tiningnan niya ang bulaklak na binili niya. Kulay red ang mga iyon bago siya napatingin sa bulaklak na binigay sakin ni Niro kanina. Kulay yellow iyon.

"I guess that guy knows your favorite color" Mahina niyang saad.

"N-nako natiyempuhan lang po siguro na ito yung nabili niya. Ako? Magugustuhan nun? Impossible po" Hindi siya sumagot kaya naman ay napangiwi ako ng konti.


Nakanganga ako habang nakatingin sa napakaganda at napalaking building sa harapan ko. Ito ba ang Montillan's Group of Company?! Hindi ako makapaniwala dahil sa nakita. Ang yayaman pala talaga ng mga Montillan. Hindi ko sila masyadong kilala pero ang alam ko, sobrang yaman nila. Hindi nga ako makapaniwala dati na may manliligaw akong isang Montillan din

Napangiti ako ng mapait. Kaya niya pala ako iniwan. Kaya pala kase ang layo layo ng estado ng buhay naming dalawa. Sila mayaman habang ako, nagkukumayod pa para lang mabuhay...

"Let's get inside. My guard is waiting" Saad niya. Nagulat ako nang hawakan niya ang likod ko at pinauna ako sa paglalakad papasok.

Nakita ko kung paano niya ngitian ang guard nang bumati ito sakanya. Napaiwas ako ng tingin dahil bigla ata akong nagwapuhan sakanya.

Hindi nawala ang pagkamangha ko habang naglalakad kami papasok at papunta sa opisina niya. Ang daming empleyado na nandito at lahat ng mga ito ay binabati siya at siya naman ay binabati din niya pabalik. Doon ko nakita kung gaano siya kabait sa mga empleyado niya. Nakapamulsa siya at kapag dadaan siya ay talaga namang titigil sa ginagawa ang lahat para lang batiin siya nang may ngiti sa labi

"Since you'll going to be my secretary, you'll stay here also at my office. Dito ka uupo" Saad niya nang makapasok kami sa Isang napakalaking opisina. Namamangha kong tiningnan ang buong opisina. Color gray ang theme nito pero hindi nakakasawang tingnan ang kabuuan.

Napatingin ako sa glass wall. Kitang kita ang buong city lights na kumikinang na may iba't ibang kulay. Halatang pang mayaman talaga. Hindi rin halatang secretary ang posisyon ko dito dahil mukha na rin akong CEO dahil sa Ganda ng pwesto ko.

Lumapit ako doon at hinawakan ang upuan. Swivel chair din iyon. Ang swerte talaga ng magiging secretary na mapupunta dito.

"But before that... Mr. James will going to tour you and discuss all about the rules and regulations of the company, and what you'll going to do" Tumango ako at ngumiti sakanya

"Thank you po talaga Mr. Montillan. Nako ang ganda po talaga dito. Promise po aayusin ko ang trabaho ko" Ngiti kong Saad at nilagay sa gitna ng dibdib ko ang dalawa kong kamay

"Just call me Salvo. May ibang pupuntang Mr. Montillan na kagaya ko dito. Baka malito Sila kung sino ba ang tinatawag mo" Saad niya at akmang magsasalita na ko pero biglang bumukas ang pinto at pumasok mula doon ang isang di katandaang lalaki.

Nang makita si Sir Salvo ay ngumiti ito ng malumanay at nginitian din ako.

"Si good evening... May ipapagawa po ba kayo sir?" Magalang nitong tanong

"Yeah. Meet Mariel, she's my new secretary and I want you to discuss to her about our rules and regulations here in the company at kung ano ang trabaho niya dito " Magiliw na tumango ang matanda na si Sir James at nakangiti akong binalingan

"Hello ma'am good evening po... Halika na po" Ngumiti rin ako at sumunod na sakanya.

Nang makalabas kami ay wala siyang ginawa kundi ang sabihin ang mga patakaran dito sa loob ng kompanya. Nalaman ko rin na maraming department pala ang nandito. Inisa isa naming pasukin ang mga iyon habang si Sir James ay magiliw akong pinakilala sakanila. Magiliw naman silang winelcome ako sa company nila.

"Matagal na po ba kayo dito Sir?" Tanong ko sakanya

"Nako oo. Mga 15 taon na rin. Itong kompanyang toh talaga ang nakatulong sakin sa lahat. Malaking tulong ang naibigay sakin ng mga Montillan, hanggang ngayon ang babait nila. Matulungin sila sa lahat Kaya naman napakaswerte mo rin dahil dito ka nakapagtrabaho sakanila" Saad niya habang naglalakad kami sa hallway.


"Hello sir James!" Napatigil kami sa paglalakad nang makitang nay humarang samin. Isang magandang babae. Para siyang model sa suot niya. Maganda rin ang kurba ng katawan niya.

"Ay, hello po ma'am Margaret good evening po. How can I help you ma'am?" Magalang na tanong ni sir James sakanya at ngumiti

Ngumiti pabalik ang babae dahilan para mas lalo siyang gumanda

"I'm looking for Salvo. Is he in his office? I brought him dinner" Saad niya. Napatulala ako sakanya dahil ang ganda ng accent niya kapag nagsasalita siya

"Ayy oo po ma'am katukin niyo lang po. Baka busy si sir" Sagot niya. Tumango naman si Margaret at ngumiti. Nabaling ang tingin niya sakin at sandaling natigilan.

Ngumiti ako sakanya "Hello po. Good evening ma'am" Imbes na ngitian ako pabalik ay tumaas ang kilay nito at tiningnan ang kabuuan ko

"Who is she?" Tinuro niya ko habang nakatingin kay Sir James. Nawala ang ngiti ko sa labi

"Newly hired secretary po ni Mr. Salvo ma'am. Si Ms. Mariel" Magiliw na pagpapakilala ni sir James sakin. Mas lalong tumaas ang kilay nito at parang nandidiri akong tiningnan

"Really? Why is she wearing a school uniform then? Seriously? If I'm not mistaken that uniform is from MSU na pagmamay ari ng mga Montillan... Are you a scholar?" Tumango ako at ngumiti.

Napaungot siya at umirap sa kawalan

"Oh I'm right... Halata naman, walang kadating dating ang itsura mo. But, is it allowed? Isang studyante nagtatrabaho sa isang malaking kompanya? Is it a joke?" Napayuko ako at hindi umimik dahil sa sinabi niya.

"Ma'am hindi ko po iyan masasagot po. Baka po si Sir masasagot iyan--

"Yeah right. Where is he? I'm going to raise this concern on him" Saad niya at pasimpleng umirap saka umalis.

Naiwan kami ni sir James. "Mariel ayos ka lang? Nako pasensya ka na don kay Ma'am Margaret ah? Ganun lang talaga iyon, matapobre iyon" Saad niya.

"G-girlfriend po ba iyon ni Mr. Salvo?" Hindi ko alam kung bakit parang may bumarabsa lalamunan ko nang itanong ko iyon

"Ex girlfriend ata? Hindi ko alam, basta may something sila. Dati ring napabalitang engage na sila pero hindi pala. Pinagkakalat pa niyang si Margaret na buntis siya at si sir ang ama at ikakasal na daw Sila. Obsessed si ma'am Margaret kay sir. Inaaway ni ma'am ang mga naging secretary ni sir kaya umaalis. Pero yung Elinita ba iyon? Buti di naabutan ng bruhang iyan. Mabait din iyon kagaya mo. Nag resign na nga eh kase kinasal na sa pinsan ni sir. Baka din Ikaw Mariel makabingwit ka ng isa sa mga pinsan ni sir aba swerte mo gugwapo ng mga iyon"  Napailing ako at napahinga ng malalim.

Naramdaman ko na hindi magiging maganda ang pagtatrabaho ko dito pero titiisin ko. Hindi pwedeng madissapoint sakin si Mr. Salvo. Hindi dapat ako magpapaapekto dahil trabaho ang pinunta ko dito at wala nang iba pa

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon