POSSESSION XV
Mas lalo akong hindi nakatulog kagabi dahil sa sinabi ni Mr. Salvo na talagang hindi ko nakalimutan. Napahinga ako ng malalim at parang nakonsensya kahit hindi naman dapat.
Hindi ako pumasok sa skwelahan ngayon at maaga akong pumasok sa trabaho kahit hindi ko pa duty. Palihim akong nagluto ng masarap na pagkaing agahan para kay Mr. Salvo. Bahala na kung anong isipin niya. Gusto ko lang humingi ng pasensya dahil parang may nahulaan akong nangyari kung bakit umiiyak siya kagabi
Pagdating sa kompanya ay kaagad akong pumasok sa loob. Pasado alas sais palang ng umaga pero nandito na ako
"Oh, ang aga mo ata Mariel... Sa hapon pa ang duty mo ah?" Nagtatakang tanong ng guard nang makita ako.
"Hello po good morning... Nasa office na po ba niya si Mr. Salvo?" Magalang kong tanong
"Aba'y Wala pa. Mga alas otso pa iyon dadating dito. Teka bakit nga pala ang aga mong bata ka? Naunahan mo pang pumasok ang mga pag umagang empleyado ah? Wala bang klase?" Dagdag na tanong pa niya sakin. Hindi ko na nasagit ang tanong niya dahil may dumating at nagtanong sakanya sa labas kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makapasok na sa loob
Tahimik pa sa loob at mga janitor pa ang nandito na nakakasalubong ko. Kaagad akong pumasok sa loob at inilapag ang dala kong pagkain sa mesa at ang bag ko saka naglakad papunta sa table ni Mr. Salvo.
Dapat lang na bumawi ako sa amo ko. Naglinis ako at niligpit lahat ng mga nakikita kong kalat sa opisina niya para pag pumasok na siya ay maaliwalas na at gagaan ang loob niya.
Maya maya lang ay biglang bumukas ang pintuan at hindi ako nagkakamali dahil pumasok mula doon si Mr. Salvo. Natulala ako sa ayos niya, nakablack t-shirt lang siya at pantalon, sa balikat niya nakasampay ang tuxedo na susuotin para sa trabaho at basa pa ang buhok na halatang kakaligo lang. Natulala ako dahil sa nakakaakit niyang itsura. Idagdag pa na halatang halata ang mga matitipuno niyang braso. Natigilan at nagulat siya nang makita ako at hindi kaagad nakabawi. Sandali siyang tumitig sakin kaya naman ay hindi rin ako kaagad nakabawi at napalunok pa bago nagpilit ng ngiti
"Hello po sir, good morning po" Magalang at nakangiti kong bati sakanya. Nang makabawi siya ay napakunot ang noo niya
"Why so early Mariel? It's seven in the morning, why are you here? You're supposed to be in school" Saad niya at nag iwas ng tingin sakin. Hindi ko alam kung bakit napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. Ngumiti naman ako ng tipid pero hindi niya nakita dahil naglakad na siya papunta sa table niya
"M-may niluto po pala ako para sainyo..." Agad kong kinuha ang dala kong agahan para sakanya at ibinigay iyon nang nakangiti.
"What's this?" Mas lalong lumawak ang ngiti ko at kalaunan ay napangisi. Napatitig siya sakin dahil doon kaya napatikhim ako at binuksan iyon para sakanya
"Ayan. Nagluto po ako ng adobo para sa inyo. Pero, hindi po iyan basta adobo lang... Dahil specialty adobo ko po iyan. Niluto ko nang may pagmamahal kaya dapat ko mainlove kayo" Nakangiti kong saad.
Matapos kong sabihin iyon ay napatingin ako sakanya na ngayon ay tulala lang na nakatitig sakin. "Bakit po?" Tanong ko na ikinangiti niya saka nag iwas ng tingin sakin habang may maliit na ngiti sa labi.
"Tikman niyo po. Masarap po iyan" Nagsimula siyang tikman ang dala ko at ako naman ay halos mapunit ang labi kakangiti habang naghihintay sa magiging reaksyon niya.
"D-did you just cook this for me?" Mahina niyang tanong nang matapos matikman ang niluto ko. Napatango ako sakanya
"Kung gusto niyo pa po eh paglulutuan ko pa kayo ng ibang putahe. Marami po akong kayang lutuin. Sabihin niyo lang po kung anong gusto niyo" Nakangiti kong saad at inayos ang lagayan ng pinagkainan niya
"I want to eat this at lunch and bring it home" Saad niya na ikinatango ko. Napangiti ako dahil halatang nagustuhan niya ang luto ko.
"Anyway, you didn't answer my question yet. You didn't attend your class Mariel. Why?" Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng seryosong tingin ang mukha niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin
"U-uhmm... Gusto ko po sana magsorry sainyo sir. Alam ko pong narinig niyo po iyong sinabi ni mama tungkol sainyo. Pasensya na po talaga" Paghingi ko ng paumanhin sakanya. Natigilan siya at napatitig sakin saka nag ayos ng upo at sumeryoso ang mukha
"What if I'll tell you that all of her instinct are right? That I'm doing all of those things because I like you?" Ako naman ay natigilan at nabingi dahil sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil sa sinabi niya at parang naestatwa sa kinatatayuan
Dahan dahan siyang tumayo habang hindi iniiwas ang tingin sakin habang Ako naman ay natulala dahil sa sinabi niya
"P-po? N-napaka impossible naman po nun--
"It's not impossible Mariel. It's very clear that I like you that's why I'm making some way for us to be close and be together. Can't you feel it? O sadyang manhid ka lang talaga para hindi maramdaman na may gusto Ako sayo?" Hindi ako makapagsalita at nanatiling tahimik nang marinig ko na parang nasasaktan ang boses niya. Kalaunan ay mahina akong natawa
"B-bakit po ako? May anak na po ako at tsaka... Marami naman pong babae diyan na iba--
"Why not you? Bakit ako magkakagusto sa iba kung nandiyan ka na? Sayo ako tinamaan Mariel anong magagawa ko? And besides, ano naman ngayon kung may anak ka na? I can be Jaze father... I can love him like my own son, kaya ko Mariel, kaya Kong magpakaama sakanya... Kaya kong tanggapin kayo ng anak mo..." Malungkot na saad nito habang nakatingin sakin. Nakita kong kinagat niya ang labi niya saka yumuko at tumingin sa sahig
"A-alam kong ang bilis pero... Gusto kita..." Bumilis ang naging tibok ng puso ko nang marinig ko iyon mula sakanya. Hindi ito ang unang beses na may nagsabi sakin ng ganito pero iba ang pakiramdam ko nang siya na ang nagsabi nun
"I'm very sorry for liking you Mariel. Hindi ko lang talaga napigilan. Sorry" Paghingi niya ng tawad sakin. Para naman akong hindi makahinga dahil sa mga sinabi niya
"Kapag tinititigan kita ang saya saya ko Mariel. Ikaw ba? Wala ka bang naramdaman para sakin?" Hindi ko alam ang isasagot sa mga tanong niya at ang tanging nagawa ko lang ay titigan siya habang inaamin ang nararamdaman niya
"P-pero parang ayaw sakin ng mama mo. Pero sige lang, kaya ko namang patunayan ang sarili ko para sayo. Kaya ko namang suyuin ka pati ang mama mo basta makuha ka lang... Hindi ako nagbibiro Mariel" Sumeryoso ang mukha niya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Napalunok ako at hindi pa naproseso sa utak ko ang inamin niya
"Maghihintay ako kung kailan ka handa Mariel"
Tulala ako buong araw hanggang sa naghapon na. Napatingin ako Kay Mr. Salvo na abala sa mga pinipirmahan niyang mga papel na nasa lamesa niya.
Napapaiwas na ako ng tingin dahil napapatingin din siya sakin habang ako ay umiiwas lalo na kapag ramdam ko ang titig niya sakin.
Hindi na tuloy ako komportable sakanya. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya na ngayon nang malamang may gusto siya sakin. Hindi lang ako makapaniwala na sa Isang katulad ko pa nagkakagusto ang Isang Salvo Montillan na pinagpala sa lahat.
Napatingin ulit ako sakanya na ngayon ay nakatitig na sakin. Nang tumingin ako ay siya ang nag iwas saka tumayo
"Y-you can go home now Mariel... Thank you for this adobo. You're right, tasting this would make me fall inlove"
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest