POSSESSION IV
Napangiti ako nang makita ang maliit na gate ng bahay namin. Kaagad akong lumabas sa kotse ni Mr. Montillan at pumasok sa bahay. Hindi naman nakasara, siguro gising pa sina Jaze at nanay.
"Nay andito na ko mano po" Magalang kong Saad. Napatingin naman si mama sakin na ngayon ay abala sa pagluluto ng hapunan.
"Oh nandito ka na pala..." Saad niya at napatingin sa likuran ko.
"Sino yang kasama mo?" Mahinang bulong niya sakin. Napatingin ako doon at nakita ko si Mr. Montillan na nasa labas parin at nakatingin samin. Muntikan ko nang makalimutan na kasama ko pala siya.
"Ma si Mr. Salvo Montillan po pala. Bagong sponsor ko po sa scholarship" Ngiti kong pagpapakilala sakanya. Ngumiti naman si mama at kaagad na binati si Mr. Montillan na ngayon ay magalang rin na binati pabalik si mama. Minsan naisip ko rin na ang layo ni Mr. Montillan sa ugali ng Isang Montillan na nakilala ko.
Nagkibit balikat nalang ako. Alam ko namang mayayaman ang mga iyon pero hindi ko sila masyadong kilala dahil abala ako sa sarili kong buhay. Hindi din naman ako mapapakain niyan kapag nangialam pa ko sa buhay nila.
Nilapitan ko ang anak ko na ngayon ay masayang hinihintay ako. "Kumusta ang baby ni mama?" Malambing kong tanong at hinalikan ang matambok nitong pisngi. Ngumiti naman ang bata dahilan para lumitaw ang cute niyang ngiti.
"Mama..." Niyakap ko ito at kinarga. Nang humarap ako ay nakita kong nakatitig sa amin si Mr. Montillan. Tinitigan niya ang batang dala dala ko at hindi umimik.
Lumapit ako sakanya para ipakilala si Jaze na ngayon ay nakatingin din sakanya
"Ito po pala ang anak ko Sir. Jaze po ang pangalan niya" Saad ko habang nakangiti.
"Can I carry him?" Mahina niyang tanong sakin. Tumango naman ako at nakangiting ibinigay si Jaze sakanya
"Hello kiddo..." Mahinang saad niya at ngumiti sa anak ko. Ngumiti naman ang bata at hinawakan ang mukha niya
"Ang gwapo po ninyo po... Sino po kayo? Kayo po ba ang papa ko?" Nagulat ako dahil sa naging tanong ng anak ko at nanlamig dahil doon.
Hindi ako makapagsalita at maski si Mr. Montillan ay natigilan.
"N-nako apo... Hindi si papa mo iyan..." Napatingin ako Kay mama na ngayon ay biglang nailang at agad na kinuha si Jaze mula kay Mr. Salvo
"Ikaw talaga kung ano ano nalang ang pinagsasasabi mo. Oh ito ang pasalubong daw ni mama mo kainin mo na" Napatingin ako sa anak ko at biglang kumirot ang dibdib ko.
Napatingin ako kay Mr. Salvo na ngayon ay nakatingin lang sakin. Biglang pumaskil ang malungkot niyang tingin. Hindi ko alam kung bakit nakokonsensya ako
"P-pasensya na po--
"No need to say sorry Mariel... The kid just misinterpret me as his father but... Your kid is a good child" Tumango ako at ngumiti para gumaan ang pakiramdam niya.
"I need to go... May gagawin pa ko" Hindi na ko nakapagsalita nang agad siyang umalis. Gusto ko pa sana siyang habulin kaso nga lang hindi ko alam kung bakit ko ba iyon naramdaman. Bigla rin akong nasaktan
"Oh? Asan yung bisita mo?" Biglang tanong ni mama habang bitbit si Jaze na abala sa kinakain
"U-umuwi na po ma" Saad ko at ngumiti ng tipid.
"Ganun ba? Sana naman pinigilan mo. Iimbitahin ko sana ng hapunan eh malapit na din naman maluto yung niluluto ko" Saad niya at agad na umalis. Hindi ako umimik at sumunod nalang sakanila
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest