POSSESSION XX
"A-ano pong ginagawa niyo dito?" Nauutal kong tanong sa lalaking kaharap. Nakita ko ang pagngisi niya habang nakatitig sakin
"Po?" Natawa siya ng konti nang sabihin niya iyon. Hindi ko maipagkakaila na isa siya rin siyang Montillan. Halata naman dahil may pagkahawig siya ng konti kay Mr. Salvo. Ang pinagkaiba lang, halatang mabait at mahinhin si Mr. Salvo habang itong lalaking kaharap ko ay nakakatakot kung tititigan
"Stop staring at me like that miss. You might fall, hindi pa naman kita kayang saluhin. I have a wife" Napaatras ako nang ipakita niya sakin ang picture ng Isang babae. Napatitig ako doon at nanlaki ang mga mata nang makilala kung sino ang napakagandang babaeng nasa litrato
"Wow... Asawa po ninyo si Miss Erin Leigh Castillego?" Napangiti ako dahil fan na fan ako sa babaeng iyon. Nakita ko na siya sa personal at masasabi kong napakaganda niya
Natawa ang lalaki at nagkibit balikat saka itinago ang cellphone sa bulsa bago ako tinitigan ulit. Naging malamig ng tingin niya sakin
"Stay away from Salvo" Natigilan ako sa sinabi niya at hindi nakaimik
"He deserves someone Mariel. Bumalik ka nalang kay Isaac tutal may anak naman na kayo eh" Nagulat ako dahil sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tinitigan siya
"P-paano mo nalaman?" Ngumisi siya at dinilaan ang labi saka nagsalita
"I have my ways Mariel. Kailan mo ba ipapakilala sa amin ang pamangkin ko? Kailan mo siya ipapakilala sa buong angkan?" Umiling ako at pinantayan ang nakakatakot niyang tingin
"Hindi niyo na kailangan makita ang anak ko. Ang alam niya pinalaglag ko ang bata, yun naman ang gusto niya di ba? At para saan pa? Eh hindi nga siya tinanggap ng pinsan mo dati" Natawa ang lalaki dahil sa sinabi ko
"Wow. That's epic. Does he knows na may anak kayo ng isa pa niyang pinsan?" Tinuro niya gamit ang mga mata si Mr. Salvo. Natigilan ako saglit at napatingin dahil doon
"Does he knows na ang ama ng anak mo ay pinsan rin niya? Tanggap naman niya ang bata di ba?" Hindi ako umimik dahil sa naging tanong niya
"Ang alam niya lang. May anak ka, pero hindi niya alam na si Isaac ang ama. Salvo is really a fool to not notice that the kid has a big resemblance to our j*rk cousin" Napangisi siya at parang tuwang tuwa siya sa mga nangyayari
"I really love how you fooled them both Mariel" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya
"Hindi ko sila inuuto---
"Then anong ginagawa mo ngayon? You fooled Isaac for not letting him know that you have his son and for fooling Salvo for not telling him that Isaac is the father of your son. Hanggang kailan mo itatago Mariel?" Matigas niyang tanong. Malamig ang boses niya pero hindi ko iyon ininda. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nalilito ang isipan ko.
"I know Salvo is courting you. Sa tingin mo ba hahayaan ko na magkatuluyan kayo? No" Hindi ko alam ang sasabihin. Walang salitang lumabas kahit isa sa bibig ko at tanging tikom lang
"You gotta watch out your steps Mariel. I'm watching you" Saad niya bago tumayo at naglaho sa dilim ng basta basta. Nang mawala siya ay tuluyan akong nanghina at napaupo. Parang nawalan ng lakas ang mga paa ko na makatayo
"Mariel you okay?" Narinig ko ang nag aalalang tanong ni Salvo sakin. Hinawakan niya ang mukha ko. Bigla akong napaluha dahil doon at agad na napayakap ng mahigpit sakanya.
"I-i'm sorry po..." Mahina kong saad at kaagad na niyakap siya ng mahigpit.
"What are you saying Mariel? Why are you saying sorry?" Hindi ako sumagot at yumakap lang sakanya ng mahigpit. Naramdaman ko nalang ang pagyakap niya ng mahigpit pabalik sakin
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest