POSSESSION VIII
"L-luke..." Naging seryoso bigla ang mukha niya nang makabawi sa gulat. Sandali siyang napatitig sakin at hindi umimik ng ilang segundo habang ako ay nakatulala at hindi alam kung anong sasabihin
"Anong ginagawa mo dito?" Sarkastiko niyang tanong sakin. Hindi ako nakaimik kaagad. Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako dahil sa inasta niya pero matagal ko nang pinaghandaan kung anong gagawin ko kapag nagkita ulit kami. Isa siyang Montillan kaya inaasahan ko na na makikita ko siya
"U-uhm... T-trabaho. Nagtatrabaho ako dito" Hilaw akong ngumiti sakanya pero siya ay nginisihan lang ako at nag krus ng mga braso sa dibdib niya.
"Nagtatrabaho huh? Anong trabaho naman Mariel? At dito pa talaga sa opisina ni Kuya Salvo? Really Mariel? Sinong inuuto mo?" Napayuko ako at napalunok dahil parang naiiyak ako dahil sa tono ng pananalita niya. Naging close naman kami dati pero nag iba na nga talaga ang pakikitungo niya
"T-totoo ang sinasabi ko Luke--
"Wag mo Kong tawagin sa pangalan ko na para bang close tayo. Sino ka ba ha?" Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at hindi na talaga umimik pa. Napatikhim ako para pigilin ang luhang namumuo sa mga mata ko. Ayokong ipakita sakanya na naiiyak ako
Biglang bumukas ulit ang pinto pero hindi ako nag angat ng tingin dahil baka makita niya na talaga na umiiyak ako
"Luke? What are you doing here?" Rinig Kong tinig ni Mr. Salvo na ikinagulat ko. So kilala talaga nila ang isa't isa? Siguro magkapatid sila o magpinsan
"May sasabihin sana ako tungkol kay Psalm kaso wag nalang pala. May bagong empleyado ka ata? Pakilala mo naman ako" Rinig kong Saad ni Luke pero hindi na malamig ang tinig niya kundi gaya na ng dati na mapang asar
"Tsk... Get out of here Luke, wala akong ipapakilala sayo. Stop pestering Mariel will you?" Naiinis na saad ni Sir Salvo pero tumawa lang ng sarkastiko si Luke
"Oh... Mariel... Mariel pala ang pangalan niya Nako. Kung alam mo lang Kuya, hayy nako. Mag ingat ka sana ha?" Parang may kahulugan ang sinabi niya kaya naman nag angat ako ng tingin
Napatingin sakin si Sir Salvo at napakunot ang noo
"Are you crying Mariel?" Natigilan din si Luke at napatingin sakin. Kaagad siyang napatakip ng bibig Saka ngumiwi at napakamot ng ulo.
"W-wala po. Inaantok lang ako... Pwede na po ba akong umuwi? Masama ho kase ang pakiramdam ko parang lalagnatin ata ako" Pagdadahilan ko at suminghot. Hindi naman inalis ni Mr. Salvo ang tingin niya sakin. Nagulat ako nang lumapit siya sakin at hinipo ang noo ko na hindi ko inaasahang gagawin niya.
"Are you pressured here? I'm sorry, sa susunod bawas bawasan ko na ang trabaho mo para dika mapagod" Ngumiti lang ako ng tipid at biglang nag init ang pisngi dahil sa sinabi niya. Halatang concerned siya sakin base sa tono ng pananalita niya
"Naks. Sweet naman" Rinig kong saad ni Luke at tumawa pa. Napatingin ako sakanya at nakita kong nakatingin siya sakin . Hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya pero alam kong may gusto siyang sabihin.
"Wait. I'll just get my key so that we can--
"W-wag na po..." Natigilan naman si Mr. Salvo nang pigilan ko siya. Kinamot ko ang batok ko bago ako nanghihinang kinuha ang gamit ko
"U-uuwi nalang po ako mag isa. Kaya ko na po. Wag na kayong mag abala" Saad ko at ngumiti ng tipid
"Are you sure?" Mahina niyang tanong sakin. Tumango lang ako sakanya. Naramdaman niya yatang hindi ko na gusto pang makipag usap kaya hindi na siya umimik pa.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest