POSSESSION XXV
Hindi ko na narinig ang tugon niya kaya kaagad na akong tumalikod at dali daling umalis. Natigilan ako nang makitang may isang lalaki ang agad na tumakbo nang makita ako. May suot siyang bonnet sa ulo. Napatingin ako sa paligid at hindi alam kung bakit ako kinakabahan
Hawak hawak ko ang labi kong nang umuwi ako sa bahay. Pagpasok ko palang ay kaagad na kong natigilan nang makita si Salvo na prenteng nakaupo sa maliit na sofa. Sa harapan niya ay nandon ang anak ko na masayang naglalaro.
"Mama!" Sigaw nito nang makita ako at kaagad na yumakap sakin. Ngumiti lang ako at napaaray nang maramdaman ang kirot sa labi ko
"What happened to your lips?" Biglang tanong ni Salvo at lumapit samin. Nginitian ko lang siya ng tipid bago umiling
"Nako wala po toh--
"Let me see" Putol niya at marahan na hinawakan ang bibig ko. Tiningnan niya iyon at nakita ko ang pandidilim ng mukha niya habang ang pasa na nasa labi ko
"Who did this to you?" Malamig niyang tanong pero hindi ako umimik kaya napatingin siya sa mga mata ko
"Sino Mariel?" Matigas niyang tanong sakin. Iniwas ko naman ang mukha ko sakanya bago yumuko
"Wag niyo na po itong alalahanin..." Saad ko at tumingin sakanya. "Magbibihis lang ako" Saad ko at tinalikuran siya saka umakyat sa itaas
Kumunot ang noo ko nang makita ang iilang mga bagahe na nasa sahig ng kwarto namin. Inisa isa kong tiningnan ang mga iyon at nakita ang napakaraming gamit ni Jaze sa loob. Tiningnan ko rin ang isang bagahe at nakita ang mga gamit ko
"Ma para saan toh?" Tanong ko kay mama nang pumasok siya sa loob.
"Magbabakasyon daw kayo sabi ni Mr. Montillan. Nag request ang anak mo na gusto daw niya ng vacation kaya ayon, pinagbigyan ng manliligaw mo. Oh, eh napano iyang labi mo? Wag mong sabihin iyong Margareta na naman yung may gawa niyan" Nagulat ako nang malaman niyang manliligaw ko si Mr. Montillan pero ang mas ikinagulat ko ay ang sabihing, magbabakasyon daw kami
"Ma sana kinausap niyo si Salvo na wag nang ituloy ang gusto ni Jaze. Hayaan niyo kakausapin ko" Saad ko at kaagad na lumabas.
Hindi pa ko nakakababa ay narinig ko na ang usapan nilang dalawa na ikinatigil ko
"Papa mahal mo si mama?" Mahinhin na tanong ng anak ko. Natigilan ako dahil doon at Imbes na tumuloy ay parang may nagtulak sakin na makinig muna kahit na alam kong pwede siyang magsabi ng hindi totoo sa bata, pero pinili kong makinig
"Yes. I love your mom. Bakit mo natanong anak?" Malumanay niyang tanong. Napasilip ako doon at nakitang nakakandong ang anak ko sakanya habang masinsinan silang nag uusap. Natigilan din ako dahil sa naging sagot niya
"Talaga po? Mahal mo rin po si Jaze kung ganon?" Narinig ko ang mahinhin na pagtawa ng lalaki na nakakahumaling para sakin at parang masarap sa tenga pakinggan
"Oo naman. Mahal ko ang mama mo kase binigyan niya ko ng anak na kagaya mo" Narinig ko ang paghagikhik ng bata na halatang tuwang tuwa sa narinig. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon
"Buti pa kayo. Love kami ni mama. Yung totoo ko pong papa kaya, love rin kaya niya kami?" Mas lalo akong natigilan dahil sa naging tanong ni Jaze. Napatingin ako kay Salvo na ngayon ay sandaling hindi umimik.
Akmang lalabas na ko para sana awatin na si Jaze sa pagtatanong pero naramdaman ko na may humawak sa braso ko. Nagulat ako dahil doon at napatingin, si mama. Seryoso siyang nakatingin kina Salvo at Jaze na ngayon ay nag uusap
"Hayaan mo siyang sagutin ang tanong ng bata. Diyan mo makikita kung seryoso siya sayo" Seryoso nitong saad habang nakikinig sa dalawa
"I believe that your real father love you just like how I love you. Mahal na mahal ka ng totoong papa mo anak. Mahal na mahal ka niya kase anak ka niya, wag ka na mag isip na hindi ka mahal ng totoong tatay mo" Mahinahon niyang Sagot sa bata. Natigilan ako sa naging Sagot niya. Hindi makapaniwala
"Talaga po? Bakit hindi po niya ako binibisita? Ayaw niya ba kay Jaze? Mabait naman po ako sabi ni mama kase big boy na po ako at dapat na po maging good boy na din ako. Ayaw niya po ba makipaglaro kay Jaze? Siguro may iba na siyang family..." Napaiwas ako ng tingin at naluha nalang dahil sa sinabi ng anak ko
Rinig na rinig ko ang bakas ng sakit sa boses niya. Hinawakan ni mama ang balikat ko at pinatahan ako. Nasasaktan ako kase hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman ng anak ko. Akala ko ay ayos na sakanya na ako lang.
"No baby don't say that... Your real papa loves you so much. May mga bagay lang talaga na hindi maipaliwanag anak... Maiintindihan mo rin kapag lumaki ka na... Sa ngayon, ako muna ang magiging papa mo. Okay ba sayo?" Nakita ko ang pagtango ng anak ko at ang pagyakap ng mahigpit sakanya
"I love you po papa! Wag mo po kami Iwan ni mama..." Pinahiran ko ang luha sa mga mata ko matapos marinig iyon.
"Ang swerte mo na sakanya Mariel. Sana lang hindi ka nagkamali sakanya... Halata namang may maganda siyang intensyon sayo. Napatunayan na niya ang sarili niya sakin. Tingnan mo oh, mahal na mahal ang anak mo. Mahal na mahal niya ang apo ko. Saan ka pa makakahanap ng lalaking kagaya niya..." Napangiti ako dahil sa sinabi ni mama
"Tanggap niya kayo ng anak mo Mariel kaya sana, tanggapin mo rin siya sa buhay mo"
Napangiti ako ngunit sandaling napaisip. Kung ganun, kailangan ko ring malaman kung tatanggapin niya pa ba ko kapag nalaman niya ang totoo
"I must go now. Ipapakuha ko ang mga bagahe niyo bukas. We'll going to have our first vacation trip" Nakangiti niyang saad na ikinatango ko
"Sige po" Nagulat ako nang may kinuha siya sa bulsa at ibinigay sakin. Napangiti ako nang makita ang tulips na nasa kamay niya ngayon
"Pinitas ko iyan sa garden ni mommy kanina. My mo loves red tulips" Napatango ako at pasimple iyong hinalikan
"Salamat dito..." Hindi siya umimik kaya naman ay nakaramdam ako ng ilang dahil sa uri ng titig niya.
"I hope you'll going to open up with me Mariel. Handa akong makinig sa kung ano ang sasabihin mo. I won't judge you... I promise hinding hindi ako maglilihim sayo kahit hindi pa naging tayo. Ayokong mag isip ka ng kung ano ano. At sana balang araw, magawa mo ring masabi sakin ang mga hinanakit mo... Magawa sana nating maging sandalan ang isa't isa" Nagulat ako nang halikan niya ang noo ko ng dahan dahan
"Sa noo muna. Saka na sa labi, kapag kinasal na tayo" Ngiti niyang saad na ikinatunaw ng puso ko. Ang puso ko na ngayon ay hindi na maawat sa pagkabog
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest