POSSESSION X
"Mama mama! Nasa labas po si papa!" Dahil sa sinabi ni Jaze ay kaagad akong napabangon at nagulat.
"P-papa?" Tumango tango ito habang nakangiti sakin. Hindi ako makagalaw dahil doon at hindi ko din alam ang gagawin ko.
"Mama bangon ka na diyan sige na bihisan mo ko" Mas lalo akong nagtaka dahil sa sinabi niya sakin
"Bakit naman kita bibihisan anak?" Mas lalo siyang ngumiti at nagtalon talon Bago nagsalita
"Mag mall si Jaze at si papa kaya magbibihis ako" Saad niya na mas lalo Kong ikinagulat. Napakamot ako sa ulo at napabuga ng hangin saka namroblema. Hindi ko alam ang gagawin. Mag mall daw sila eh wala pa kong pera.
"A-anak kase... Wala pang pera si mama. Mamaya na tayong mamasyal ha? Kapag nakasweldo si mama" Saad ko sakanya. Bigla naman siyang natigilan at parang maiiyak habang nakatingin sakin.
"M-mama pasyal po si Jaze sige na mama... Gusto ko po makasama si papa" Napaiwas ako ng tingin at biglang nabahala dahil sa sinabi niya
"Jaze anak... Sa susunod nalang ha? Promise ibibili kita--
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla itong umiyak sa harapan ko at halatang nagpapaawa at nagtatampo. Napahilamos ako sa sariling mukha.
Bigla namang pumasok si mama na nga aalala ang mukha habang nakatingin sa apo niya na ngayon ay nakaupo sa sahig
"Apo ko... Anong nangyari?" Kinarga niya ang bata at humarap sakin "Mariel? Bakit naiyak itong anak mo?" Tanong niya habang pinapahiran ang mga luha ni Jaze at pinapatahan ang bata.
"Gusto daw po mag mall kasama si Mr. Salvo, eh wala pa po akong pera dito ma. Kasya lang toh para sa gastusin dito s bahay" Sagot ko at akmang kakargahin ang anak pero lumayo ito sakin.
"Eh si Mr. Montillan naman ang nag aya. Eh baka ililibre ang bata. Aba'y payagan mo na" Saad niya
"Ma nakakahiya. Ililibre ni Mr. Salvo? Hindi po pwede iyon. Kakatanggap ko palang sa trabaho, kapag iyan nilibre ni Mr. Salvo yung sweldo ko mababawasan" Saad ko at napaupo ulit.
"Sandali lang ha? Lalabas muna kami" Paalam niya at lumabas karga karga si Jaze na ngayon ay umiiyak parin.
Maya maya lang ay bumalik na si mama na nakangiti habang si Jaze naman ay tumahan na sa pag iyak
"Oh. Mamasyal daw sila... Ililibre daw siya ni papa daw niya..." Nakangiting saad ni mama habang ako ay nagtataka
"Wag ka nang mag alala Mariel... Nakausap ko na si Mr. Montillan. Magbihis ka na rin daw dahil sabi niya sasama ka" Dagdag niya nang makita ang nagtataka kong mukha.
"S-sasama? Ako?" Tumango si mama habang ako ay hindi pa rin nakabawi sa gulat.
Tapos na kong magbihis pero nasa loob parin ako ng kwarto. Si Jaze ay nauna na sa baba pagkatapos bihisan ni mama. Hindi ko alam pero parang nahihiya akong lumabas.
"Mariel dalian mo diyan jusko at kanina ka pa hinihintay nila sa baba. Hindi ako sasama dahil walang maiiwan dito sa bahay" Humarap ako kay mama
"Ma sabihin mo kay Mr. Salvo na hindi nalang ako sasama. Sila nalang ni Jaze... O di kaya kayo nalang po ang sumama sakanila" Saad ko sakanya. Saka ko lang napag isip isip na ang anak ko lang naman ang ipapasyal ni Mr. Salvo
"Mariel, wag mo ipagkakatiwala kung kami kanino iyang anak mo. Samahan mo iyan sige na, kung gusto mo talagang hindi sumama, aba kay Mr. Montillan ka magpaalam at wag sakin. Ikaw ang nanay niyan kaya Ikaw talaga ang dapat sumama" Saad niya sakin. Napahinga naman ako ng malalim at nag desisyon na lumabas nalang
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romans"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest