POSSESSION V
"Mabuti naman at tinanggap mo ang alok niya... Mas makakatulong iyon sainyo lalo na at lumalaki na ang inaanak ko" Saad ni Dalia habang abala sa paglilinis ng mga lamesa. Pasado alas nuwebe na ng gabi at nandito parin kami sa cafe
"Wala naman sigurong masama di ba kung kay Mr. Montillan ako magtatrabaho? Baka kase makita ko siya don" Nag aalala kong saad. Kita ko namang natigilan siya
"Dae trabaho ang pinunta mo. At tsaka isa pa mukhang hindi naman ata kaano ano nung Mr. Montillan yung isa pang Montillan na kilala mo" Sagot niya at nagpatuloy
"Oh? Bakit parang nag aalangan ka diyan? Di ba sabi mo nga tinanggap mo na yung alok. Aba eh panindigan mo na. Umoo ka na dun sa tao tsaka ang laki na ng sahod o" Napakamot ako sa sariling batok at tumayo
"Sayo nalang yang trabaho dae. Nakokonsensya na ko kay Mr. Montillan kase naman, siya pa yung sponsor ko tapos siya pa yong nagpapatrabaho sakin. Hindi ba sobra naman yun" Hindi siya umimik at lumapit lang sakin Saka tinaasan ako ng kilay
"Wag mong sabihing nag aalangan ka kase takot kang mahulog? Tama ba ko? Kase traumatic ka don sa Isang Montillan na nakilala mo?" Bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya
"Dalia naman ang tagal na nun. Paniguradong may asawa't anak na iyon ngayon. Mag move on nalang kaya tayo" Pag iiwas ko sa sinabi niya
"Oh eh ganun naman pala. Ang dali dali ng trabaho. Secretary lang, sa opisina ka lang then Pak! May 100,000 kana monthly. Kesa naman dito sa cafe" Siniko ko siya dahil baka marinig siya ng amo namin at sinaway
"Oo na sususbukan ko na. Eh Ikaw? Mananatili ka dito? Aba kung ganun kailangan kong humingi ng pabor kay Mr. Montillan para pagsamahin tayo" Ngumisi naman siya sakin at nagyayabang ang tingin
"Wag na. Binigyan na ko ng trabaho nun. Mag te training daw akong manager sa kompanya niya para pag nakagraduate na daw tayo ay bibigyan niya ko ng promotion kaagad kapag nagtrabaho na tayo" Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi makapaniwala
"Tsaka alam mo ba. Scholar na din ako ni Mr. Montillan dae!" Halos magtatalon siya sa saya nang mabanggit iyon. Ngumiti naman ako at di na umimik pa.
"Hi Mariel..." Napatigil ako sa pagsusulat sa notebook ko nang may marinig akong pamilyar na boses. Kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino iyon
"Ano na naman Niro? Busy ako malapit nang mag finals" Mahinahon kong sagot sakanya. Alam ko namang Mang aasar na naman toh sakin
"U-uhm... Just want to say sorry dahil sa nangyari last day" Kumunot ang noo ko at tiningnan na siya ng buo. Natigilan ako nang makita ang isang bouquet ng bulaklak na hawak niya.
"Ah... Okay lang. Wala iyon" Tipid akong ngumiti at tumikhim saka nagpatuloy sa ginagawa.
"Pwede ba kong tumabi?" Hindi ako umimik at tumango nalang dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagtabi niya sakin pero hindi ko siya pinansin.
"Sorry about what I did before Mariel... I hope you can give me a chance for us to be friends... Sorry sa pambubully ko sayo. I didn't mean it. Sobra yata akong naging insensitive" Tiningnan ko siya
"Inutusan ka ba ng parents mo para mag sorry sakin? Takot ka bang mapagalitan o di kaya masira ang image mo at ng pamilya mo---
"No no no... It's not like that. I am here to give my sincere apologies to you... I'm sorry Mariel... Get this bouquet of flowers tanda na sincere ako sa paghingi ng sorry" Tiningnan ko ang mga bulaklak na inabot niya at ngumiti ng tipid.
"S-salamat..." Mahina kong saad at umiwas ng tingin. Hindi ako umimik pagkatapos at nagpatuloy sa ginagawa.
"Ano bang ginagawa mo? Gusto mo tulungan kita? I can help" Saad niya at akmang kukunin na sana ang iba kong gamit pero pinigilan ko siya
"H-hindi wag na. Salamat nalang kaya ko na" Saad ko at agad nang tumayo dahil nakaramdam ako ng pagkailang sakanya bigla.
"T-thank you ulit dito sa bulaklak... I appreciate your apology" Ngiti kong Saad at kaagad na umalis.
"Hoy dae. Kanino galing ang flowers na yan?" Mahinang tanong ni Dalia at itinuro ang bouquet ng bulaklak na binigay ni Niro kanina sakin.
"Galing kay Niro. Ewan... Nag sorry lang siya sakin tas binigyan ako nito" Nagtataka naman siyang tumingin sakin at pabalik doon sa bulaklak
"Sabi ko na nga ba may gusto iyon sayo. Nagpapapansin tas inaaway away ka pa tas binibigyan pa ng flowers. Naks. Ipagpapalit mo na kaagad si Mr. Montillan? Eh kakakilala niyo palang ipagpapalit mo na?" Kunot noo ko siyang tiningnan na nagtataka
"Pinagsasasabi mo? Anong ipagpapalit si Mr. Montillan?" Ngumisi siya sakin at napahawak sa labi Saka hindi nagpakita ng nakakaasar na mukha
"Para kaseng may inamin siya sakin kagabi. Ackk, kakakilig nga yung sinabi niya" Mas lalo akong nagtaka at nalito nalang dahil sa sinabi niya.
"Pero wag mo na munang usisain yun. Confused palang din kase siya kase siyempre impossible daw iyong nangyayari ngayon na para daw may nafefeel siyang kakaiba na hindi naman dapat" Mas lalo na akong nalito dahil sa sinasabi niya.
Akmang magsasalita na ko pero napatigil kami at napatingin sa bulaklak nang bigla iyong maitapon sa sahig. Tiningnan ko iyon at gulat saka tiningnan rin kung sino ang nagtapon.
Si Sanya. Masama ang tingin niya sakin at kasama niya sa likuran ang mga kaibigan niya
"Akala mo ba hindi ko malalaman? You started fl*rting Niro. I saw how he gave you this ugly flowers" Maldita niyang saad at kinuyom ang kamao niya.
"Sanya wala naman iyong ibig sabihin eh--
"Shut up! Akala mo ba may papatol sayo? Huh... May sabit ka na Mariel always remember that. Know your place b*tch" Tumayo ako at kaagad na kinuha ang bulaklak at lumapit sakanya.
"Oh Ayan!" Ibinato ko sa dibdib niya ang bulaklak na bigay ni Niro
"Mang iinsulto ka na naman? Oh ayan! Sayong sayo na ang bulaklak na yan! Para matahimik ka na, oh ayan sayo na. Isaksak mo sa baga mo" Malamig kong saad. Hindi siya umimik kaya kaagad kong kinuha ang bag ko
Akmang aalis na siya pero binalikan ko ang bulaklak at kinuha ang ulit. Inayos ko iyon ng may pag iingat
"Nakalimutan ko. Apology flower to sakin ni Niro. Nakalimutan kong sa akin pala talaga toh. Sorry ah? Di ko mabibigay sayo" Saad ko at inayos ang ribbon na nakalagay doon
Papauwi na ko nang makita ko sa labas si Mr. Montillan. Nakasandal siya sa kotse niya at halatang may hinihintay. Lumapit ako sakanya
"Sir... Good afternoon po andito po pala kayo" Napalingon siya sakin at agad na umalis sa pagkakasandal niya
"Oh hey. Good afternoon... Come with me and I'll discuss you about your new job as my secretary" Ngumiti ako sakanya at hindi nagsalita. Napatingin siya bigla sa bulaklak na hawak ko at sandaling napatitig doon.
"Who gave you that?" Mahina niyang tanong sakin. Ngumiti ako at ibinida sa harapan niya ang magandang bouquet
"Apology flower po sakin ng isa sa bully ko. Nakakatawa pero nag sosorry naman" Masaya kong saad at inamoy ito.
Kinuha niya iyon at pinakatitigan "The ribbon is now ruined" Puna niya sa nakasabit na laso na nasira ni Sanya kanina
"Ay oo po nahulog po kase kanina. Pero maganda pa naman... Halika na po, excited na po ako sa bagong trabaho ko! At excited na rin akong umuwi kase makikita ko na naman ang anak ko" Bigla akong naexcite ulit
"Yeah. I miss him too. Can I see him again?" Tumango ako ng alinlangan sakanya
"I will also buy you flowers too. An appreciation flower for you..." Ngumiti siya ng tipid sakin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya
"Appreciation flower? Para sakin? Nako, kayo po dapat ang bigyan ko ng ganyan kase ang bait bait po ninyo sakin. Promise ko po kapag nagtrabaho ako sainyo gagalingan ko po ang pagiging secretary promise hindi po kayo magsisisi na ako ang pinili niyo" Nakangiti at Masaya kong saad. Gusto kong ipakita kay Mr. Montillan na deserving ako sa lahat. Na hindi mababasura ang mga tulong na ibinigay niya
"Yeah... I don't regret choosing you. You never failed to amaze me"
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest