EPILOGUE (ANG WAKAS)
SALVO Point of View
I've always taught by my dad to not hurt woman's feelings before. Kase sabi niya, hindi niya ginawa sa mommy ko ang mga bagay na iyon. Hindi bale daw na ikaw ang masaktan, basta wag lang ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ang iba.
Now that I grown up, nadala ko ang pangaral na iyon. All people including our family always admire me for being calm, kind, and pure hearted person than other of my cousins.
"Look at your Kuya Salvo. He's kind and a very very proper person. Bakit hindi niyo siya kayang gayahin?" One of my aunt said. Hindi naman umimik ang mga pinsan ko at nakikinig lang. Hindi din naman sila makaangal dahil totoo ang sinasabi ni Tita.
In my whole life existence I've always put in my mind that I should be the role model of my younger cousins since I am the eldest to all of us. Kaya pagdating sa pangaral, nakikinig sila at hindi ako sinusuway. Hindi ko iniisip ang pag ibig noon dahil bilang panganay na apo, pamangkin, at anak... Kailangan kong ayusin ang sarili ko para gayahin ng mga nakababata kong mga pinsan
Dumating si Margaret sa buhay ko. She's smart and kind. Nagsimula ang pagkagusto ko sakanya nang tumungtong kami ng high school at naging kami nung college hanggang sa gumraduate. Masaya ang naging pagsasama namin. Gaya ng palaging bilin ng daddy ko 'Treat your girlfriend as a precious gem' ay ginawa ko.
Akala ko magiging masaya ako at akala ko siya na ang babaeng papakasalan ko pero nagkamali ako. Dumating sa punto na nagiging selosa siya. Palagi akong pinaghihigpitan hanggang sa dumating sa punto na halos pagbawalan niya na ako maging sa sarili kong kaligayahan. Sa una ay inakala kong normal ang mga bagay na iyon pero hindi na pala. Dumating ang araw na narealize ko na hindi na tama. Pansin ko ang madalas naming pag aaway dalawa sa kahit maliit na bagay. We both become toxic and our relationship is not healthy anymore
"If she truly loves you, she'll be here by your side to always support you through your ups and downs, not to stop you from your own decisions and happiness. Alalahanin mo na may sarili kang buhay at desisyon, at isa pa, she's just your girlfriend... Not your wife"
Hindi ko nakalimutan ang katagang iyon mula kay Daddy. Matagal kong pinag isipan ang bagay na iyon
"Remember son... You're the holder of your own happiness. If you're once so called home is not the home you used to rest before, then that home is not good for you anymore" Dagdag pa niya.
Napahinga ako ng malalim at narealize na tama ang sinabi ng daddy. Kaya magmula nun, inayos ko ang lahat maging ang sarili ko. Naalala ko pa kung paano ako makipaghiwalay sakanya. She even begged for me not to break up with her. Pero hindi ako nagpadala sakanya. Tama nga sila. 'If the love is toxic, you better stay away. it's not healthy anymore'
Pinangako ko sa sarili ko na hindi na muna ako magmamahal at uunahin muna ang sarili ko. Not until Mariel came to my life.
Nagmamadali akong pumunta sa opisina because of a serious urgent meeting in my company. Dahil na rin siguro sa pagkapuyat ko kagabi dahil hindi nakatulog sa pagpirma ng maraming papeles kagabi ay nakabangga ako.
Bumuntung hininga ako nang makita ang galit na galit na babae sa labas. I even heard her screams from the outside. Napapikit ako saglit at hinilot ang ilong ko maging ang sentido.
Nagdesisyon akong lumabas nang makitang hinampas na niya ang bintana ng kotse ko. Wala akong magawa kundi ang lumabas at panatilihing kalmado ang sarili. Hindi ito ang unang beses na makaranas ako ng ganito. Kailangan ko lang ayusin.
"Hey miss... Are you hurt? I'm so sorry if I became careless in driving. I swear I won't do it again. May galos ka ba?" Mahinahon kong tanong sakanya habang tinitingnan siya kung may galos ba
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest