POSSESSION XXVII

2.6K 52 0
                                    

POSSESSION XXVII

Halos tatlong araw ang tinagal namin. Hindi ko namalayan ang oras dahil habang nasa tabi ko si Salvo ay nagiging masaya ako at nakakalimutan ko ang lahat at wala akong ibang naiisip kundi ang kasama siya.

"You okay?" Tanong niya sakin na ikinatango ko. Napangiti ako dahil dun. Sa loob ng tatlong araw naming magkasama ay hindi niya ako binigo. Lahat ng sinabi niya sakin noon ay tinupad niya. Hindi niya kami iniwanan ni Jaze.

"Papa mama!" Napatingin ako sa bata na ngayon ay tinatawag kami. Nang nasa harapan na namin ito ay may binigay ito samin

"Ano toh anak?" Nagtataka kong tanong. Ngumisi naman ito sakin bago nagsalita

"Bracelet mama. Gawa ko para sainyo ni papa" Saad niya saka naglabas ng isa pa na galing sa bulsa niya.

"I also made one for you Mariel" Napatingin ako sakanya at nakitang may kinuha siya sa bulsa niya at dahan dahang tiningnan at inilabas saka masuyo akong tiningnan

"I made this bracelet while thinking of you... Kahapon ko pa iyan ginawa. Si Jaze pa ang nagturo sakin kung paano" Saad niya at dahan dahang sinuot iyon sa kamay ko

"It suits your beautiful hand..." Saad niya. Napatingin ako sa kabila nang maramdaman na may humawak sa Isang kamay ko. Napangiti ako nang makita si Jaze na ginaya ang ginawa ni Salvo. Isinuot din niya sakin ang bracelet

"Papa ikiss mo si mama sa cheeks po. Gusto ko makita iyong ginawa mo sakanya nun" Napakunot ang noo ko. Wala naman akong maalala na hinalikan ako ni Salvo sa pisngi. Sa pagkakaalala ko sa sentido at noo lang iyon

"Mama, nagnakaw si papa ng kiss sayo nung natutulog ka. Sabi niya sakin shhh" Sumbong sakin ni Jaze. Kunot noo naman akong napatingin kay Salvo na ngayon ay hindi na makatingin sakin. Hindi ako umimik at napalunok nalang. Nakagat ko ang ibabang labi dahil may naramdaman akong kung ano sa tiyan ko

"H-hayaan mo na..." Napatikhim ako at iyon nalang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng inis. Siguro dahil nagustuhan ko din ang ginawa niya



Nag iisa ako ngayon at nakatampisaw sa swimming pool na nandito sa labas. Iilan lang ang nandito, bilang ko lang. Ipinasyal muna saglit ni Salvo ang anak namin habang ako ay nandito lang at hindi sumama sakanila

"So many warnings I gave you but still you're so stubborn..." Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses sa likuran. Hindi ako pwedeng magkamali. Dahan daha siyang naglakad at ilang dipa ang layo sakin saka umupo.

Hindi ako umimik. Kailangan kong marinig ang mga sasabihin niya dahil hindi ko alam kung bakit parang lahat ng ipinupunto niya ay totoo

"You see Mariel... Dalawang pinsan ko na ang ginawa mong t*nga--

"Ano bang mali kung sagutin ko si Salvo? Wala na kami ni Isaac. Tsaka siya naman iyong may kasalanan eh kung bakit nagkahiwalay kami" Saad ko at binalingan siya ng titig

"That's not the point here Mariel. Hindi mo ba iniisip ang sasabihin ng mga magulang nila oras na malamang may anak ka sa Isang pinsan ko habang nakikipagrelasyon ka naman sa isa?" Naikuyom ko ang kamao ko at napakagat ng labi. Bumadha ang lungkot at sakit sa dibdib ko

"B-bakit ba kailangan kong makiayon sa kung anong sasabihin ng iba?" Mahina at garalgal kong tanong.

"H-hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan kong makinig sa opinyon ng iba? Ginawa ko na iyan dati pa pero anong nangyari? Wala. Kahit naman sundin ko iyang sinasabi mo hindi parin mag iiba ang tingin nila sakin..." Pinahiran ko ang luhang tumulo sa mga mata ko saka napasinghot.

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon