POSSESSION XXII

2.4K 41 0
                                    

POSSESSION XXII

Pinahiran ko ang mga luhang tumulo galing sa mga mata ko at inis na umupo sa isang bench. Nandito ako sa madilim at tahimik na malapit lang din sa venue. Walang masyadong tao na dumadaan kaya kampante akong umupo rito. Mapait akong napangiti nang maalala ang masasakit na ibinabatong salita ng mga tao kanina.

Natulala ako saglit at dinamdam ang nasasaktan kong damdamin. Pinahiran ko ulit ang mga umalpas na luha sa mga mata bago suminghot

"I already told you about this Mariel but still you didn't listen..." Nawalan ng emosyon ang mukha ko at natigilan. Imbes na makaramdam ng takot sa lalaking nagsasalita ngayon ay hindi ko iyon naramdaman sa unang pagkakataon.

"They will just judge you and your son so it's better if you stop fitting yourself to Salvo's life.... Can't you see? He left you and accompany his girlfriend earlier. Ni hindi nga nagpaalam sayo" Mapait akong napangiti nang marealize na nagsasabi siya ng totoo

"It's better if you get back to Isaac. You had a son with him and I think it's good if you let him know about your child---

"Pwede ba wag ka nang makialam sa buhay ko?" Nilingon ko ito at pinutol ang sasabihin niya.

"Bakit mo ba ako pinipilit makipagbalikan sa g*go mong pinsan?! Hindi ko na siya gusto! Hindi ko na siya mahal! Magmula nung itakwil niya kami at hindi ako panindigan, ipinapangako ko na hindi niya makikilala kahit na mukha o pangalan man lang ng anak ko!" Umiiyak at matigas kong saad habang nakatingin sakanya

"Ohh... Easy, breath out. Inhale... Exhale" Malumanay at malamig niyang saad. Kusa naman akong napasunod dahil sa sinabi niya

"It's just a joke Mariel. Don't take it seriously... I know that my cousin is a j*rk. You don't deserve him but I can't also support you for having a relationship with Salvo. Ex boyfriend mo ang pinsan namin Mariel... at may anak kayo, hindi ka ba nakokonsensya? I bet you also didn't tell him the truth behind your son's identity " Hindi ako umimik at nanatiling tulala kaya hindi na siya umimik at tinabihan lang ako. Napaisip ako sa sinabi niya at parang natamaan dahil doon

"Pagkasakit naman talaga ang magmahal..." Mahina niyang saad at katulad ko ay tumulala rin sa kawalan at di na nagsalita pa

"W-wala akong Inagaw..." Basag ko sa katahimikan. Ramdam ko ang paglingon niya at ang pagtitig sakin. Tumango tango siya at nagkibit ng balikat

"M-matagal na silang tapos nung niligawan ako ni sir Salvo. Wala na sila kaya Wala akong inaagaw" Tumayo ako ng dahan dahan at marahas na pinahiran ang luha sa mga mata ko

"So Salvo courted you? Really? At pumayag ka naman? Mariel Mariel Mariel..." Naramdaman ko ang pagtayo niya. Tinalikuran niya ko

"Malaking problema ang pinasok mo. Tsk tsk tsk" Huli niyang saad bago nawala sa kadiliman. Napahinga ako ng malalim at bumuga kalaunan ng marahas na hangin.

Akmang maglalakad na ko nang may bigla na namang magsalita. Pero ngayon ay biglang nag iba na ang pakiramdam ko.

"I saw it earlier..." Kahit ilang taon man mula nang maghiwalay kami at Iwan niya ko, hinding hindi ko parin nakakalimutan kailanman ang malamig niyang boses na iba ang dating na hatid sakin noon

"After kuya Salvo... Si Psalm naman--

"Wag ngayon Isaac... Pwede?" Hinarap ko siya na may hinanakit sa mga mata. Napatitig siya sakin at kalaunan ay napalunok nang makita ang luhaan at umiiyak kong mukha

"Kung Wala kang matinong sasabihin please lang..." Pinahiran ko ang mga luha bago nagpatuloy "Wag mo na kong sumbatan. Oo alam ko na. Hindi mo na kailangan ulit ulitin kaya pwede ba wag mo na kong guluhin namumuhay na ko ng tahimik ngayon---

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon