POSSESSION XXIX
"Mama gusto ko po makita si papa, mama" Napatingin ako kay Jaze na ngayon ay namimilit sakin. Gusto daw niyang makita si Salvo pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya mapagbigyan
"Anak. Daddy's here. Halika, laro nalang tayo--
"Ayoko po! Gusto ko po si papa! Mama asan si papa, mama!" Sigaw ng bata habang nakatingin sakin. Napatingin ako kay Isaac na ngayon ay natigilan. Kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya habang nakatingin sa anak niya
"J-jaze... Wag na muna makulit anak. Pupuntahan natin si papa mamaya--
"Ngayon na mama! Sige na po!" Nagsimula na itong umiyak sa harapan ko kaya napahawak ako sa ulo ko at hinilot ito
"Mama--
"Mamaya na sabi eh! Pwede ba Jaze! Kung gusto mong maglaro anak! Ayan!" Pinaharap ko siya kay Isaac na ngayon ay natigilan dahil sa pagtaas ko ng boses
"Makipaglaro ka sa totoo mong papa. Di ba iyan naman ang gusto mo? Nandito na ang papa mo" Sermon ko dito na mas lalong ikinaiyak ng bata
"Mariel enough... Akin na" Kinuha niya ang anak namin at siya na ang nagpatahan. Tulala ko lang silang tinitigan dalawa. Abala si Isaac sa pagpapatahan dito habang ako ay biglang nakonsensya dahil sa ginawa ko.
Hindi ko alam pero kusa akong napaiyak habang nakatingin sa anak ko na ngayon ay tinatawag si Salvo. Nilingon ako ni Isaac at nagsalita
"Alam kong gusto mo siyang puntahan. Sige na" Saad niya at nag iwas ng tingin. Napalunok ako habang nakatingin sakanya ngunit kalaunan ay agad din na umalis
Kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa kwarto ni Salvo. Nanginginig ang mga kamay ko maging ang binti ko. Pigil pigil ko ang luha sa mga mata ko habang tinatahak ang kwarto niya.
Nang tumapat na ako ay kinakabahan at nanginginig na binuksan ko ang pintuan. Natigilan ako sa nakita. Napakunot ang noo ko nang makitang may babae sa tabi ni Salvo habang siya naman ay tahimik lang habang seryoso ang mukha
Nakita niya ang pagbukas ng pinto kaya naman ay napatingin siya doon. Natigilan siya nang makita ako. Napalingon ang babae at nakita ko kung sino ito. Si ma'am Margaret. Tumaas ang kilay niya nang makita ako
"Buhay ka pa pala? What brings you here b*tch? Ang kapal naman ng mukha mong magpakita dito pagkatapos ng ginawa mo kay Salvo. Having an affair with his cousin? Eww. Nakakadiri ka. Nakakahiya" Pang iinsulto ni Margaret sakin. Mas lalo akong nasaktan nang hindi man lang ako pinagtanggol ni Salvo at hinayaan lang si Margaret sa kung anong sabihin niya sakin
Hindi ako makapagsalita o maipagtanggol man lang ang sarili ko dahil tama naman ang sinasabi niya. Nakakahiya ako.
"What are you doing here?" Parang may kumirot sa dibdib ko nang marinig ang malamig na tinig ni Salvo. Naluluha ko siyang tiningnan at nakita ang walang emosyon niyang mukha. Nasaktan ako dahil dun
"S-salvo... Mag usap tayo please--
"Wala na tayong dapat pag usapan pa Mariel. Sapat na sakin ang nakita ko. Tapos na tayo. Makakaalis ka na. Maging masaya sana kayo ni Isaac sa pang gag*go niyo sakin" May halong sakit ang boses niya ngunit pinanatiling seryoso ang mukha. Napailing ako at akmang lalapitan siya para hawakan pero hinarangan ako ni Margaret
"S-salvo please... Pakinggan mo na muna ako--
"Umalis ka na Mariel! Hindi mo na kailangan magpaliwanag! Umalis ka na!" Nagulat at natulala ako sa sigaw nito. Galit ang mukha niya. Napaiyak ako dahil sa sakit ng dibdib ko. Naramdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romans"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest