POSSESSION XXXI

3.2K 59 1
                                    

POSSESSION XXXI

Tulala akong nakatingin sakanya at hindi makapagsalita. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at tumigil ang paghinga ko dahil sa sinabi niya.

"Let's talk when you get home. Magpahinga ka na muna and please Mariel... Stop crying hindi kita iiwan" Saad niya. Tumulo ang luha sa mga mata ko pero hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa saya.

Napayakap ako sakanya at dinama siya. Napapikit ako pagkatapos. Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin pabalik at ang paghagod niya sa likuran ko. "We need to talk after we get home. Ipaliwanag mo sakin ang lahat. And please Mariel... Wag mo kong gawing t*nga" Mahinahon niyang saad at bakas sa boses na umaasa siya.

Pagkauwi namin sa bahay ay kaagad kong hinintay si Salvo dahil sabi niya ay pupunta siya dito. Dito daw kami mag uusap sa bahay.

"Mama pupunta si papa ngayon mama?" Tanong ni Jaze. Napangiti ako at tumango sakanya. Nagliwanag ang mukha ng bata dahil doon. Pinanghawakan ko ang pangako ni Salvo na pupunta siya ngayon para mag usap kami

"Si daddy po? Bibisitahin niya ako?" Natigilan ako sa naging tanong niya at hindi nakasagot kaagad. Hindi alam ang isasagot

"Hindi ko alam anak eh... Hindi naman kase siya nagsabi sakin" Sagot ko nalang. Hindi ko aakalaing hahanapin niya si Isaac

"Pero sabi niya bibisitahin niya si Jaze mama. Sabi niya po sakin kapag magaling na ako" Nakita ko ang umaasang mukha ng anak ko. Lumuhod ako at pinantayan ng tingin ang bata

"Anak... Alam kong hindi mo maiintindihan pero kase... Ang totoong daddy mo, busy na kase siya kase siguro may iba na siyang family. Pero wag ka mag alala ha? Nandito naman si papa at si mama. Hayaan mo, kapag dumating si papa dito maglalaro kayo" Malungkot itong ngumiti at pinilit na sumigla

"Sana po mama makita ko si daddy ulit. Gusto siya mayakap ni Jaze tapos si papa din" Parang may kumurot sa puso ko nang marinig iyon mula sakanya.

Hindi ako nakapagsalita at napatingin sa pintuan nang may kumatok. Napangiti ako at agad na tumayo. Bagama't may kaba sa dibdib ay pinilit kong ayusin ang sarili ko para makaharap ng maayos si Salvo

Nakangiti akong binuksan ang pintuan pero nawala ang ngiti nun nang makita kung sino ang nasa harapan. Si Isaac. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sakin

"Anong ginagawa mo dito?" Tumingin siya sa likuran ko

"Don't worry. Hindi ako manggugulo. I'm here to see my son" Mahina niyang saad. Bakas sa mukha niya na umaasa siyang makita ang anak namin

"Daddy? Daddy!" Masayang saad ni Jaze at tumakbo papunta Kay Isaac. Masaya naman niyang sinalubong ang anak niya at niyakap ito

"Hello baby... How are you?" Hinalikan niya ang ulo ng bata at mahigpit itong niyakap

"Daddy missed you... I have some gifts" Saad niya at may ibinigay sa bata. Napasigaw naman sa tuwa ang bata nang makita ang mga laruan na binili ni Isaac para sakanya

"Daddy binilhan din po ako ni papa ng ibang toys po! Kukunin ko po!" Masaya nitong saad at kaagad na tumakbo sa itaas para ipagmayabang ang mga laruan na binigay ni Salvo sakanya. Naiwan kaming dalawa na nagkatinginan

"I guess Jaze don't need me. May bagong tatay na pala ang anak ko. Mas matino kaysa sakin" Tinitigan ko siya at hinuhuli ang reaksyon niya pero wala akong mababakasang lungkot at sakit doon.

"I'm happy for you Mariel... Masaya ako na nahanap mo na ang lalaking mag aalaga sa inyo ng anak natin. I'm happy for the both of you" Nakangiti niyang saad. Kusa akong napangiti at naramdaman nalang ang pag gaan ng loob ko dahil sa sinabi niya

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon