POSSESSION XVIII

2.6K 59 0
                                    

POSSESSION XVIII

"Sir good morning po, si ma'am Margaret po nasa loob. Hinahanap po kayo"

Mabilis akong natigilan dahil sa binalita ng guard. Napatingin ako kay Mr. Salvo na ngayon ay natigilan din. Napakunot ang noo niya ngunit kalaunan ay rumihestro ang galit sa mukha

"Wait me here" Bilin niya saka walang salitang iniwan niya kami at kaagad na pumasok sa loob. Kusang naglakad ang mga paa ko at sumunod sakanya. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Napapatingin sakin ang ibang empleyado kaya naman ay napayuko ako. Nakita ko siyang dumiretso sa loob ng opisina niya kaya naman ay nagdahan dahan ako para sumunod at makinig sakanila

"What are you doing here again Margaret?" Matigas at malamig na tanong ni Mr. Salvo sakanya. Sumilip ako doon at nakita ko ang nakatalikod na si Margaret

"Don't you miss me babe? I'm here because it's my boyfriend's company ano pa nga ba?" Malanding saad niya bago inayos ayos ang necktie ni Salvo. Narinig ko ang pag asik ni Mr. Salvo bago siya itinulak ng marahan dahilan para malayo siya

"Bakit ka nakapasok dito? I banned you Margaret from entering my company for hurting Mariel" Sagot naman ni Mr. Salvo. Nakita ko kung paano binagsak ni ma'am Margaret ang dalang mamahaling bag Saka galit na hinarap ng tuluyan si Mr. Salvo

"You banned me because I hurted that b*tch?! Ano bang pinagmamalaki mo Salvo?! I am your girlfriend here pero pinagtatanggol mo ang babaeng iyon!" Galit nitong sigaw. Wala namang emosyon si Mr. Salvo. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Magkasintahan pa sila?

"Noon iyon Margaret! We're done tapos na tayo matagal na!" Nagtitimping saad ni Mr. Salvo na ngayon pinipigilan ang sariling sigawan si ma'am Margaret

"We're not yet done Salvo! Hindi ako pumayag na makipaghiwalay ka! Kaya ka ba nakipaghiwalay sakin dahil sa babaeng iyan?! Ano bang ipinagmamalaki mo sakanya?! She's a single mother for god sake!" Pabalik nitong sigaw. Napakagat ako ng ibabang labi at napayuko

"Sa lahat ng pwede mong ipalit sakin iyon pang may anak na?! God Salvo! That's disgusting!" Halata sa mukha nito ang pandidiri. Humarap ito sa kinaroroonan ko kaya naman ay napaatras ako para hindi niya ko tuluyang makita.

"Let's stop talking about this Margaret and leave... Umalis ka na and don't bother us anymore. We're done..." Hinintay ko ang sasabihin pa niya pero hindi ko narinig ang bagay na gusto kong marinig, ang ipagtanggol niya ko.

"That b*tch ruined everything!" Huli kong saad bago naramdaman ang paglabas ni ma'am Margaret. Hindi niya ko nakita dahil galit siya at nakatutok sa harapan

Pinalipas ko na muna ang ilang segundo bago ako dahan dahang pumasok sa loob. Nakita ko si Mr. Salvo na nakaupo sa swivel chair niya habang hinihilot ang sentido.

"S-sir okay lang po ba kayo?" Mahina kong tanong sakanya. Napamulat naman siya ng mata bago ako tiningnan at nginitian ng tipid

"Yeah I'm now okay because I see you. Come here" Naghila siya ng isa pang upuan at itinuro iyon para doon ako umupo. Hindi ako umimik at dahan dahan nalang sumunod at umupo doon sa tabi niya.

Natulala siya saglit at hindi nagsalita habang ako naman ay ganun din. Dahil sa hindi ko kinaya ang katahimikan ay ako na ang bumasag nun

"G-girlfriend niyo po pala si ma'am Margaret?" Napatikhim ako nang gumaralgal ang boses ko nang itanong ko iyon. Napatingin siya sakin

"She's my ex girlfriend..." Sagot niya at halatang pinagtatanggol ang sarili. Bumuga siya ng hangin at nilagay ang isang kamay sa ulo niya

"She's not like that before... Mabait siya dati nung nililigawan ko pa siya. I really loved and admire her before because of her kindness but I don't know why she changed" Mahina niyang saad at natulala sa kawalan.

"We're both happy before pero dumating ang araw na nakita ko ang totoong ugali niya. Napaka selosa niya at palagi akong pinagdududahan. Dumating pa sa punto na nasasakal na ko sakanya to the point na pinagbabawalan niya ko sa mga gusto kong gawin. She even forbid me to stay close to girls" Dagdag pa niya

"I demand a break up last 5 months but she didn't accept it. Matagal ko nang tinapos ang namamagitan samin kaya hindi ko na siya girlfriend " Saad niya at tumingin sakin. Hindi ako nakatingin sakanya pero ramdam ko ang pagbaling niya ng tingin sakin.

"Let's don't talk about that thing anymore. Let's start for work" Saad niya at nag iwas ng tingin saka tumayo at iniwan ako. Hindi ko alam kung bakit parang nawalan ako ng gana nang marinig na naging girlfriend niya pala si ma'am Margaret dati. So totoo pala ang sinabi sakin nun ni Sir James na may relasyon sila dati.


Napatingin ako sa wall clock na nandito sa opisina. Pasado alas dose na ng tanghali pero nakasubsob parin sa trabaho si Sir. Salvo. Napahinga ako ng malalim at agad na tumayo dahil nagugutom na ko

"Sir, hindi pa po ba kayo magla lunch?" Tiningnan niya ako at mabilis na nag iwas ng tingin saka umiling

"You can now go for your lunch Mariel... Hindi pa ako nagugutom" Malamig niyang saad kaya naman nagulat at napalunok nalang ako at nagpilit ng ngiti kahit hindi naman niya nakikita

Lumabas ako ng opisina. Pumunta ako kaagad sa canteen section. Doon ko naabutan ang ibang mga katrabaho ko na ngayon ay kumakain. Natigilan Ang iba sakanila nang makita ako

Napangiti ako ng pilit at pumasok ng tuluyan. "Hello Mariel... Halika, saluhan mo kaming Kumain" Saad ng isa kong katrabaho. Nagpilit ako ng ngiti at tumango saka kumuha ng makakain

"Bakit mo ba siya iniimbitahan? Eh di ba Mang aagaw iyan?" Napintig ang tenga ko nang may magsalita ng ganun. Natigilan ako at napalingon dahil doon

"Hoy Lexi... Anong Mang aagaw ang sinasabi mo? Eh matagal nang break sina ma'am Margaret at sir Salvo kaya move on ka na rin girl" Saad ng isa pa naming katrabaho. Napairap naman iyong babaeng nag ngangalang Lexi at tinaasan ako ng kilay nang mapatingin sakin

"Totoo naman ah? I heard she's a single mother. Means, naanakan na ng iba. Ang taas naman ng pangarap niya na makasungkit ng isang mayaman. Isang Montillan pa talaga ang inahas niya" Maldita nitong saad at padabog na tumayo Saka iniwan kaming lahat

Natahimik ang buong opisina nang umalis siya. Nahihiyang napatingin ako sa ibang mga nandito

"Pagpasensyahan mo na si Lexi Mariel ah? Ganun talaga iyon. Biggest fan daw kase kuno siya sa relasyon nina ma'am Margaret at sir kaya ganun" Hindi ako umimik at tumalikod nalang at nagpatuloy sa pagkuha ng makakain

Wala sa sarili akong bumalik sa opisina ni sir Salvo. Hindi maganda ang pakiramdam ko pagkatapos kong marinig ang bagay na iyon

Pagbukas ko nang pintuan ay kaagad akong natigilan nang may makita akong ibang lalaki sa loob. Nakatalikod ito kaya hindi ko nakilala. Kumunot ang noo ko

"So what now Kuya---

Natigilan ito nang humarap sakin at napatingin. Natigilan din ako at nagulat nang makilala kung sino ito. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at bigla akong kinabahan ng sobra

"M-mariel?" Halos pabulong nitong tanong at hindi makapaniwalang tiningnan ako na ngayon ay nakatulala parin habang nakatingin sakanya

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon