POSSESSION XII
"W-wala po ma'am --
"Shut up! Nagdedeny ka pa!" Sigaw niya sakin at saka ako nilapitan. Nilagay niya sa lamesa ang dala niya bago ako nilapitan at hinila ang braso ko
"Hindi kita nakutusan dati dahil may dumating! Swerte ka! Pero ngayon hindi ako makakapayag na hindi makaganti sayo!" Naluluha akong napatingin sakanya. Nagtataka dahil Wala naman akong kasalanan para gantihan niya
"M-ma'am... A-ano pong ginawa ko sa inyo? Ma'am wala--
Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigyan niya ko ng Isang malutong na sampal sa pisngi. Hinawakan niya ang braso ko ulit at nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin
"You're a wh*re! Mang aagaw ka! You stole Salvo from me!" Sigaw niya at pinag sasampal ako habang ako ay todo iwas sakanya
"You're the reason why he left me! And choose you!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit nadamay ang pangalan ni Mr. Salvo at mas lalong hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasasabi niya
"I am supposed to be the Mrs. Montillan and not you!" Sigaw ulit niya sakin. Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang habang sinasangga ang mga masasakit niyang hampas sakin
"Hala p*t*ng*ina! Hoy Margaret itigil mo nga yan!" Sigaw nang kung sino. Napahikbi ako at nakahinga ng maluwag nang maramdamang, wala na Ang masasakit na hampas ni ma'am Margaret.
"Get off me Luke! I will going to rip that girl's face!" Sigaw nito. Dahan dahan akong napatingin doon at nakita ko si Luke na hinahawakan si ma'am Margaret para di makalapit sakin
"Gaga ka ba ha? Bakit mo sinasaktan yan? Alam mo, dalawa ang kalaban mo kapag sinaktan mo yan. Tatlo pala kasama ako " Naiinis na sagot ng lalaki at mahina siyang tinulak at nilayo saka ako nilapitan at hinawakan
"Mariel okay ka lang ba? Sorry late ako nakaabot. Kase naman, may pinagawa pa si Kuya" Saad niya at hinubad ang suot niyang coat saka itinakip sakin. Inayos niya rin ang buhok ko bagay na mas lalong ikinaiyak ko.
"Jusko naman oh... Wag ka na umiyak, ligtas ka na nga. Hindi ka na masasaktan ng bruhang iyon" Saad niya sakin. Bigla ko siyang sinunggaban ng mahigpit na yakap na ikinatigil niya ngunit kalaunan ay niyakap rin ako pabalik nang marinig ang mahinang hikbi ko
"Alam kong namiss mo ko, pero dahan dahan lang sa pagyakap jusko... Lagot ako nito" Bulong pa niya.
"Why are you protecting that girl?! Siya na ang nang agaw--
"Nang agaw? Nang agaw pinagsasasabi mo? Gusto ko lang ipaalala sayo Margaret na hindi mo boyfriend si Kuya Salvo uy... Wag kang mag ilusyon" Saad ni Luke at pinatayo ako.
"Umalis ka na Margaret. Jusko kapag naabutan ka pa ni Kuya Salvo dito hindi ko na alam ang mangyayari sayo" Dagdag pa niya sa babae.
Padabog at naiinis namang umalis si ma'am Margaret at naiwan kaming dalawa ni Luke. Pinaupo niya ko at kaagad siyang kumuha ng maiinom na tubig.
"Maayos ka na ba? Kailangan mo nang umuwi, ihahatid na kita. Ako na ang magsasabi kay kuya na pinauwi na kita" Saad niya sakin. Ngumiti ako ng tipid at tinitigan siya saglit.
"L-luke salamat kanina..." Hindi siya umimik sakin at nanatiling walang imik at tahimik lang. Napayuko ako.
"Wala iyon. Bilisan mo na diyan. Uuwi ka na" Saad niya at umalis. Naiwan akong mag isa at hindi alam kung ano ang mararamdaman. Malaki nga siguro ang galit niya sakin
Hinatid ako ni Luke pauwi. Walang naging imik sa pagitan naming dalawa. Halata rin na iniiwasan niya ko. Halata rin na ayaw niya kong kausapin kahit na isang salita lang ay hindi siya nagpakawala. Hindi ko na alam kung saan Ako magsisimulang humingi ng tawad sakanya
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest